Kabanata 32
Seraphine P.O.V
Ipinaliwanag ko sa kanilang lahat ang mga nangyayari at pinakilala si Khajira at Jadhin sa kanilang lahat. Lubos naman silang nagpasalamat sa dalawa dahil sa ginawang patulong nila saakin.
"Walang kataposang pagpapasalamat sa ginawa ninyong pagtulong sa aking anak" sabi ni Ina kaya napangiti na lang ang dalawa.
"Nako wala po 'yun, isang karangalan po saamin na matulungan ang prinsesa" sabi naman ni Jadhin at yumuko bilang paggalang.
"Sayang lamang at hindi nakasama si Nanay Flor nais ko rin syang pasalamatan, bukas ang palasyo namin para sa inyo, maraming salamat" sabi naman ni Ama.
"Sa susunod po isasama namin si Nanay Flor" nakangiting sabi ni Khajira.
Nawala ang ngiti nya ng tumingin sya kay Sage. Napakunot ang noo nya. Nagtitigan pa sila na parehas inaala ang muka ng isat-isa kaya napakunot ang noo ko. Anong meron.
"Mag gagabi na rin at delikado sa daan dito na muna kayo magpalipas ng gabi, Lady Feiren pakihanda ng magiging kwarto nila" sabi naman ni Ina kaya nagpasalamat naman ang dalawa.
"Masusunod po"
Nakangiting sabi ni Lady Feiren at umalis habang kalong si Jaze na natutulog na."Ang laki pala ng palasyo 'no?, ngayon lang ako nakapunta sa isang palasyo" narinig kong sabi ni Jadhin.
"Kilala mo sila Sage?"
Takang tanong ni Gail dahil kanina pa sila tinitigan ni Sage. Umiwas naman ng tingin si Sage."I'm with her 'nong nakulong ako sa Bezon Kingdom, I'm the one who help her escape, she's the only daughter of King Silas" simpleng sagot ni Sage kaya nagulat naman ang iba.
"Wag kayong magalala, galit na galit ito sa ama nya to the highest score" singit naman ni Jadhin kaya sinamaan sya ng tingin ni Khajira.
"Salamat nga pala sa tulong mo para makatakas ako sa Bezon, kung hindi mo ako tinulungan patay na sana ako ngayon" sabi ni Khajira.
Umiwas na lang ng tingin si Sage kaya napangiwi ako. Ang arte.
"Hindi ko alam na may anak pala si Haring Silas" sabi naman ni Aya.
"Ayaw ko ring may ibang makaalam, hindi rin naman nya pinapaalam sa iba na may anak syang muntik na nyang patayin" sabi ni Khajira kaya tumahimik kami. Sino ba namang hindi masasaktan kung sarili mong ama balak kang patayin.
Umingay lalo sa hapag dahil nagkasama si Jadhin, Nathan,Wade at Aeron pare-parehas silang mga abnormal. Si Aiden, Kuya at Rizen naman ay umiiling na lang sa kaabnormalan nila.
Pagod na ako kaya pagkatapos kumain ay dumaretso na ako sa kwarto ko. Hihiga na sana ako ng magulat ako dahil pumasok si Rizen at nilock ang pinto.
"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Hindi na lang nya ako pinansin at dumaretso sa harapan ko. Nakatayo na sya sa harap ko kaya napalunok ako.
"I'm sleeping here.."
Simple nyang sabi kaya kinabahan ako."A-anong dito ka matutulog!? Hindi pwede-"
"Your mom and dad already allowed me to sleep here" sabi naman nya at humiga na tabi ko.
"Bakit ba kasi dito mo gustong matulog!? Doon ka sa kwarto mo may sarili ka namang kwarto ah!" ayaw ko talaga syang makatabi kasi baka kung anong gawin nya. Mahina pa naman ako pagdating sa kanya kaya habang nasa tamang pagiisip pa ako ay pigilan ko na.
"Natatakot ako na mawala ka ulit"
Sabi nya kaya natigilan ako. Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko at napatitig sa kanya."A-ano?"
"Natatakot ako na baka paggising ko bukas wala ka nanaman, kaya dito ako matutulog and that's final" sabi nya at pumikit na.
"Wag kang gagawa ng masama ah.."
Paninigurado ko naman."Do I look like I would bite you?, What are you thinking that's gonna happen if I sleep here?" Nakangisi nyang sabi at lumapit saakin kaya napalunok ako.
"W-wala matulog ka na!, Umusog ka nga 'don" sabi ko at nilagyan ng unan ang pagitan namin. Mahirap na baka may tinuro nanamang orasyon si Nathan sa kanya.
"Pervert..." Usual nya kaya napanganga akong tumingin sa kanya.
"Wow ako pa talaga..." Napatawa naman sya.
"Stop thinking dirty while I'm still in control" sabi nya habang nakapikit pa rin. Gumagalaw 'yung adams apple nya umangat naman ang tingin ko sa mapupula nyang mga labi napaiwas ako ng tingin at tumalikod sa kanya.
Parang ako 'yung may balak sa kanya eh."T-teka anong gagawin mo!?"
Nagpanic kong sabi ng. Lumapit sya sa aakin kaya naamoy ko 'yung pabangong ginawa ko para sa kanya. Palapit sya ng palapit kaya bumibilis nanaman 'yung tibok ng puso ko. Nagwawala na kulang na lang ay lumubog ako sa pwesto ko.Sobrang lapit na nya at nararamdaman ko na ang hininga nya sa pisnge ko kaya pumikit na ako.
"Papatayin ko lang 'yung ilaw"
Simple nyang sabi at pinatay 'yung lampshade na nasa side ko at bumalik sa pwesto nya kanina. Natatawa naman sya ng makita ang itsura ko.Unti-unti kong tinakloban ang muka ko sa hiya kulang na lang ay lumubog ako sa kama ko na syang pinagdarasal ko ngayon.
______________________________________
:)
YOU ARE READING
Reincarnated To The Body Of The Hated Princess
RomanceSi Ivelisse ay isa lamang simpleng babae na magisa na sa buhay at ang kasama na lang nyang natitira ay ang kanyang lola. Nabago ang lahat ng may makita syang lumang libro sa aparador ng lola nya at nagising na lamang siya na wala na sya sa kanyang t...