Kabanata 28
Maagang naghanda ang mga royalties. Madaling araw sila umalis. Nangako sila na ibabalik nila si Jaze sa mga magulang nito at sa Hari at Reyna. Pinaalalahanan naman sila na magingat. Pupunta sila ngayon sa Bezon Kingdom.
"Tara na.." anyaya si Prince Yros sa lahat at tinulungan si Princess Mia na makasakay sa kabayo.
Tinulungan naman ni Prince Rizen si Princess Sera na makasakay at inayos pa nito ang kapa ng prinsesa.
Umalis na agad sila at naglakbay. Umaga na sila nakarating sa gubat at ganon pa rin madilim dahil natatakluban ng mayayabong na puno ang sinag ng araw.
Luminga-linga na ulit sila sa paligid dahil alam nila na dito na parte kung saan sila sinalakay ng mga bandidong sinapak ni Princess Sera noon.
"Tigil..."
Mahinang sabi ni Prince Aiden kaya napalingon sa kanya ang lahat at napatigil. Maya-maya pa ay nakarinig na sila ng mga yapak. Napalingon sila sa kanilang harapan at nakita nila doon ang maraming bandidong napalibot na sa kanila. Mas marami ito kesa doon sa nakaraan.Galit naman ang leader 'nong mga bandido dahil nakita nya ulit si Princess Sera. Ang babaeng sumapak sa muka nya.
"Ikaw! Ikaw naman!?, Hindi talaga kayo natatakot at bumalik pa kayo!?" sigaw 'nong leader.
"kami matatakot? Sayo? Eh sino bang nasapak?" Pangaasar ni Princess Sera kaya lalong nagalit iyong leader.
"Hulihin sila! Siguradong malaking halaga ang makukuha natin kapag nadala natin sila kay Haring Silas" agad namang naalarma ang mga royalties at kumuha ng sandata.
Masyadong maraming kalaban kaya nagkakasugat na rin sila at napapagod. Napangisi naman ang bandido at tiningnan si Princess Sera na nakipaglaban din. Magaling kumilos ang dalaga at mga kasamahan nito.
Medyo naiinis ang bandido ng makitang paubos na ang mga kasamahan nya kaya agad nyang kinuha ang sandata nya at hinablot si Princess Sera at tinutukan ng sandata kaya napatigil ang royalties sa pakikipaglaban.
"Bitiwan mo sya!"
Galit na sabi ni Prince Yros."Pagnagkasugat yan lagot ka kay Master!" Sigaw naman ni Prince Nathan.
Masama namang tiningnan ni Prince Rizen ang leader ng bandido na ngayon ay napalunok na. Napadaig naman si Princess Sera at hindi makalaban dahil dumidiin ang espada sa leeg nya.
"Sh*t! hands the f*cking off her! I swear to god, you don't know what I might do to you! You f*cking bald old assh*le!" Galit na sigaw ni Prince Rizen dahil nakikita na nitong napapadaing sa sakit si Princess Sera.
"Wag mo akong englesyen! Sumama kayo ng maayos kung ayaw nyong tuluyan ko ito! Ibaba nyo mga sandata nyo!" Sigaw din 'nong bandido.
Agad namang binaba ng mga royalties ang mga sandata nila dahil narin sa nakikita nilang nasasaktan na si Princess Sera sa sobrang diin ng espada sa leeg nito.
"Itali ang mga yan!"
Tinali naman agad sila ng mga bandido kaya hindi na sila nakapalag."Pag nakatakas ako dito kakalbohin kitang kalbo ka!" Galit na sigaw ni Princess Sera dahil sa sobrang sakit ng pagkakagapos sa kanila at umaantak na din ang sugat nya sa leeg.
Dinala sila ng mga bandido sa kaharian ng Bezon Kingdom. Hindi naman inaasahan ni Haring Silas ang pagdating ng mga ito.
"Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, ako pa mismo ang nilapitan ng swerte" nakangising sabi ni Haring Silas.
"May kapalit ito"
Nakangising sabi rin nong Bandido sa Hari.Inibingay naman agad ni Haring Silas ang hinihingi ng mga ito. Sinipa-sipa naman ni Princess Sera yung kalbong leader kahit na hindi nito natamaan.
YOU ARE READING
Reincarnated To The Body Of The Hated Princess
RomanceSi Ivelisse ay isa lamang simpleng babae na magisa na sa buhay at ang kasama na lang nyang natitira ay ang kanyang lola. Nabago ang lahat ng may makita syang lumang libro sa aparador ng lola nya at nagising na lamang siya na wala na sya sa kanyang t...