Chapter 36

1.3K 4 0
                                    


"Yes Bernard. Yeah.. they are starting to dig the area and some of the materials Engr. Montecillo ordered are now delivered here in Tagaytay. Yes, I'll update you later. Bye." I said as I ended the call.

Tumingin ako sa harapan upang tingnan ang mga construction workers na ngayon ay naghuhukay at nagtatayo ng poste sa bawat gilid ng lupa.

Well, it's been a week since Me and Gray became official again. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang ikakasal na ko sakaniya. This is like a dream to be married with a person who you trully love and I can't wait to make it happen.

Actually, Ysabelle and Bernard already knows that I'm getting married with Gray and they are both happy because of my decision. I took a deep breath as I look around the area. Wala ngayon si Gray dahil bumalik siya ng Manila kahapon but he already texted me that he'll come back right now in Tagaytay. Sinabi ko na lang na dito na lang kami magkita sa site dahil gusto ko rin tignan ang trabaho ng mga tauhan niya.

Ysabelle is already at home. Sumabay na siya kay Gray patungong manila dahil namimiss na raw ni Aling Tessa at Lola Sonya ang anak ko. Kahit na ayoko pa sanang pauwiin si Ysabelle ay hinayaan ko na lang since gusto niya na rin namang umuwi ng bahay.

"Hello po Ma'am, nandyan na po si Engr. Papunta na po rito." saad ni John isa sa mga trabahador dito.

I smiled. "Salamat." Ani ko.

Umalis na si John at hinintay ko ang pagdating ni Gray sa aking pwesto pero si Cia ang nagpakita. Kahit naguguluhan ay ngumiti pa rin ako sakaniya ngunit agad ding napawi ang ngiti ko ng sinalubong niya ko ng malakas na sampal sa pisngi.

"Ang kapal din naman ng mukha mong makipag balikan kay Gray! Matapos ang lahat ng panloloko mo sakaniya! May gana ka pang makipagbalikan!." galit na sigaw ni Cia.

I gasped. Tiim bagang akong tumingin sakaniya at binigyan din siya ng malakas na sampal sa mukha. "Mas makapal ang mukha mo dahil nasa teritoryo kita! Wala kang karapatang diktahan ang mga desisyon ko! Tyaka ano naman sayo kung kami na nga ulit?!!.. Kaibigan ka lang. Fiancee ako." matapang kong sabi habang pinagdidiinan ang huling salita.

Cia laughed sarcastically. "Seryoso ka? Fiancee? Dream on!" natatawang sambit niya

I closed my fist and glared at her. Mas lalo lang akong nairita ng makita ang ngisi niya sa kaniyang labi. "tsk.. tsk.. poor Hera.. hindi mo alam pinaglalaruan ka na rin pala ng taong akala mo ay mahal ka." She grinned.

I gulped hard. "What do you mean?"

She smirked evilly. "Gray is just playing Hera. Pinaglalaruan ka lang niya katulad ng ginawa mo sa kaniya noon. In short, he is just taking revenge on you. Sa tingin mo ba talaga mahal ka niya? Masyado ka naman palang ambisyosa. Tama nga si Gray, ang bilis mong mauto." She said.

I clenched my jaw and closed my eyes tightly. Hindi.. hindi niya ko lolokohin, mahal ako ni Gray I'm sure hindi niya ko magagawang saktan ulit. Tumingin ako ng malamig kay Cia at nagsalita.

"Hindi ako naniniwala sayo. Where is Gray, siya ang gusto kong makausap hindi ikaw." I coldly said.

Cia chuckled. "I have a proof though. Wanna heard it? And take note!. Ako ang mahal ni Gray, hindi ikaw." aniya.

Inilabas ni Cia ang kaniyang phone at agad na pinlay ang voice recorder sa cellphone.

"How about Hera.. did you already make your move on her?" rinig kong boses ni Cia.

"Yeah.. madali ko lang naman na makukuha ulit si Hera.. I just have to get rid of Bernard." 

I gasped when I heard Gray's voice. Cia smirked seeing my reaction and continue playing the recorder.

Crime Of Love (Crime Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon