Kabanata 19
Umalis na si Reyna Vesin pagkatapos kausapin si Prince Jaze saktong dating naman ni Lady Feiren para lagyan ng bimpo ang likodan ng dalawang bata.
"If I leave would you be mad at me?"
Tanong ni Prince Jaze kay Lady Feiren. Napatingi naman si Lady Feiren sa bata."Bakit ka naman aalis? Iiwan muna si Nana?" Malambing na tanong nito sa bata.
"Would you be mad if I want to my mom?" Inosenteng tanong ng bata. Napahinga naman ng mamalim si Lady Feiren. Alam nya ang pangungulila nito sa Ina nya.
"Ganito kasi yun may mga
pangyayaring hindi mo pa dapat malaman... Si mama mo may bad syang ginawa kaya sya nawawala ngayon na kailangan nyang pagbayaran para ligtas ka rin..kailangan muna ni mama mo na lumayo, naiintindihan mo ba?" Hiniwakan pa ni Lady Feiren ang ilong ng bata. Tumango naman ni Prince Jaze."Would you get mad at me?"
Tanong ni Prince Jaze."I don't want na mapunta si Prince Jaze sa bad people..." Pinapasok na nya ang mga bata. Dumating na rin Ang mga Prinsesa at Prinsepe na galing sa Yonvil Kingdom.
Seraphine P.O.V
Nakarating na kami sa palasyo. Nakita pa namin sila Lady Feiren na kasama si Jaze at Gia.
"May nakalap kayong impormasyon?"
Bungad agad ni Ama."Wala pa po ama.."
Sambit naman ni Kuya at huminga ng malalim.Sumapit ang kinagabihan at matulog na sana ako ng makita ko si Jaze na nasa loob ng kwarto ko.
"Jaze? Anong ginagawa mo dito?"
Tanong ko at umupo sa kama ko sa tabi nya. Tumingin sya sakain na parang nagdadalawang isip pa syang sabihin saakin."Mom will come here ate...she was here earlier she said she will take me with her and to open the window in my my room tonight"
Third Person P.O.V
Nagplano na si Reyna Vesin para Kunin ang bata at dalhin sa Bezon Kingdom para gawin pain sa kanila.
Unti-unting binuksan ni Reyna Vesin ang bintana ng kwarto ni Prince Jaze napangisi naman sya dahil sinunod ito ng bata. Nakita nya ang bata na natutulog sa kama nito.
Hinigpitan nya muna ang tali na ginamit nya sa pagaakyat para hindi ito malagot pag bumaba siya kasama ang bata.
Lumapit sya sa natutulog na bata at gigisingin na sana ang bata ng biglang bumukas ang ilaw. Nagulat si Reyna Vesin na pinapalibotan na sya ng lahat.
Nandoon ang mga royalties at Ang Reyna Hera at Haring Theodore na napakasama ng tingin sa kanya.
Tumingin sya sa nakamulat na ngayong bata at nakaramdam ng galit."Wala ka ng kawala ngayon, hulihin sya!" Agad na sabi ni Haring Theodore. Agad na lumapit sila Heneral Kin at agad na dinakip ang Reyna.
"I'm sorry mom..."
Umiiyak na sabi ng bata. Tumingin Ang ginang sa bata na galit na galit."Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo! Kinasusuklaman kita!" Sigaw ng ginang kaya lalong umiyak ang bata na agad namang niyakap ni Princess Sera na pinapatahan.
"Shhh you did the right thing baby..."
Pampatahan ni Princess Sera kay Prince Jaze na umiiyak ngayon."Nana told me to don't lie and lying is bad, I don't want to be bad" umiiyak na sabi ni Prince Jaze.
"You're not bad baby...you did great"
Sabi naman ni Lady Feiren. Sya Ang nagturo sa bata na masama ang magsinungaling at magalit sya kapag ginawa nya ito. Ayaw ni Prince Jaze na magagalit sa kanya ang kanyang naging magaalaga simula 'nong bata pa."Mom is mad at me now"
Sumisinghot na sabi ni Prince Jaze.Napahinga ng maluwag ang mga royalties dahil nahuli na rin si Reyna Vesin ngunit hindi pa dito nagtatapos ang laban nila. Nandyan pa si Haring Silas na mas matindi nilang kalaban at hindi ito titigil hanggat hindi nasasakop ang palasyo nila at matalo ang Haring Theodore.
Galit na galit ang Reyna Vesin dahil sa ginawa ng bata. Dinalaw naman sya ni Reyna Hera at ni Haring Theodore sa kulungan.
"Ngayong nahuli ka na si Silas naman ang isusunod ko" sabi ni Reyna Hera kaya napangisi si Reyna Vesin.
"Wala akong pakialam sa mga sinasabi nyo! Pakawalan nyo ako dito!" Sigaw ng Reyna Vesin at pilit kinakalas ang pagkakadena sa may palapulsuhan nya.
"Hindi mo na matatakasan ang mga kasalanang ginawa mo Vesin!, Sa mahabang panahon kong pagkakakulong na ikaw ang may dahilan! Magdusa ka!" Sigaw din ni Reyna Hera.
"Sino ba saating dalawa ang pinakanagdusa? Kahit makulong ako rito panatag na ako na nasira ko kayong lahat ng mahabang panahon kung hindi ka lang pakialamera at yang anak mong babaeng nagmana ng pagiging pakialamera mo nasakop na nasa namin itong buong Hera Kingdom! Edi sana pinatay ko na kayong lahat! Kung hindi lang sobrang tanga ng batang iyon! Wala sana ako dito!" Sigaw ni Reyna Vesin.
"Wala ka talagang puso pati inosenteng bata idadamay mo sa kasamaan mo?!" Galit na sigaw ni Haring Theodore.
"Wala naman akong pakialam sa batang iyan dahil hindi ko naman anak yan eh, ginamit ko lang iyang bata para sabihin na anak mo para pakasalan mo ako at maging Reyna ako ng Hera Kingdom at saksakan ka naman ng tanga at naniwala ka sakin hahahaha" tumatawang parang baliw na sabi ni Reyna Vesin.
Nagulat naman sila sa sinabi nito. Galit na nilapitan ni Haring Theodore si Reyna Vesin at hinawakan ng madiin sa panga. Galit na galit ang mga mata ng Hari na parang nagbabaga pa.
"Napakawalang hiya mo! Sinira mo ang buhay ko! Sinira mo kami! Pinaniwala mo kaming lahat sa kasinungalingan mo! Nagtagumpay ka nga na masira kami pero pansamantala lang!, Narito na kami buo at magkakasama! Hindi na ulit kami papayag na magkahiwalay pa eh Ikaw!? Nagiisa ka na lang! at mabubulok ka dyan!"
______________________________________
:)
YOU ARE READING
Reincarnated To The Body Of The Hated Princess
RomanceSi Ivelisse ay isa lamang simpleng babae na magisa na sa buhay at ang kasama na lang nyang natitira ay ang kanyang lola. Nabago ang lahat ng may makita syang lumang libro sa aparador ng lola nya at nagising na lamang siya na wala na sya sa kanyang t...