Maaga akong nagising upang maghanda ng agahan. Inasikaso ko na ang mga gamit ni Ysabelle para sa pagpasok niya sa school bago dumiretso sa kusina upang magluto ng breakfast.Pagkatapos kong maghanda ay agad kong pinuntahan si Ysabelle sa kwarto. Ginising ko siya saka pinaghilamos bago tumungo sa kusina. We eat our breakfast peacefully and after that we took a bath together before dressing up ourselves.
"Ysabelle! Halika na. Nasa labas na ang lola Sonya mo." Ani ko.
Lumabas naman si Ysabelle sa kwarto saka kinuha ang bag at sabay kaming
lumabas ng bahay.Ysabelle went near to Lola Sonya and Tomas. Magalang akong bumati saka hinawakan ang mukha ng aking anak.
"Huwag magpapasaway sa school ha. Be a good girl okay baby." Pagpapaalala ko sakaniya.
"Yes po mama!" Aniya.
Tumingin ako kay lola sonya saka nagpaalam bago sumakay ng jeep patungo sa university. Nang makarating sa pinapasukan ay bumaba na agad ako ng jeep saka tuluyang pumasok sa loob.
Pagkarating ko sa classroom ay nakita ko kaagad si Thalia na abala sa pakikipag chismisan sa aming kaklase. Dumiretso na ko sa aking upuan saka naman nagmamadaling lumapit sa aking pwesto si Thalia.
"Friendd... Pumunta nga pala dito kanina si Gray, hinahanap ka! Mukhang nagmamadali nga eh. Nagkita ba kayo?" She said curiously.
I got alarmed on what she said. Hindi ko alam kung ano pa ba ang rason niya kung bakit gusto niya akong makita pero nakapag desisyon na ko. May mga bagay talaga na kailangan ng tapusin dahil ito ang tama.
Balak ko na sanang magsalita nang biglang pumasok ang aming professor. Ngumiti na lang ako ng tipid kay Thalia saka nakinig sa aming guro.
"Good morning class! I have an important announcement to all of you." Said by our professor.
"First of all, I want to congratulate everyone for the successful event yesterday. Rest assured that all of you will have a points to your final grading. Anyways, all of the professor's will have a meeting at exactly 12:00-4:00 pm. Ibig sabihin half day lang kayo ngayong araw." Dagdag pa ng aming prof. Na agad na kinatuwa ng karamihan.
Pagkatapos niyang magbigay ng mga paalala ay nagsimula na siyang magdiscuss ng topic. Nalalapit na rin kasi ang midterm exam namin kaya pinagiigihan ko ngayon ang pag aaral ko. Mabilis lumipas ang araw at mag dadalawang buwan na rin simula ng pumasok ako sa university kaya sobrang saya ko na malapit ko na ring matupad ang mga pangarap na itinatag ko para sa aming dalawa ni Ysabelle.
"Class dismissed! See you on Monday everyone. Happy weekend." Wika ng huli naming prof. Sa last subject saka ito umalis.
Inayos ko naman ang mga gamit ko saka ito isinukbit sa balikat. Sabay kaming lumabas ni Thalia ng school at nang makarating sa labas ng university ay saka lang kami naghiwalay ng landas.
Naglakad ako sa parteng unahan at sumilong sa shed habang naghihintay ng masasakyan. Maraming estudyante rin ang naghihintay nang masasakyan kaya napag isipan kong sumilong muna saglit dahil masakit sa balat ang init na nagmumula sa araw.
Iginala ko ang aking mata sa paligid nang marinig ko ang isang pamilyar na boses malapit sa aking kinatatayuan.
I nervously looked at the left side only to see Gray running towards my direction. I was about to leave the place when I felt a strong hand gripping my arm resulting me to stop leaving.
"Can we talk?" Gray said seriously.
I let out a long sighed before looking at him coldly. "Wala na tayong dapat na pag usapan Gray, aalis na ko." I said.
BINABASA MO ANG
Crime Of Love (Crime Series #1)
General FictionChristine Hera Gomez became a mother at such a young age. She was just 22 years old when her best friend die and leave the custody of his child under her name. She was the only family left and since she is also living alone now, she decided to accep...