Chapter 15

529 4 3
                                    

Thank you everyone for reading my previous story... Please also support Crime Series, mwah mwah... Enjoy reading~~~🌻

***

It's been four days since Gray left the country for his business trip. There are times that I miss his noisiness but I think this is good though because I was able to focus on studying and reviewing for our exam.

Kakatapos lang din ng exam namin ngayon at kahit papaano ay confident naman ako sa mga sagot ko sa test. Malapit na rin kaming mag OJT kaya mas lalong magiging busy ako sa pag aaral.

"Hera! Uuwi ka na ba?" Thalia asked.

"Uum.. may trabaho pa ko eh." I answered.

Alas 3 pa naman ng hapon kaya balak kong mag trabaho muna sa shop. Nagpapasalamat talaga ako kay Ma'am Trisha dahil kahit papaano ay naaadjust and schedule ko sa trabaho at napupunan ko pa rin yung duty ko sa work.

Nagpaalam na sakin si Thalia saka naunang umalis ng university. Naglalakad ako palabas ng university nang makita ko ang mga kaibigan ni Gray na nagtatawanan papunta sa canteen area. Hindi naman nila ako nakita kaya hinayaan ko na lang at pinagpatuloy ko ang paglalakad paalis.

Sumakay ako ng jeep at nag abot ng bayad saka tumingin sa labas. Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa at tinignan kung may messages ba galing kay Gray. Apat na araw niya na rin akong hindi kinocontact simula ng umalis siya kaya nakakaramdam din ako ng panghihinayang minsan. Ibinalik ko na lang ang phone ko sa bulsa at inabala ang sarili sa pagtingin sa mga sasakyan at nagtataasang mga gusali.

Bumaba na ko ng jeep at masayang pumasok sa loob ng shop. Binati pa ko ni Cora at ng iba pa naming ka trabaho saka ako pumasok ng staff room.

After kong magpalit ng damit ay agad na kong lumabas at kinuha ang ibang mga order's sa counter. May mga nakasulat ng numbers doon kaya inihatid ko na lang ang dalang order sa customer.

"Hera... Sa table 10. Thank you." Ngiting saad ni Cora.

Tumango naman ako at kinuha ang tray na may mga lamang pagkain saka ito dinala sa table 10. Nang mahanap ko na ang mesa na paglalagyan ko ng order ay nakangiti akong lumapit at akmang ilalapag ang mga orders ng makita ko ang mga kaibigan ni Gray na nakaupo sa mesang pagde deliveran ko ng pagkain.

Napalunok ako nang makita ko silang nagtatawanan at halos manigas ako sa aking kinatatayuan ng makitang kasama nila si Gray.

Nakauwi na pala siya pero hindi man lang siya nag abalang mag text sakin?!. Napaka antipako talaga niya kahit kailan. Humugot ako ng malalim na hininga at kinakabahang lumapit sa kanilang pwesto.

"Good afternoon, this is your order ma'am/sir, Have a nice day." I said while placing the foods on their table.

"Hi hera.." pagbabati sakin ni Brianna.

Ngumiti na lang ako ng alanganin sa kaniya saka kinuha ang tray.

"Hindi ka namin nakita kanina. Akala namin wala ka dito, nalungkot pa naman si Gray. Yiee..." pagtutudyo ni Cia saamin.

Pinigilan ko ang sariling tumingin kay Gray dahil kinakabahan ako sakaniya and at the same time, aaminin kong masama ang loob ko sakaniya dahil hindi niya man lang akong nagawang icontact or magsabi na nakauwi na pala siya ng bansa. Isinantabi ko muna ang pagtatampo ko at sinagot ang tanong ni Cia.

"Maybe I was in the staff room? Kararating ko lang kasi kaya siguro hindi niyo ko nakita..." I said.

Nagsi tanguan naman sila saka sabay sabay na tumingin kay Gray. Nagtama ang tingin namin ni Gray pero inismiran ko lang siya saka iniwas ang aking mata sa kaniya.

Crime Of Love (Crime Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon