Kabanata 31
"Nay magtatlong araw na hindi pa rin sya gumigising" tawang pansin ko kay nanay Flor.
"Ganyan talaga nak...masyadong maraming nawalang dugo sa kanya kailangan nyang bumawi ng lakas"
Sabi naman ni Nanay Flor."Hmm..."
Nagulat ako ng umungol yung babae pero nanatiling nakapikit ang mga mata nya. Nagkatinginan kami ni nanay at agad na lumapit 'don babae.Unti-unti nyang minulat ang mga mata nya at bumungad saamin ang mala dagat nyang mga mata. Tumingin pa sya sa paligid at ng makita kami at agad syang napabalikwas.
"S-sino kayo?"
Medyo takot nyang tanong. Umupo naman ako sa may paanan nya at kinuwento sa kanya ang nangayari muka naman na kumalma na sya. Pinaliwanag naman nya saamin na Isa nga syang prinsesa ng Hera Kingdom at kinakailangan nyang bumalik agad sa palasyo."Nako wag kang magalala, ihahatid ka namin 'don, mahina-hina kapa masyadong mapanganib" sabi ni Jadhin.
"Maraming salamat talaga sa inyo, hindi ko alam kung paano ako makakabawi" napatawa naman ako.
"Ano ba?, Walang kaso 'yun Isang karalangan ang tumulong sayo prinsesa" nakangiti kong sabi kaya ngumiti rin sya.
" M-may lahi ka rin bang prinsesa?...halata kasi sa muka mo?"
Takang tanong nya kaya napaiwas ako ng tingin."Prinsesa yan, prinsesang hilaw!, BWAAHAHHAHAHAHAHHAHH"
malakas na tawa ni Jadhin habang may mga tumalsik pa ang tinapay na galing sa kinakain nya.Sinamaan ko na lang sya ng tingin dahil baka bulungan ako ng demonyo at makagawa ng kasalanan ngayong araw.
Rizen P.O.V
Hanggang ngayon ay hindi pa rin namin nakikita si Sera. Everybody was loosing hope but I won't. I won't give up until I will find you.
"Kuya, kumain ka na.."
Pilit na sabi saakin ni Elie pagpasok nya sa kwarto ko. Nakatingin lang ako sa labas sa terrace ng kwarto ko. Tinatamaw ang garden na lagi nyang tinatambayan."Wala akong gana, mamaya na lang..."
Mahina kong sabi."Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo Kuya?!, Sa tingin mo sasaya si Sera 'pag nakita ka nyang nagkakaganyan!?" She said but I don't give her a glance. I'm not in the mood.
"Hay! Ewan!"
Inis nyang sabi at lumabas na ng kwarto. I won't eat what if she's not also eating where she was right now. I hope she's okay. I really really missed her. Her laugh, her smile, her face, her voice, I miss everything about her."Prince Rizen, may bisita po sa bulwagan, alam daw po nila kung nasaan si Princess Sera"
Seraphine P.O.V
Ngayong araw ang alis namin papuntang Hera Kingdom. Gusto ko na silang makita at mayakap muli. Dalawang linggo rin ako nandito.
"Nanay Flor maraming salamat po sa lahat, dadalaw po ako dito paminsan-minsan" nakangiti kong paalam kay nanay Flor.
"Magiingat kayo ha.."
Sumakay na kami nila Khajira at Jadhin sa aming mga kabayo at nagpaalam kay Nanay Flor.Naglakbay na kami patungong Hera Kingdom. Wala namang panganib na nangyari kundi sa sobrang ingay lang ni Jadhin na hindi nauubusan ng kwento habang naglalakbay kami.
Nakarating kami sa Hera Kingdom at napansin agad ako ng mga kawal. Nanlaki ang mga mata nila at nagulat ng makita ako. Si Heneral Kin naman ay nakanganga na ngayon.
"P-prinsesa Sera!?, Ay jusko kang bata ka!" sambit ni Heneral Kin at sinalubong ako ng yakap kaya napatawa naman ako.
Pumasok kami sa palasyo. Tumago muna ako sa likodan ni Heneral Kin. Naririnig ko pa ang imik ni Ina at Ama sa may Sala kasama ang mga royalties.
Napansin yata nila ang pagdating namin kaya napatigil sila. Unti-unti akong lumabas sa likodan ni Heneral Kin at nakita ko naman ang gulat at saya sa mga mata nila ng makita ako.
"SERA!"
agad na tumakbo saakin ang mga royalties at niyakap ako."Aray sugat ko!"
Reklamo ko. Si Kuya Yros naman ay agad akong niyakap."Anong nangyari?, May masakit ba sayo?" Nagaalalang tanong nya kaya natawa ako.
"A-anak..ko"
Agad akong lumapit kila Ina at Ama at niyakap silang dalawa. Namiss ko sila."Salamat at buhay ka..."
bulong ni Ina habang yakap yakap nila ako. Nandito na rin si Lady Feiren at Heldi si Gia ni Jaze na agad din akong niyakap. Ang dadrama nila at umiiyak na ang iba para namang namatay ako 'no.May napasin naman ako na wala rito 'yung taong gusto kong bubungad saakin pagdating ko dito. Napalingon naman ako sa may pinto ng pumasok sya. Natigilan pa sya ng makita ako.
Bumilis nanaman ng tibok ng puso ko ng makita ko sya. Sobra ko syang namiss.Tumakbo sya saakin at niyakap ako.
Napangiti naman ako at pumikit at dinama ang yakap nya.I feel safe when I'am in his arms again...kay Rizen....
"Aray sugat ko, wag mo namang ipahalata sa kanila na masyado mo akong namiss, patay na patay ka nanaman sakin eh" pangaasar ko pa.
______________________________________
:)
YOU ARE READING
Reincarnated To The Body Of The Hated Princess
RomanceSi Ivelisse ay isa lamang simpleng babae na magisa na sa buhay at ang kasama na lang nyang natitira ay ang kanyang lola. Nabago ang lahat ng may makita syang lumang libro sa aparador ng lola nya at nagising na lamang siya na wala na sya sa kanyang t...