Chapter 3

803 14 1
                                    


"Ysabelle anak! Bilisan mo na dyan malelate kana sa school mo." Wika ko habang inilalagay sa bag niya ang hinanda kong lunchbox para sa kaniya.

Ito ang unang araw ng pasukan namin. Maaga pa naman at alas 9 pa ang klase ko kaya naisipan kong ihatid muna si Ysabelle sa school nila.

Lumabas si Ysabelle sa kwarto at nakangiti akong lumapit sakaniya para ayusin ang kaniyang uniform. Hinawakan niya rin ang suot kong uniform at inayos ang aking kwelyo bago kami tumayo at umalis ng bahay.

Bigay sakin ni Ma'am Trisha ang uniform na suot ko ngayon dahil graduate din siya ng Education sa UST. Kinausap ko kasi siya kahapon na kung pwede ay maiadjust ko ang schedule sa coffee shop at pumayag naman siya. Mabait si Ma'am Trisha at ang sabi pa niya sa akin ay pwede akong mag trabaho sa shop kung kailan may availability sa schedule ko.

Sumakay na kami ni Ysabelle sa tricycle patungo sa kanilang iskwelahan. Nang makarating ay agad kaming nagbayad at tanaw namin ang mga estudyante at magulang na pumapasok sa loob ng paaralan. Magkahawak kamay kamjng pumasok ni Ysabelle saka namin hinanap ang kaniyang classroom. Mabuti na lang ay nahanap namin agad ang classroom niya at bago pumasok ay hinabilinan ko muna siya sa importanteng bagay.

"Anak. Makinig ka sa teacher mo ha! Huwag kang lalabas ng classroom niyo hanggat hindi dumadating ang lola Sonya mo or si Tomas. Maging mabait sa kaklase at huwag kang makikipag away naiintindihan mo ba Ysabelle?" Mahinahon kong saad

She stare at me and nod her head repeatedly. "Opo mama."

I smiled. Iniabot ko sakaniya ang bag niya saka siya hinalikan sa ulo. Pumasok na siya sa loob ng classroom at nangingiti ko siyang kinawayan bago umalis.

Napabuntong hininga ako habang naghihintay ng jeep papunta sa university. Sumakay na ko at nag abot na rin ng bayad saka tumingin sa labas ng jeep. Tinatangay ng hangin ang buhok ko at ramdam ko ang init sa paligid.

Ilang minuto lang ay nakarating na rin ako sa university na pinapasukan. I take a deep breath before entering the school premises. Ipinakita ko sa guard ang temporary id na ibinigay ng school sakin habang nag eenroll ako noong nakaraang linggo. Pagkatapos ma check ng guard ay agad na rin akong pumasok at umusbong ang kaba sa aking puso ng makita ko ang dami ng estudyanteng nagtatawanan at naglalakad patungo sa kani kanilang course department.

I sighed and look at my schedule and start walking to the building of Education. Habang naglalakad ay tanaw ko ang malaking field ng school. Nadadaanan ko rin ang ibang mga course department at natutuwa akong pagmasdan ang mga estudyante na naglalakad papunta sa kani kanilang mga klase.

Namiss ko ang college life at mas lalong nagiging special to sakin dahil first time kong makapag aral sa isang sikat na unibersidad sa pilipinas. Sa Community College kasi ako nag aral noon kaya sabik ako ngayon na makakapag tapos ako sa isang magandang paaralan.

Matapos ang ilang minutong pag hahanap ay nakita ko na rin ang classroom na papasukan ko. Sumilip ako sa bintana at nakita na marami ng estudyante ang nasa loob. Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga bago pumasok sa loob ng klase.

Naramdaman ko ang pagtingin nila saakin na agad kong kinailang. Umupo ako sa pinakadulong parte ng upuan at ngumiti ng bahagya sa mga taong nakatitig sakin.

Inalis na rin nila ang mga tingin sakin at pinagpatuloy ang kung anuman ang ginagawa nila kanina. Kinuha ko ang tubig sa bag at uminom ngunit muntikan ko ng madura ang iniinom nang may lumapit saking babae at masayang inilingkis ang kamay sa aking braso.

"Hi classmate!! Tabi tayo ah. Ako nga pala si Thalia, ikaw ano ang pangalan mo?" Ngiting malawak niya sa akin.

Ngumiti ako ng tipid at sumagot.
"I'm Hera." Maikli kong bigkas.

Crime Of Love (Crime Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon