Kabanata 15

2.7K 109 0
                                    

Kabanata 15

"Hindi ako natutuwang makita ka" seryosong sabi naman ni Ama kaya napatawa ng pagak yung lalaki. Hindi ko sya kilala.

"Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sakin may gana ka pang magpakita lalo na sa mga anak mo!" Sigaw naman ni Ama. Hindi sya ang tunay naming Ina. Iba sya kung tumingin saamin hindi katulad ng mata ni Ina na puno ng pagmamahal kapag nakikita kami.

"Wala akong pakialam sa kanila!, Ako pa mismo ang papatay sa kanila!" Kung hindi namin alam ang totoo ay malamang masasaktan kami sa mga pinagsasabi nitong bruhang ito.

"Napakawalang hiya mo talaga!"
Galit na sigaw ni Ama ngunit nginisian lang sya nito.

"Masyadong nagmamagaling ang mga anak mo kaya kailangan kong kumilos...masyadong mga pakialamero kagaya mo!, magiingat ka Theodore malapit lang sayo ang ahas" sabi naman nong lalaki. Napalingon naman ako sa Reyna at Wala akong nababakas na emosyon sa muka nya.

"Wala ka ng laban sakin Theodore!, May mga tao ako sa loob at labas ng palasyo mo!, Nasa akin na rin ang pinakamamahal mong si Hera-" hindi na natapos noong lalaki ang sasabihin nya ng may pumana sa kanya kaya napalingon kami at nakita ko si Ina.

Ang totoong Reyna Hera kasama nya si Sage at Haring Pietro pati na rin ang iba nyang mga kasamahan. Halata namang naguguluhan si Ama dahil dalawang Hera ang nakikita nya ngayon.

"At kailan pa ako naging iyo Silasty?"
Malamig na tanong ni Ina.

S-Silasty?....kung ganon ay siya ang nagpadala ng sulat sa Reyna. May ugnayan nga sila ni Reyna Vesin.

"Tingnan mo nga naman ang pagkakataon!, Masyado ka namang sabik makasama ang mga anak mo Hera!" Sabi noong Haring Silas.

"Napakahabang panahon mo akong kinulong!, Nararapat lamang na makasama nila ako ngunit pinagkait mo yun!, Napakasama mo! Ako mismo ang papatay sayo!" Sabi ni Ina.

Tiningnan ko naman si Reyna Vesin na nagulat sa nakita. Si Ama naman ay hindi makapagsalita gulat na gulat sya sa nangyayari.

"Mga mangmang!"
Galit na sigaw ni Haring Silas at pinasugod ang mga kasamahan nya. Gumalaw na rin kami at kumuha ng maaring ipanglaban sa kanila.

Napatingin ako kay Reyna Vesin na nakatulala lang ngayon ay hindi alam  ang gagawin. Nagpatuloy na lang ako sa paglaban sa mga tauhan ni Haring Silas.

Napapalayo na rin ako sa mga kasamahan ko dahil ako ang may pinakamaraming kalabann. Marami na rin akong natamong sugat.

"Sasama ka sakin!"
Nagulat ako ng may pumukpok sa ulo ko kaya nawalan agad ako ng malay.

Rizen P.O.V

Naubos na namin ang mga kalaban kaya nagtipon kami. Maraming natamong sugat ang Hari kay pinagamot agad sya. Luminga agad ako para makita si Sera pero kinahaban ako ng hindi ko sya makita.

"N-nasan si Sera!?"
Sigaw ko. Luminga na rin silang lahat para hanapin pero wala.

"F*ck they took Sera!"
Sigaw ni Yros. Agad kaming pumunta sa labas para tingnan pero wala. I never felt this kind of nervous in my intire life.

"Let's find her!"
Sigaw ko ngunit pinigilan ako ni Mia.

"Masyado pang mapanganib! Hindi pwedeng pati tayo mapahamak! Magplano muna tayo ng maayos!"
Sabi nya. Kinalas ko ang kapit nya sakin.

"Pero si Sera!"

"Mahahanap natin sya Ijo..huminahon ka" sabi ni Reyna Hera. Pero hindi pa rin ako mapakali. Kailangan ko syang makita. Pakiramdam ko nawalan ako ng gana sa lahat at wala akong ibang naiisip kundi maligtas sya.

Third Person P.O.V

Nagising si Princess Sera sa madilim na lugar. Sumakit din ang ulo nya dahil sa pagkakapalo sa kanya. Nakita nyang nakaawang ang pinto kaya may kunting sinag ng ilaw syang nakikita. Napasin rin nyang nakatali sya.

"Hindi pwedeng malaman nila na ako ang taksil sa palasyo Silasty!, Hindi pwedeng mabalewala lahat ng pinaghirapan ko!" Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang boses ni Reyna Vesin.

"Wag kang magalala pinapahanap ko na si Heldi at patayin, yung babae naman ay patay na rin, Ang prinsesa na lang ang problema natin" rinig kong sabi nong Haring Silas.

Pumasok sila sa kwarto at doon ko nakita ang muka ni Reyna Vesin. Masama ko syang tiningnan pero hinawakan nya ang panga ko.

"Hindi ikaw ang sisira sa lahat ng mga pinaghirapan ko! Bwesit 'yang nanay mo bumalik pa dapat matagal ko na syang pinatay noo eh! pero dahil hindi ko sya napatay ikaw muna ang uunahin ko!"

"Napakasama mo! Siguradohin kong malalaman lahat ito ni Ama!" Galit kong sigaw ngunit tumawa lang sya.

"Yun ay kung makakatakas ka pa dito! Papatayin muna kita bago mo masira lahat!" Sinampal nya ako ng malakas kaya napatabingi ang ulo ko. Masama ko naman syang tiningnan.

"Pag nakatakas ako dito, papatayin kita!" Seryosong banta ko sa kanya napaatras naman sya at ngumisi.

"Parusahan yan"
Anunsyo nya kaya may humiklas saaking mga kawal.

______________________________________

:(

Reincarnated To The Body Of The Hated PrincessWhere stories live. Discover now