Kabanata 18

2.8K 87 1
                                    

Kabanata 18

Sinabi namin agad kay Ama ang natuksalan namin maging sya ay nagtataka rin.

"Bakit kailangan nyang magsinungaling? Nalala ko 'nong unang punta nya dito dala ang sanggol na si Jaze, iyon din ang araw na nagkasira kami ng iyong Ina, hindi ko sya pwedeng ipagtabuyan dahil anak ko rin yun at alam kong malaking kasalanan ang nagawa ko sa iyong Ina ngunit hindi ko pwedeng idamay ang inosenteng bata, aminado rin ako sa kasalanan ko dahil nadala ako ng galit noon sa iyong ina na lubha kong pinagsisihan na hindi sya hinanap. Bilang Hari ay masama kung tingnan ng mga mamayan na nakaanak ako sa iba kaya wala akong choice kung hindi pakasalan si Vesin...kung nagawa ko lang sanang pagkatiwalaan si Hera ay hindi na sana kami umaabot sa ganito" nakayukong sabi ni Ama. Lubha talaga syang nagsisi.

10 taon na rin ang nakalipas at 8 taon pa lang sila Sera at 9 naman Kuya Yros noon kaya siguro wala ring alam si Prince Yros sa nangyari noon dahil wala pa sila masyadong alam sa paligid nila. Lumaki si Prince Yros sa pangangalaga ni Reyna Vesin kaya alam kong nagpapasalamat pa rin ito sa kanya ngunit ang hindi pagtataksil nito at paglalayo sa tunay nilang Ina.
Kaya rin napalayo noon si Prince Yros sa kapatid nya na si Princess Sera dahil pilit silang nilalayo nito kaya rin siguro nakahawa si Sera ng masasama para naman mapansin rin siya kahit sa ganong paraan.

"Hindi pa naman huli ang lahat ama, maari ka pang bumawi Lalo na't nandito na si Ina" pampalubag loob kong sabi sa kanya.

"Nagaalala rin ako kay Jaze...lalaki syang Wala ang tunay nyang Ina pero hindi sya pwedeng mapasakamay nito" sabi naman ni Ama.

Matapos naming makausap si Ama ay nagpatuloy kami sa paghahanap. Kumikilos na rin sa paghahanap ang mga kawal ni Heneral Kin. Tumutulong na rin ang ibang mga kaharian.

"There was a lead in our palace that they see the Queen there" anunsyo saamin ni Prince Irhan kaya agad na kaming pumunta sa palasyo nila at pinuntahan ang lugar kung saan nakita si Reyna Vesin.

"They seen her going to that house but I don't know what's her real intention to those people who live there" dudugo na ang ilong ko sa dalawang magkapatid na ito. Si Prince Zion at Prince Irhan na kanina pa nagsspokening dollars.

"Kamag-anak ba kayo ni Reyna Betsin?" Tanong ni Nathan kaya sa magkapatid. Napakunot naman ang noo nila at umiling.

"No.."
Sabay na sagot nong dalawa.

"Eh para rin kasi kayong betsin eh nakakaliyo kayo" napahawak pa sa ulo si Nathan.

Pinuntahan namin yung bahay na tinuro nong magkapatid. Tama nga Sabi ng tao doon ay nanggaling si Reyna Vesin doon ngunit umalis din may mga kinuha daw syang gamit at umalis agad. Siguro ang gamit na iyon ay ibang ibedensya laban sa kanya.

"May sa pusa yata si Reyna Betsin eh! Ang bilis kumilos eh" sabi ni Wade

Dahil gabi na rin ay dito muna kami pinatuloy nila Prince Irhan at Zion sa kaharian nila. Malugod naman nila kaming tinanggap. Masaya kami dahil ang babait ng mga tao sa Yonvil Kingdom pero si Nathan at Aeron ay hindi masaya.

"You want this? This is buttered shrimp and I like this one you should try this" sabi ni Prince Zion kay Elie kaya napalingon ako kay Nathan na hindi din naeenjoy ang pagkain nya dahil nakatingin lang sa dalawa na si Prince Irhan at Aya. First time kong makitang mawalan ng gana sa pagkain si Prince Nathan.

"Ah salamat"
Nakangiting sabi ni Princess Elie kaya lalong sumama ang muka ni Prince Aeron.

"Nako wag mong tikman, panis..panis na yan" pagtatanggol ni Prince Aeron habang sinasabi kay Princess Elie.

Napakunot naman si Princess Elie at inamoy ang nilagay ni Prince Irhan sa plato nya.

"Hindi naman panis ah ang sarap nga eh bakit hindi mo ba nagustohan?" Tamong naman ni Princess Elie.

"Hindi! Masama ang lasa" sabi ni Prince Aeron at marahas na binitawan ang kutsara nya.

"Elie try this...this is my favorite"
Sabi naman ni Prince Zion at maglalagay na sana ng pagkain sa plato ni Princess Aya ng sumigaw si Nathan.

"Huy ano yan!? Bawal yan pre! Walang hahawak!"

Third Person P.O.V

Masaya na si Prince Nathan at Aeron dahil aalis na sila. Nakasakay na silang dalawa sa kabayo habang ang iba naman ay magpaalam pa sa Reyna At Hari maging si Prince Irhan at Zion. Umalis na ang Reyna at Hari at ngayon naman ay si Irhan at Zion na lamang  ang natira.

"Maraming salamat"
Pagpapasalamat ni Princess Mia.

"Walang anuman maari kayong bumalik dito kahit anong oras-"

"Tanghali na oh! kailangan na nating umalis baka gabihin pa tayo ulit sa daan!" Pagmamadali ni Prince Nathan. Napatawa naman ang dalawang prinsipe.

"Paalam"
Sabi nila kila Prince Zion at Irhan. Kinawayan na lang nila ito at sumakay ng kabayo.

Nagpatuloy pa rin sila sa paglalakbay pabalik sa palasyo. Hindi pa rin nila nakikita si Reyna Vesin.

Sa kabilang banda naman ay nilabas muna ni Lady Feiren si Prince Jaze at kasama nila si Gia para makalanghap muna ng sariwang hangin.

"Mabuti naman at pinayagan tayo na makalabas muna" sabi ni Lady Feiren at pinaupo si Prince Jaze sa damohan. Tahimik lang ang bata tulad na lagi nitong asta. Mailap ito sa tao.

"Alam mo kasing edad mo na sana ang anak ko ngayon kaso...ay teka nakalimutan ko 'yung bimpo nyo dito lang kayo at wag kayong aalis" Tumango naman ang dalawang bata at naiwan sila doon.

May lumapit sa kanilang babae. Namukaan naman agad ito ni Prince Jaze ay agad na yumakap dito.

"M-mama.."

"Anak... don't worry kukunin kita dito okay..but promise me you will open your window at your room okay?"
Sabi ni Reyna Vesin sa bata. Tumango naman ang bata. Ang batang si Gia naman ay hindi alam kung sino ang babaeng nasa harap nya ngayon.

"Opo..."
Sagot na lang ni Prince Jaze.

"Very good... don't tell this to anyone okay... it's between you and Mommy okay?" tumango naman si Prince Jaze dahil sabik na rin syang makasama ang nanay nya.

"Mom..they were telling me that you are bad and told me to don't talk to you" sabi naman ni Prince Jaze kay umiling agad si Reyna Vesin.

"I'm not bad anak they are bad diba..they want us to be separated, they don't want me to stay with you..pinaglalayo nila tayo anak kaya kukunin kita dito, diba you want to be with mama?" Tumango naman si Prince Jaze.

______________________________________

:)

Reincarnated To The Body Of The Hated PrincessWhere stories live. Discover now