Kabanata 26
Napatitig naman ako sa kanya ng sabihin nya 'yun. Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. Kumurap na lang ako ng ilang beses at uminom ng tubig.
"Oh really? I'm sorry anak and Mia if we have to bring that up...I should have known" paghingi ng paumanhin ng Reyna.
"It's okay lang po, Wala pong kaso 'yun.." nakangiting sabi ni Princess Mia.
Hindi talaga ako makapaniwala. Dahil don sa libro na binabasa ko ay si Princess Rizen talaga ang gusto ni Princess Mia pero baka nabago dahil hindi ko pa naman natapos 'yung libro ng mangyari sakin ito.
Ano pa kayang mga pangyayari Ang hindi ko inaasahang mangyayari pala dito?. Muka namang magiging okay din ang lahat. Si Haring Silas na lang Ang pinangangambahan namin ngayon dahil nanahimik sya at wala na ring mangyayaring gulo pero nakakasigurado kami na nagpaplano na yun at bigla-bigla na lang susugod.
"Pasensya na po hindi ko po sinasadya" paghingi ko ng tawad ng may mabangga akong Isang babae at tinulungan ko syang ilagay sa basket ang mga dala nyang gamit. Lumabas kasi muna ako para magpahangin.
"Wag mo 'yang intindihin, hindi naman ako nasaktan " sabi nya at lumingon saakin napakanganga pa ako dahil sobrang ganda nya para na akong nasisilaw. Napatawa naman sya ng mahina. Sigurado ako na kasing edadran lang ito nila Lady Feiren.
"Pasensya na po talaga"
Paumanhin ko ulit at tinulungan na syang tumayo ng mailagay na namin ang mga gamit nya sa basket."Ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo, Wag kang mapangamba lahat ng nangyayari sayo ay may dahilan, Ikaw ang nataasang magbago ng mundong ito, Ikaw din ang gagawa ng pagbabago...Wag kang matakot na sumugal, Nakaplano ang lahat" naweirdohan naman ako sa kanya dahil sa mga sinabi nya pero mapapatitig ka talaga sa kanya at masasabi mong seryoso sya.
"A-ah sandali po, Ano pong pangalan nyo?" Tanong ko.
"Bellissima.."
Sabi 'nong babae at umalis na.Pamilyar 'yung pangalan na 'yun. Agad ko namang hinabol at hinanap 'yung babae ng marealize ko na pangalan yun ng author nitong istoryang ito. Sya rin ang nakakaaalam kung bakit ako napunta dito. Kailangan ko syang makausap pero hindi ko na sya makita.
"Sinong hinahanap mo? Any problem?" Nagulat ako ng marinig ang boses ni Kuya Yros na nasa likod ko na pala. Umiling na lang ako at tumingin muna ako sa paligid pero hindi ko na talaga makita 'yung babae.
Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin 'yung sinabi 'nong babae na wag ako matakot sumagal dahil laht ng nangyayari sakin ay may dahilan. Ano nga 'yung dahilan?. Gusto ko ring nalaman eh.
"Ang lalim ng iniisip mo ah,"
Napatingin naman ako kay Rizen. Tumabi sya saaking umupo."Bakit nasisid mo?"
Pabalang kong tanong."Gusto mo ikaw sisidin ko?"
Nakangisi nyang tanong kaya agad akong napalingon kanya. Ang dami na nyang banat sakin nitong mga nakaraang araw. May orasyon pa daw na pinagtuturo si Nathan dito."Alam mo wag munang kakausapin si Nathan ah, baka kung ano namang orasyon ituro 'non sayo eh, ako nanaman pagtripan mo" sabi ko naman.
"Nathan thought me a lot, but there's one that was my favorite of all" sabi nya kaya nacurious naman ako.
"Ano 'yun?"
Taka ko namang tanong."Beside from my consequences, I also want to try the orasyon sa kam-"
Hindi ko na pinatuloy ang sasabihin nya dahil tinakpan ko na ang bibig nya. Natatawa naman nya itong tinanggal."Alam mo tigilan mo na kakausap kay Nathan ah, nahawa ka na sa pagiging abnormal 'non, kung ano-ano tinuturo sayo, nahahawa ka na ng kaabnormalan nya" sabi ko kaya lalo syang natawa. Napapadalas na yata pagtawa nito ah dati galit na galit sakin tapos ngayon may pa tawa-tawa pa di mo ako madadaan dyan uy! pero ang gwapo nya 'pag tumatawa.
"Huy ano 'yung narinig ko pangalan ko!? Binabackstab nyo ako 'no? Ano sinasabi nyo ha?" Tanong nya at ayan na sumulpot na 'yung Hari ng mga abnormal.
"GMT"
Sabi ko na lang kaya napakunot ang noo nya."Anong GMT?"
Taka tanong ni Nathan."Google Mo Tanga!"
Napatawa naman ako ng kumunot ang noo nya dahil wala syang idea kung ano ang google. Ano Nathan? Hindi pwedeng Ikaw lang laging may ambag dito 'no."Anong go...go-gologolo? Ano iyon!?"
Halo akong napagalpak ng tawa dahil sa sinabi nya. Lalo naman syang naguluhan kaya lalo akong natawa. Abnormal talaga 'to.______________________________________
maraming readers ko kalahi ni Nathan ;)
YOU ARE READING
Reincarnated To The Body Of The Hated Princess
RomanceSi Ivelisse ay isa lamang simpleng babae na magisa na sa buhay at ang kasama na lang nyang natitira ay ang kanyang lola. Nabago ang lahat ng may makita syang lumang libro sa aparador ng lola nya at nagising na lamang siya na wala na sya sa kanyang t...