Kabanata 5

4.2K 155 1
                                    

Kabanata 5

Gabi na at nagpahinga muna kami. Nandito kami sa napakalaking puno na may parang kweba kaya doon muna kami. Tinali na din ni Kuya ang mga kabayo at nagcheck sa paligid kasama si Rizen.

"Lapitan mo na"
Rinig kong bulungan nila Aeron, Wade at Nathan si Aiden naman ay nandon nakaupo kasama ang mga babae sa bonfire. Kumakain sila at ako ngayon ay nakapikit pero hindi ako tulog.

"Ikaw na lang, lakas manapak nyan eh" rinig ko naman sabi ni Nathan.

"Duwag ka lang talaga"
Rinig kong sabi ni Wade.

"Edi ikaw gumising, ano kaya mo?"
Singhal ni Nathan.

"Ayoko nga alam mo bang masamang istorbohin ang tulog, Wala ka talagang galang" rinig kong palusot ni Wade.

"Duwag ka rin naman!" Rinig kong sabi ni Nathan.

"Ano ba kasing ginagawa nyo dyan?"
Tanong naman ni Elie. Siguro ay lumapit na ito kila Wade.

"Ayaw kasi nilang gisingin si Sera hahaha mga takot" rinig kong pagyayabang ni Nathan eh sya nga ang umaatras kanina. May mga narinig akong pagbatok sa kanya at natawa si Elie.

"Ako na ang gigising para namang kakagatin kayo nyan" tawa ni Elie. Rinig ko ang yapak nya papalapit saakin dahil madahon ang iaapakan namin ay rinig ko talaga. Nakaisip naman ako ng kalokohan.

"Se-"

"RAWR!"

"AY!"

Natawa naman ako ganon din sila Nathan at sila Mia. Kalakasan ang tawa ni Nathan at Wade na naghahampasan pa. Si Aiden ay napatawa rin.

"Nangangangat nga si Sera hahaha" tawang sabi ni Aeron. Napanguso naman si Elie at hahampasin na sana ako ng tumakbo akong habang tumatawa pa rin.

"Pag nahuli talaga kita kakagatin kita"
Banta ni Elie kaya napatawa ako at tumago sa likod ni Mia inikotan namin si Mia na mukang nahihilo na samin.

Sakto namang dumating si Kuya Yros at Rizen na mukang nagtataka kung bakit kami nagtatawa. Napangusong napaupo si Elie sa katabi ni Aeron na tumatawa.

"Have you eaten yet?"
Tanong ni Kuya Yros kay Mia. Nakangiting tumango naman si Mia.

"Kumain na ako, ikaw rin kumain ka na" sabi ni Mia at binigyan si Kuya. Napangiti naman ako ng lihim feeling ko kasi mas bagay silang dalawa. Lumalambot si Kuya kapag si Mia Ang katabi o pinaguusap samantalang 'pag ako sasabihin nya lang ako ng walang silbi. Sa naisip ko ay parang nawala ako ng gana. Buong kapatid ni Sera si Prince Yros kaya lang mas malapit si Prince Yros kay Reyna Vesin.

Napalingon naman ako kay Rizen na nakatingin lang sa kanila. Bumuntong hininga ito at umupo sinandal ang ulo sa malaking ugat na katapat ko at pumikit. Narereflect ang ilaw ng apoy sa muka nya kaya lalo syang gumagwapo. Wala naman yatang panget dito. Lahat sila maganda at gwapo lalo na itong bwesit na ito.

Napaiwas ako ng tingin at pumikit din ng magtama ang paningin namin. Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko nagpanggap na lang ako na tulog Hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng dilim.

Naglakbay na muli kami dahil paumaga na. Matirik na ang araw ng makarating kami sa bayan. Maraming paninda at mga tao. Nasisiksikan. Namumukaan yata kami ng iba kaya nagsuot kami ng mga hood sa kapa at yumuko. Delikado kapag nalaman nila na kami ang mga Prinsipe at Prinsesa.

Nakalampas na kami sa bayan at nakarating na kami sa Yenzon. Hinubad na namin ang hood namin at nakipagusap sa kuya sa Hari ng Yenzon. Hindi ko alam ang pinagpulungan nila ngunit alam kong mahalaga ito dahil lumayo silang dalawa saamin.

Reincarnated To The Body Of The Hated PrincessWhere stories live. Discover now