Kabanata 21
Nagtungo na muna kami pabalik sa palasyo at sinabi kila Ama at Ina ang nalaman namin. Kasunod ay nagpahinga muna kami. Nagising ako ng may kumatok sa kwarto ko. Akala ko si Heldi kaya sinabi kong pasok.
"Wake up"
Napabalikwas ako ng marinig ko ang boses na iyon at nanindig ang mga balahibo ko kasabay na may parang paro-parong naglalaro sa mga tyan ko ng makita ko syang may dalang tray ng pagkain."Anong masamang ispirito ang sumanib sayo?" Gulat kong sabi kay Rizen dahil may dala syang tray ng pagkain at binaba sa may gilid ng kama ko.
"wala ng masamang ispirito sa katawan ko lahat sila nasa katawan mo na" pangaasar pa nya kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"Goodmorning, Breakfast in bed"
Pagmamalaki pa nya at tinaas ang tray na dala nya na may lamang pagkain."Anong nakain mo?"
Taka kong tanong. He chuckled. Nako wag kang tawa-tawa dyan."Wala, pero may kakainin pa lang ako" nakangisi nyang sabi kaya napakunot ang noo ko.
"Ano?"
Tanong ko naman habang nakatingin doon sa pagkaing dala nya at uminom muna ng tubig."Ikaw"
Napaismid naman ako sa sinabi nya at sinamaan sya ng tingin. Baka Ikaw sunggaban ko dyan eh."Just eat, Ako nagluto nyan" Pagmamalaki pa nya.
"Baka may lason 'to?"
Paghihinala ko naman sa kanya kaya natawa sya."Walang lason yan, subuan pa kita"
Pinigilan ko naman ang ngiti ko dahil Ang cute nya habang hinihipan yung pagkain. Masarap yung luto nya ah.Nagulat kami ng pumasok si Heldi na mukang nagulat din ng makita si Prince Rizen dito pero may aamoy ako.
"Heldi? Anong amoy yun?"
Taka kong tanong."Ahh may nasunog po kasi sa kusina mabuti na lang at naagapan" sabi ni Heldi.
Tiningnan ko naman si Rizen na umiwas ng tingin.Nagpapakainosente pa ito muntik na nyang masunog 'yung palasyo.
Maganda siguro ang mood ni Rizen ngayon kaya pinagluto ako ng breakfast. Nilagay ko muna sa kahon ang lampin na binigay saamin. Lumabas na ako sa kwarto ko at nakita ko silang lahat sa may Sala.
Si Nathan na kinukulit si Aiden habang nagbabasa. Si Aiden na halatang nagtitimpi lamang kay Nathan. Si Aeron na katabi si Elie. Si Aya na katabi ni Gail. Si Mia at Kuya Yros naman ang magkatabi. Si Sage na nasa may terrace tumitingin ng view habang si Wade ay nakangangang natutulog sa gilid.
"Mamaya mo ilipat sa next page binabasa ko pa eh" sabi ni Nathan at binalik ang pahina ng libro sa binabasa nya. Si Aiden naman ay tapos na parteng iyon ay huminga na lang ng malalim. Malapit ng mapuno kay Nathan.
"The nshanjbagjakmahvavw sjkauwbgqhaha kauahsnsjkn aklpbk jajuajabahaj...." Pagsabasa ng malakas ni Nathan sa binabasa nyang libro. Kinder!.
"Congrats you can read in a second grade level!" Sarkastikong pagpuri ni Prince Aiden kay Prince Nathan.
Parang tanga namang pumalakpak si Prince Nathan.
"Edi grade 3 na ako nyan"
Tuwang-tuwang sabi nya. Napatampal na lang ako sa noo ko at umiling. Si Prince Aiden naman ay nakatulala lang sa kung saan. Nagtitimpi."Nathan..gusto mo pa bang mabuhay?" Tanong ni Prince Aiden.
"Aba oo naman-"
"Kung gusto mo pang mabuhay umalis-alis ka sa tabi ko!" Inis na sigaw ni Prince Aiden kaya agad namang tumakbo si Prince Nathan papunta sa tayo ni Prince Wade na nakangangang natutulog na muka namang nagitla kaya biglang napatayo at nagkarate pa.
"Pre anong nangayari sayo?"
Tawang-tawang sabi ni Prince Aeron na nasaksihan ang pagkagitla nito habang natutulog at nagkarate moves pa.______________________________________
:)
YOU ARE READING
Reincarnated To The Body Of The Hated Princess
RomanceSi Ivelisse ay isa lamang simpleng babae na magisa na sa buhay at ang kasama na lang nyang natitira ay ang kanyang lola. Nabago ang lahat ng may makita syang lumang libro sa aparador ng lola nya at nagising na lamang siya na wala na sya sa kanyang t...