Chapter 7

543 9 0
                                    


"Hera! Pakibigay naman to sa table 3, bayad na yan.. thank you."


Tipid akong ngumiti kay Cora saka inilagay ang raspberry cake sa tray at hinatid ito sa customer. Ngumiti ako saka dahan dahang nilapag ang cake bago umalis. Pumasok ako sa loob ng staff room para kumuha ng towel dahil sa tagaktak na pawis sa gilid ng aking mukha. Uminom muna ako ng tubig saka bumalik ulit sa trabaho.


Inilabas ko ang spray at pamunas saka nilinisan ang bakanteng mesa. Pagkatapos ng klase namin kanina ay dumiretso na agad ako dito sa shop upang magtrabaho, sayang naman kasi ang kikitain ko rito at para din yun sa pag aaral ni Ysabelle.

Nasa pangatlong mesa na ko ng biglang bumukas ang pinto ng shop dahilan para mapatingin ako sa unahan. Magalang akong ngumiti at bumati kay Ma'am Trisha ang may ari ng shop na tinatrabahuhan ko.


Nakangiting lumapit si ma'am trisha sa counter at sumandig. Nag silapitan naman kaming lahat nang staff sa kaniya saka ngumiti.


"Kamusta kayong lahat? Pasensya na madalas akong wala dito sa shop, andami ko kasing inaasikaso na importanteng bagay sumabay pa yung pagbubukas ng another branch natin sa Pasay kaya masyadong busy ang boss niyo." Tipid na tawa ni Ma'am Trisha.


"Ayos naman po ma'am ang shop. Malakas po ang benta lalo na po sa mga estudyante." Ani naman ni Cora.

"That's good. How about you Miranda? Hera? Kamusta ang pag aaral?" Masayang sambit niya saamin ni Miranda.


Ngumiti kaming pareho ni Miranda saka siya naunang magsalita. "Naku ma'am ayos na ayos po.. kahit stress sa acads, maganda pa rin."

Nagsitawanan kaming lahat samantalang napailing na lang si ma'am Trisha sa kalokohan ni Miranda.


"Eh ikaw Hera? Kamusta unang linggo mo sa university? Nagkasya ba sayo yung uniform na binigay ko?" Ani ma'am Trisha

I nodded. "Salamat po pala ma'am sa uniform po. Napakalaking tulong po nun dahil hindi ko na po kailangang bumili ng bagong uniform."


She smiled and pat my shoulder. "No worries hera. Anyways, you can leave early today guys, I appreciate your hardwork in my shop that's why you deserve to rest early." 


Nagsihiyawan naman kaming lahat sa sinabi ni ma'am Trisha, matapos ng pag uusap ay nagsibalikan na rin kami sa aming mga trabaho. Plano kong ipagluto si Ysabelle ng paborito niyang ulam dahil hindi ko na rin masyadong nagagawa ang ipagluto siya.


Mabilis na dumaan ang oras at ngayon ay naghahanda na kami sa pag sasara ng shop. Inayos ko ang ibang kagamitan sa pantry saka ko itinanggal ang suot na uniform at inilagay sa loob ng locker. Kinuha ko na rin ang bag ko at lumabas ng staff room.


"Ma'am Trisha, natapos ko na po yung trabaho ko. Mauuna na po sana akong umuwi?" I calmly said.

"Oh sure sure. Take care" She answered.


Nagpa alam na rin ako sa iba ko pang ka trabaho saka lumabas ng shop. Sumakay ako ng jeep papunta sa palengke para mamili ng mga pagkain sa bahay.


Ilang minuto lang ay nakarating na rin ako sa palengke at nag abot ng bayad bago bumaba sa sasakyan. Sumalubong naman sakin ang ingay ng mga taong nagtitinda at siksikang tao sa loob.


Dumiretso ako sa meat section para pumili ng karne na gagamitin ko sa pagluto ng sinigang. Kalahating kilo lang ang binili ko saka naghanap ng gulay na kangkong at iba pang ingredients na gagamitin ko mamaya.


Matapos makapamili ay naisipan ko na ring mag grocery ng babaunin ni Ysabelle at bigas. Ilang oras din ang itinagal ko sa loob ng palengke bago napagpasyahang umuwi. Sumakay ulit ako ng jeep pauwi sa aming apartment.


Crime Of Love (Crime Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon