Kabanata 13

3K 122 1
                                    

Kabanata 13

Napatawa naman si Sage at umiling pa. Nagmadali na kami at mabilis naman kaming nakarating sa Sairin Kingdom. Agad na bumungad saamin si Heneral Wiesel ang Heneral mg Sairin Kingdom agad syang nagbigay pugay kahit na naguguluhan pa sya kung bakit kami nandito.

"Huwag kayong magalala ligtas sila dito sa Sairin Kingdom" Sabi ng Reyna.

"Salamat Ina, kaylangan lang talaga namin silang itakas para magsalita na yung babae kung sakaling malaman nya na ligtas na yung pamilya nya"
Sabi ni Princess Elie. Hinawakan ng Ina nya si Elie sa buhok at ganon din si Rizen.

"Mapanganib na ang mga nangyayari, magiingat kayong lahat, Rizen protektahan mo ang mga kasamahan mo Lalo na ang kapatid mo" paalala ng Reyna.

"Don't worry Mom, I will but we need to go back fast to the Kingdom, I'm sure nareport na ito ng mga sumalakay saatin kanina 'don sa taksil at baka patayin na nila yung babae"
Nagpaalam na kami kila Reyna at sa Hari. Pinaalalahanan nila.kaming magiingat at nagdumali na kaming bumalik sa Hera Kingdom.

Bumungad agad saamin si Heneral Kin na may pagkabigo sa muka.

"Y-yung dama...nasa pagamotan sya at hanggang ngayon Wala pang malay..malala rin ang lagay nya"
Agad kaming nanglamya sa narinig namin.

"F*ck sobrang bilis nila gumalaw!"
Inis na sabi ni Kuya Yros. Napaupo naman kami at huminga ng malalim.

"Hindi pa tapos, hindi pa tayo bigo..buhay pa ang babae Diba? May pagaasa pang magsalita sya" sabi naman ni Mia.

Marami pang mangyayari at nagsimula pa lang ang laban. Marami pang mapapahamak. Marami syang ipapahamak para mapanatili kung nasaan man sya ngayon. Maghanda ka na dahil hindi mo gugustohin na ako ang makalaban mo.

"Are you okay?"
Tanong ni Prince Qin saakin. Ngumiti na lang ako at tumango.

"It's been a long day everyone let's take some rest" sabi ni Kuya. Nagsitayuan na ang lahat.

Pumasok na ako sa kwarto ko at nagpahinga. Sa kahabaan ng pagtulpg ko ay may narinig akong pagbukasbng pinto ngunit dahan-dahan ito. Hindi ako gumalaw. Alam kong may masamang balak sya kasi kapag si Heldi ang papasok ay kakatok muna siya.

Naramdaman kong nasa may kanang bahagi ko sya. Hindi sya gumalaw dahil narinig kong huminga sya ng malalim.

"Hindi...hindi ko kayang gawin sayo princess..Hindi ko gagawin...patawarin mo ako.."

H-heldi?...

Umalis sya sa kwarto ko at doon ako bumangon. Si Heldi may binabalak sya pero hindi nya tinuloy. Ano bang alam mo Heldi.

Kinabukasan ay napansin kong balisa si Heldi. Parati rin syang Nagpaalam para umalis saglit tapos babalik ulit kaya naisipan kong sundan sya.

Tumingin-tingin pa sya sa paligid kong may nakakita ba sa kanya kaya nagtago ako. Napansin kong papunta sya doon sa likodan ng palasyo doon sa may kwartong napuntahan namin. Bumama sya ng hagdan kaya sumunod ako.

Lalabas na sana ako ng magulat ako ng may humiklas saakin. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Rizen. Nagsenyas sya na huwag akong maingay at nakita ko naman si Heldi na dumaan sa may harapan namin. Napalingon naman ako kay Rizen kong hindi nya ako hinila ay malamang nahuli ako ni Heldi.

"Anong ginagawa mo dito?" Mahina kong tanong hindi rin ako makagalaw ng maayos dahil sobrang lapit namin sa isat-isa.

"Sinundan kita obvious ba?" Masungit nyang sabi umiwas naman ako ng tingin dahil si Heldi ang pinunta ko dito at binalewala ang pagtibok ng puso ko.

"Anak...jusko... Huwag kang magalala, sasabihin ko na kay Princess Sera ang lahat...makakaalis ka na rito..Lalo na sa bitag nya..hindi ka na mapapahamak" nagulat kami ng magsalita si Heldi.

May tinatago pala syang bata dito sa loob. Nakita ko ang pagaalala sa muka nya. May anak si Heldi?. Umiiyak na ang bata.

"Shh anak..huwag kang umiyak makakaalis rin tayo dito..hindi hahayaan ni mama na may mangyaring masama saiyo, kailangan mo lang gawin magpalakas anak ha?" Pagpapatahan ni Heldi sa anak nya. Kasing edad lang ito ni Jaze. Panay ang linga ni Heldi sa labasan dahil baka may makakita sa kanya.

"mama...natatakot po ako..." Umiiyak na sabi 'nong bata.

"Wag ka matakot anak...hihingi tayo ng tulong kay princess Sera...tago ka lang rito anak ha...wag kang lalabas...babalik si mama dito" hinalikan ni Heldi ang anak at umalis na.

Nagkatitigan pa kami ni Rizen. Parehas kaming nagulat sa nangyari.

"Kailangan nating makausap si Heldi..alam kong biktima rin sya dito, alam kong may alam rin sya kong sino ang taksil" sabi ko kay Rizen.

"You're right pero bago yan, itakas muna natin dito ang bata baka maunahan nanaman tayo" sabi nya kaya tumango ako. Binuksan ko ang pinto ng kwartong pinagtataguan ng bata nakita kong napaatras sya at bakas ang sobrang takot sa muka.
Hinawakan ko ang mga kamay ng bata.

"Itakas ka namin dito ha...wag ka maingay" umiling sya at umiyak.

"H-hindi ako sasama sa inyo mg hindi kasama si Ina sabi nya wag akong sumama sa iba" sabi nya. Matalinong bata.

"Ako si Princess Sera...halika ka na..."
Kumalma naman sya at sumama na saamin. Dinala muna namin sya sa kwarto ni Jaze.

"Baby dito muna si Gia ha...marami kasing monster sa labas...wag kayong magpapasok kahit na sino kundi ako lang, okay?" Tumango naman si Jaze. Tiningnan ko naman si Gia na namumula pa ang ilong sa kakaiyak.

"Pupuntahan ko nanay Heldi mo, makikita mo ulit sya..dito ka lang" tumango naman siya.

"Baby, wag kayong magpapasok ah?"
Sabi ko sa kanila.

"Yes, baby"
Nagulat ako ng magsalita si Rizen. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Hindi Ikaw!"
Lumabas na kami para hanapin si Heldi.

______________________________________

:)

Reincarnated To The Body Of The Hated PrincessWhere stories live. Discover now