Chapter 16

520 4 3
                                    


"Ysabelle anak! Male-late ka na!." Saad ko habang inaayos ang mga gamit ni Ysabelle na dadalhin niya sa school. Isinukbit ko naman ang dala kong bag at tumingin sa pinto ng kwarto nang lumabas na ang aking anak dala-dala ang keychain na barbie na ipinadala ni Gray kaninang umaga.

Nagulat nga ako kanina na may nagdeliver ng mga regalo dito sa bahay at nang mabasa ko ang text galing kay Gray ay mas lalong nakumpirma ang hinala kong si Gray nga ang nagpadala ng mga regalo.

"Mama! Kailan po pupunta dito si Papa Gray?." Ysabelle asked.

"I don't know baby, why?." Tanong ko.

She pouted her lips and hold my hand while we were walking out from the house.

"I missed him mama." Nakangusong bigkas niya.

"May ginagawa lang ang Papa Gray mo, don't worry... I'm sure one of this day bibisitahin ka rin niya hmm.." Pagkausap ko sa aking anak saka kami tumungo sa bahay ni lola Sonya.

Lumabas naman ng bahay si Lola Sonya kasama si Tomas. "Oh iha, papasok ka na ba? Huwag kang mag alala ako na bahala dito kay Ysabelle at baka ma late ka pa sa school mo." Ani Lola Sonya.

Tumango naman ako at hinalikan si Ysabelle sa kaniyang noo bago nagpaalam kay Lola Sonya. Sumakay na ko ng jeep at kumaway sa kanila bago sila tuluyang nawala sa aking paningin.

I sighed and get my phone in the bag. Wala namang text sakin si Gray o si Thalia kaya itinago ko na lang ito ulit at tumingin sa paligid. Maya-maya lang ay nakarating na rin ako sa university at agad akong bumaba ng jeep saka pumasok sa loob ng school.

Nang makarating na ko sa loob ng classroom ay agad akong umupo sa aking pwesto at bahagyang nagulat ng bigla akong dambahin ng yakap ni Thalia.

"Good morning Hera my friendd!!" Sambit niya.

Natawa ako saka inilapag ang bag sa upuan bago iniharap ang kaibigan.

"Morning. Hyper na hyper ka ata anong meron?" I asked.

She smiled sweetly at me. "May nagpapabigay pala sayo nito..." Ani niya sabay abot ng papel na supot.

I curiously open it only to see a coffee with a note on it. I picked up the note and read it silently

"Hi my Goddess.. para sayo yang kape ha! Sunduin kita mamayang uwian hehe mahal kita. Mwahh :*
                                                    - your babe;)

I chuckled and drink the coffee he brought to me. Napatingin naman ako kay Thalia ng mapang asar niya kong tinignan at dumikit sakin para maki usyuso.

"So, ano na?! May hindi ba ako alam sainyo ni Mr. Poging Engineer ha?" Tudyo ni Thalia sakin.

I licked my lower lip and put the coffee in the arm chair. Kaibigan ko naman si Thalia at halos lahat ay alam niya na rin naman tungkol sakin at ganun din ako sakaniya kaya siguro mas mabuti na ring malaman niya ang namamagitan samin ni Gray para hindi na rin siya magtanong pa sakin muli.

"Ano na besh? Mag kwento ka naman dyan?!" Paguudyok niya sakin.

Natawa ako saka nagsalita. "Kami na ni Gray." I mumbled shyly.

Napasuntok naman sa hangin si Thalia at kinurot pa ko sa aking braso dahil sa kilig. Tumingin pa ko sa paligid upang icheck kung andyan na ba ang professor namin pero wala pa naman kaya malaya akong inienterrogate ni Thalia.

"Seryoso? Kayo na? Teka, paano nangyari. Nag confess ka ba? Sinagot mo na ba siya? Nag kiss ba kayo?" sunod sunod na wika ni Thalia.

"Tumahimik ka nga! May makarinig pa sayo eh." Pag sasaway ko.

Crime Of Love (Crime Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon