Kabanata 10
Prince Nathan P.O.V
"Nathan!, Nathan!"
Natutulog ako ng magising ako na may nagsasampal sa muka ko."Aray g*go!"
Inis kong sabi at minulat ang mga mata nakita ko si Rizen."Anak ng! Natutulog ako ano ba!?
show samrespek!" inis ko sabi at babalik na sana sa pagkahiga ng hilahin nya ako."Samahan mo ako!"
Para syang nagmamadali."Saan?"
"Basta!"
Hinila nya ako."Itatanan mo ba ako?"
Inosente kong tanong kaya agad nyang akong binatokan. Masakit 'yun."Ulol hindi!, Susundan natin si Sera at si Qin" napangisi naman ako.
"Bakit natin sila susundan?"
Nangaasar kong tanong. Umiwas naman sya ng tingin. Sus..."B-basta dala nya yung kabayo ko kaya halika na!" Hinila nya ako at sumakay na kami sa kabayo.
Sinundan naman namin sila Sera at Qin nakita naming tumigil sila ay tumigil din kami at nagtago. Bakit nga ba ako napasama sa gagong ito.
"Ano ba talagang ginagawa natin dito?" Tanong ko pero hindi sya sumagot.
"Aray...aray.."
Inda ko sa sakit ng madiin na Ang sabunot saakin ni Rizen habang nakatitig sa kanila. Hindi nya yata alam na ako ang magdudusa dito."Don't come closer..."
Pagdadasal nya pa at sumilip ako. Nakita kong nilapitan ni Qin si Sera."Aray..."
Daing ko muli ng dumiin nanaman ang hawak nya sa buhok ko."Pigilan mo!"
Utos nya at pinagtutulakan pa ako."H-huh? A-anong?"
Nataranta na rin ako at sumigaw na lang."WAG!" Sigaw ko habang tumaktakbo sa gawi nila See at Qin pero gumilid sila kaya shoot ako ako sa may tubig.
Ang lamig.
Third Person P.O.V
Hindi mapigilan ni Prince Wade na natawa matapos ikwento ni Sera ang nangyari kay Prince Nathan.
"Sige tumawa ka lang hindi ka na makakatawa mamaya" banta ni Prince Nathan kaya lalong natawa si Prince Wade. Nakababad pa kasi ang paa ni Prince Nathan sa maligamgam na tubig.
Magaasaran pa sila hanggang sa bigla nilang nakitang parang balisa ang mga kawal. Nakita nila si Heneral Kin at agad nila itong tinanong.
"Anong nangyayari Heneral Kin?"
Tanong ni Prince Yros."May natagpuang bangkay sa likodan ng palasyo, hindi pa namin matuloy kung sino at kung saan sya galing tingin ko ay sinadya syang patayin.."
Nabigla naman lahat. Isang bangkay ang natagpuan sa may bandang likodan nga palasyo."Sinadya?"
"Kumikilos na ang mga kalaban, kumukuha sila ng mga tao para gawing kaanib nila, nitong nakaraan lamang ay dumami nanaman ang mga kaso ng nawawala sa ibang mga palasyo..." Sabi ni Heneral Kin.
"Kailangan natin itong iulat kay Ina" sabi ni Prince Yros nang makaalis na si Heneral Kin. Sumangayon naman sila.
Nagpunta muna silang lahat sa lugar kung saan nakita ang bangkay. Isang lalaki. Nagulat pa sila ng putol ang dila nito parang ayaw pagsalitain.
"Sino kayang may kagagawan nito?"
Takot na tanong ni Princess Elie."Paano nila naipasok ang bangkay eh sobrang taas ng pader dito sa palasyo?" Nagtatakang tanong ni Prince Aiden.
YOU ARE READING
Reincarnated To The Body Of The Hated Princess
RomanceSi Ivelisse ay isa lamang simpleng babae na magisa na sa buhay at ang kasama na lang nyang natitira ay ang kanyang lola. Nabago ang lahat ng may makita syang lumang libro sa aparador ng lola nya at nagising na lamang siya na wala na sya sa kanyang t...