Chapter 10

577 7 2
                                    


Naguguluhan akong tumingin kay Gray dahil sa sinabi niya. Sa totoo lang di ko alam kung saan niya nakuha ang ideyang nakikipag kita ako sa ex ko. Eh kahit boyfriend nga wala ako! Ex pa kaya.

"T-teka nga?! Anong ibig mong sabihin na nakikipag kita ako sa ex ko?" Curious kung sambit.

"I saw you yesterday Hera. You're with another man. I'm sure he's your ex, probably Ysabelle's father?" Seryoso niyang wika.

Tulala akong tumingin sakaniya saka humagalpak ng tawa. Napahawak ako sa aking tiyan at pabalya pa siyang hinampas sa braso. Seryoso naman siyang tumingin sakin at nakita ko pa ang pag taas ng kaniyang kilay dahil sa ginawa kong pagtawa sakaniya.

"What's funny?" He sarcastically asked.

I stop laughing and look at him amusingly. "Anong ex ka dyan?. Kapatid ni Thalia yung lalaking nakita mo kahapon. Pinasabay lang nila ako para hindi na raw ako mamasahe since madadaanan din naman nila yung lugar kung saan ako nakatira atyaka andoon kaya si Thalia, hindi mo lang siguro nakita kasi nasa backseat siya nakasakay." Natatawa kong paliwanag na ikinamula naman ng kaniyang pisngi.

"W-weh?, Totoo?" Aniya.

Tumango naman ako na agad niyang kinaiwas ng tingin. "S-sorry, akala ko kasi ex mo. Hindi ka kasi nagreply sa text ko kaya, akala ko..."

"Busy lang.. sorry din if you think it in the wrong way." Ngiti ko. "Saka nga pala, salamat sa bulaklak na binigay mo sakin noong isang araw. I appreciate it a lot." Wika ko.

He stared at me confusingly. "What flowers? I didn't give you one Hera." He answered.

I gasped on what he said. Kung hindi siya ang nagpadala ng mga bulaklak edi sino?. Nakaramdam ako ng kaba sa nalaman, siguro pag uwi ko itatapon ko na yung mga bulaklak lalo na't hindi ko alam kung kanino galing ang mga iyon.

"H-hindi ikaw ang nagbigay ng mga bulaklak?" I asked shockingly. He nod and based on his confused face, I'm sure wala nga siyang alam tungkol sa mga bulaklak.

"Shocks... Akala ko ikaw ang nagbigay dahil ikaw lang naman ang tumatawag sakin ng Goddess." I said.

His face became serious. "Someone's claiming my Goddess huh?" He murmured to himself.

Kunot noo ko siyang tinignan. "What did you say? Di ko narinig." Saad ko sakaniya

He took a deep breath before speaking. "Nothing.. anyways, don't accept any gifts to some strangers Hera, Delikado na ang panahon ngayon, and besides kung ako ang magbibigay ng regalo sayo hindi bulaklak ang ibibigay ko noh!." Aniya.

"Ano naman aber?" Maldita kong tanong.

He smirked. "Syempre bigas!. Aanhin mo naman ang bulaklak, eh di naman yan nakakain." Natatawa niyang sambit.

Busangot ko siyang tinignan. "Alam mo! Ewan ko sayo! Babalik na ko sa stall namin bahala ka na dyan!" Ani ko.

Aalis na sana ako ng maramdaman ko ang kamay ni Gray sa aking palapulsuhan. "Mamayang 5pm mag peperform kami ng mga kabanda ko. Pwede ka bang manuod?" Nakangiti niyang wika.

I sighed. "I'm not sure Gray, but I'll try. Hindi lang ako pwedeng magtagal dahil hinihintay ako ni Ysabelle." I apologetically said.

He smiled. "Sure, kahit sandali ka lang ayos lang sakin, I just want to see you in the middle of the crowd while I am performing on stage." Ani Gray.

I cleared my throat and nod. "I'll go now, goodluck." I mumbled.

Bumalik na ko sa pwesto at ngumiti sa ibang mga customers. Umalis na rin si Gray kaya nakapag focus na ko sa pagbibigay ng mga coffee jelly sa mga customers.



Crime Of Love (Crime Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon