"Hera sa table 5 to ha.. Hot chocolate and custard cake. Thank you." Wika ni Cora sakin.Ngumiti naman ako at lumapit sa table na sinabi niya. Napatingin ako sa grupo ng mga babaeng nagtatawanan sa loob ng coffee shop. Maingat kong inilapag ang coffee at custard cake saka magalang na yumuko bago umalis.
Inilabas ko ang pamunas at spray nang umalis ang isang customer saka iniligpit ang kanilang pinagkainan.
Nagtatrabaho ako sa coffee shop malapit sa tinutuluyan kong apartment. Nag iipon ako ng pera para makabalik ulit sa pag aaral at matustusan rin ang pangangailangan ng anak kong si Ysabelle.
Napangiti ako ng maalala ko ang aking anak. It's been 5 years since my bestfriend Isabella died. Ulila na si Isabella kaya nang mamatay siya dahil sa panganganak ay ako na ang tumayong ina sa anak niya. Wala na rin akong pamilya dahil maagang namatay ang mga magulang ko. Kinupkop ako ng tiyahin ko pero pinagmamalupitan niya lang ako kaya naisipan kong mamuhay na lang mag isa.
Naging madilim ang mundo ko noon hanggang sa makilala ko si Isabella. Naging magkapitbahay kasi kaming dalawa. Tumitira siya sa bahay ng nobyo niya noon pero ng magkaanak ay iniwanan na siya nito. Pinalayas din siya ng mga magulang nang nobyo niya kaya napagpasyahan kong patirahin na lang siya sa maliit kong apartment.
Kalaunan ay umalis na rin ang pamilya ng nobyo niya sa tinitirhan namin kaya mas naging maayos ang aming paninirahan sa apartment.
Binilisan ko ang paglilinis sa mga mesa at ng matapos ay tiningala ko ang orasan. Malapit na kong mag out kaya inayos ko na ang ibang upuan saka idinala ang tray sa loob ng kusina.
Hanggang alas 5 lang bukas ang coffee shop kaya maaga rin akong umuuwi. Mabait ang mga staff dito at gustong gusto ko ang uri ng pamamalakad nila sa shop.
Nang mag alas singko na ay hinubad ko na ang suot na apron at naghugas ng kamay bago kinuha ang bag. Nakapaglinis naman ako at binibilang na lang ni Cora ang kita namin ngayon.
Palabas na ko ng tinawag ako ni Ivan. Isa sa mga staff din dito sa shop. "Uuwi ka na Hera?" Tanong niya.
Tumango ako saka nakangiting kumaway sa kanila bago lumabas ng shop.
Habang pauwi ay bumili muna ako ng bbq at kanin sa tindahan saka sumakay sa tricycle papunta sa apartment.
Ilang minuto lang naman ang layo ng shop sa apartment ko kaya mabilis akong nakauwi ng bahay. Nagbayad ako sa driver bago pumasok sa maliit na eskinita namin. Dumiretso ako kay aling Sonya, isa sa mababait naming kapitbahay. Sakaniya ko iniiwan si Ysabelle kapag nasa trabaho ako dahil naaaliw raw siya kapag may bata sa bahay nila.
"Aling Sonya?!. Tao po!" Katok ko sa pinto nila saka lumabas ang matanda.
"Uyy Hera iha. Andito ka na pala. Teka kukunin ko lang si Ysabelle at abala sa pakikipaglaro kay Tomas." Ngiti niya bago bumalik sa loob ng bahay.
Si Tomas ay ang apo ni aling Sonya. Siya ang madalas kalaro ng anak ko kaya kampante akong iwan siya dito.
Lumabas na si aling Sonya kasama ang aking anak. Natutuwa kong kinarga si Ysabelle saka hinalikan sa ulo bago humarap sa matanda.
"Salamat po sa pag aalaga sa anak ko aling sonya. Mauuna na po kami sa bahay." Ani ko.
"Naku.. walang anuman. Nag eenjoy naman akong alagaan ang anak mo. Oh heto nga pala, nag luto ako ng adobo. Kainin niyo ng anak mo ha." Pag aabot niya ng ulam sakin.
I smiled genuinely and accept the food.
"Salamat po ulit." Wika ko saka kumaway sa kanila bago dumiretso sa aming bahay.Pagkalapag ko kay Ysabelle sa sofa ay agad niyang pinulot ang manika niyang laruan.
BINABASA MO ANG
Crime Of Love (Crime Series #1)
Genel KurguChristine Hera Gomez became a mother at such a young age. She was just 22 years old when her best friend die and leave the custody of his child under her name. She was the only family left and since she is also living alone now, she decided to accep...