Kabanata 23
Third Person P.O.V
"Maari mo bang tawagin ang mga royalties para sabihing kakain na?"
Utos ni Reyna Hera kay Lady Feiren."Masusunod po" nakangiting sabi nya. Pumunta sya sa bulwagan para hanapin ang royalties maging sa garden pero wala doon.
Napapasyal si Lady Feiren sa kwarto ni Princess Sera dahil doon din madalas tumambay ang mga Royalties.
Napansin niya ang pulang kahon at hindi nya mawari kung anong pumapasok sa utak nya na nagsasabing buksan ang kahon.
Hindi na sya nakapagpigil at binuksan nya na nga ang kahon. Nagulat sya sa laman nito. Unti-unting tumulo ang luha ni Lady Feiren ng makita ang lampin na laman. Nakaramdam na naman sya ng matinding sakit. Pamilyar ang lampin na iyon dahil sya ang may gawa noon para sa anak nila ni Heneral Kin.
"jusko po!"
Napatakip sya sa bibig nya dahil kumpirmadong ito nga ang binurda nyang lampin dahil na rin may bulakalak sa gilid ang lampin na ito na sya mismo ang may gawa.
Umiiyak na lumabas si Lady Feiren dala-dala ang lampin na nakuha nya.
Nakita nya ang mga royalties na nagsasaya sa may sala ngunit napatigil ang mga ito ng makita ang umiiyak na si Lady Feiren."Lady Feiren!?"
"LQ po kayo ni Heneral Kin?
Tanong ni Nathan."Lady Feiren..ano pong nangyari? Bakit kayo umiiyak?" Tanong ni Princess Sera na agad dinalohan ang binibining umiiyak.
"S-saan nyo nakita ito?"
Tanong ni Lady Feiren habang umiiyak pa rin. Nagtaka naman ang mga royalties."Ah yan po 'yung binigay saamin 'nong nanay ng babaeng nagdala ng sanggol na si Jaze kay Reyna Vesin, bakit po?" sabi naman ni Princess Mia.
Matumba-tumba pa si Lady Feiren sa kinatatayuan nya dahil sa narinig. Agad naman syang pinaupo ni Prince Rizen.
"A-ako ang may gawa ng lampin na ito para sa anak namin ni Heneral Kin...." Agad naman silang nagulat sa sinabi ni Lady Feiren.
"KAYO ANG INA NI JAZE!?"
"Paano po?"
Naguguluhang tanong nila kay Lady Feiren."Anong pangalan 'nong babae?"
Tanong ni Lady Feiren sa mga royalties."Minerva po" sagot naman ni Princess Aya. Napapikit naman ng marahan si Lady Feiren ng marinig ang pangalan.
"Siya ang nagpaanak sakin noon, Wala akong malay ng kunin nya ang anak ko..Wala akong magawa 'non...Wala kaming nagawa ni Heneral Kin para iligtas ang anak namin..napakasama kung Ina na hindi man lang sya nagawang iligtas, Kay tagal kong nawalay sa anak ko nasa tabi ko lang pala...buong buhay kong sinisisi ang sarili ko sa pagkawala ng anak namin, nawawalan na rin ako ng pagaasa na makita sya pero hindi ako binigo ng panginoon tinupad nya ang nagiisang hiling ko na mahanap ulit ang anak ko.." umiiyak na sabi ni Lady Feiren.
Dumating na rin si Heneral Kin at si Reyna Hera at Haring Theodore. Kinuwento naman lahat ni Lady Feiren ang nangyari sa kanila.
"Nahanap na natin ang anak natin...natatakot akong isabi sa kanya ang lahat..." Umiiyak na sabi ni Lady Feiren habang yakap si Heneral Kin.
"Shhh...unti-unti nating sasabihin sa kanya..." Pagaalo ni Heneral Kin Kay Lady Feiren.
Nagpasalamat naman ang dalawa sa Royalties dahil hindi sila tumigil hanggat walang natutuklasan. Nagpasalamat din sila sa Reyna at Hari. Sobrang saya ni Lady Feiren at Heneral Kin at hinagkan si Prince Jaze na inosente lang na nakatingin sa kanilang dalawa.
"Nana why are you crying?"
Namumula na rin ang ilong ni Prince Jaze dahil ayaw nyang nakikita na umiiyak ang Nana nya.Pinahid naman ni Lady Feiren ang mga luha nya at ngumiti sa Anak nito.
"Nana is crying because of happiness baby.." sabi ni Lady Feiren."You're happy?" Tanong ni Prince Jaze. Nakangiti namang tumango si Lady Feiren.
"When Nana is happy, I'm happy too"
Nakangiting sabi ni Prince Jaze kaya niyakap ulit sya ng kanyang Ina na parang natatakot na mawala.Dinala ang Reyna Vesin sa bulwagan para masaksihan ng maraming tao ang paghatol sa kanya sa dami ng kasalanan nya. Dahil sa dami ng kasalanan nito at hahatulan sya ng habang buhay na pagkakakulong at pagbaba nito sa pwesto bilang Reyna ng Hera Kingdom. Hindi na sya ang Reyna ng Hera Kingdom.
"Hindi! Hindi nyo pwedeng gawin sakin 'to! Hindi!, Si Jaze! Kahit na hindi ko sya tunay na anak malungkot sya 'pag hindi na nya nakita Ang mama nya! Anak ko na rin sya!" Pagmamakaawa ni Reyna Vesin kaya napangisi naman ni Princess Sera. Lumapit ito ng tatlong hakbang palapit sa nakaluhod na Reyna sa harapan ng maraming tao.
Yumuko si Princess Sera at bumulong sa Reyna.
"Anak? wala kang anak, baka naman ang tinutukoy mo ay ang batang pinanakaw mo para gamitin kay Ama para pakasalan ka at maging Reyna, yun ba?, Wag kang magalala ipadadasal naman kita eh, ipadadasal ko na sana mapunta ka sa impyerno, wag mong isiping nanalo ka sa laban mo dahil hindi ka mananalo samin dahil nagiisa ka lang kung may kakampi ka man nasaan sila ngayon?, simula pa lang na inumpisahan mo ang pagiging masama mo...talo ka na"
______________________________________
;)
YOU ARE READING
Reincarnated To The Body Of The Hated Princess
RomanceSi Ivelisse ay isa lamang simpleng babae na magisa na sa buhay at ang kasama na lang nyang natitira ay ang kanyang lola. Nabago ang lahat ng may makita syang lumang libro sa aparador ng lola nya at nagising na lamang siya na wala na sya sa kanyang t...