Chapter 9

478 5 1
                                    


"Itabi mo na lang yung sasakyan dyan sa kanto. Hindi na kasi magkakasya yung kotse mo sa loob kasi masikip, salamat nga pala sa paghatid." Tipid kong ngiti sa magkapatid saka bumaba ng kotse.

Ibinaba naman ni Thalia ang windshield ng sasakyan upang mag paalam. "Bye Hera!!Chat chat na lang!" Ani niya atsaka ako tumango.

Kumaway rin sakin si Calius saka nagsimulang paandarin ang sasakyan paalis sa lugar namin. Nang hindi ko na matanaw ang kanilang sasakyan ay naglakad na uli ako pauwi ng bahay.

Halos kasing edad ko lang si Calius kaya tinatawag ko na lang siya sa first name niya dahil nakakahiya naman kung makiki kuya ako eh halos mas matanda lang siya ng dalawang taon sakin. Naikwento rin ni Thalia kanina na si Calius raw ang namamahala ng ibang negosyo ng pamilya nila since ayaw ni Thalia ihandle ang kanilang Business.

"Mama!" Rinig kong sigaw ng matinis na boses.

Lumingon ako sa aking likod at nakita si Ysabelle na tumatakbo kasama si Tomas. Nakangiti ko silang sinalubong at inundayan ng halik sa pisngi ang aking anak.

"Kamusta ang baby ni mama? Bakit nasa labas kayo?" I asked.

"Mama bumili po kami ni Tomas sa tindahan ng candy." She answered while showing to me her little hands with candies. Tumango ako saka hinawakan ang kaniyang pulso upang makauwi na.

"Tomas, isasama ko na si Ysabelle pauwi sa apartment, pakisabi na lang kay lola Sonya ha!. Umuwi ka na rin at gabi na baka kung mapano ka pa dito." Ani ko saka naglakad paalis.

As we reached our home, Ysabelle immediately run to our small living room. Dumiretso naman ako sa kwarto upang magbihis at maghanda na rin ng aming makakain.

I was busy cooking when my phone suddenly rang. Tinignan ko ang caller id at ng mabasa ang pangalan ni Gray ay agad ko itong kinancel saka bumalik uli sa pagluluto. Tumunog ulit ang telepono ko pero hindi ko ito pinansin at inabala ang sarili sa ginagawa.

Hindi naman sa nag iinarte pero wala ako sa mood na sagutin ang tawag niya ngayon. Gusto ko munang ibigay ang buong atensyon ko sa anak ko dahil madalas ay hindi ko na masyadong nakaka kwentuhan si Ysabelle dahil sa pareho kaming naging busy sa pag aaral at sa pagtatrabaho ko.

Matapos kong magluto ay isinalin ko na ito sa mangkok at nag handa ng kanin sa mesa. Nagmamadali namang tumakbo si Ysabelle papasok sa kusina at umupo habang nilalagyan ko ng pagkain ang kaniyang plato. Hindi na rin tumawag pa ulit si Gray at nagkwentuhan na lang kami ni Ysabelle tungkol sa araw niya sa school at kila Lola Sonya habang kumakain.

After we finished our foods, tinuruan ko muna si Ysabelle sa mga homeworks niya at gumawa na rin ako ng reports para sa project namin sa school. Pagkatapos naming gawin ang assignments niya ay pinatulog ko na siya bago bumalik ulit sa ginagawa.

I yawned and stretch my both hands as I finished doing my reports. I laid my eyes to the clock and it's nearly 12 in the morning. I immediately fixed my things and went to bed to have some sleep and be prepared for tomorrow's event.

___

"Hera!! Taraa!! Nakuu.. andaming foods saka papable ngayon teh! Nakaka excite!" Kilig na wika ni Thalia at hinatak ako papunta sa aming stall.

Kararating ko lang dito sa school at sobrang dami ng tao ngayon dahil na rin sa sine celebrate ang Foundation Day ng school. I sighed and went to our stall to check and to help them as well.

Nang makarating ako sa pwesto namin ay madami na agad ang bumibili sa aming tindahan. Natawa pa ko ng bahagya ng makitang sumasayaw pa yung bakla naming kaklase para makahakot ng customers sa aming stall. May awarding din kasing mangyayari mamaya kaya pinag sisikapan ng lahat na maka kuha ng mga customers. Actually, pili lang ang course na may ganitong stall. Sa pagkaka alam ko ay tanging mga Education, Business Management, and HRM courses lang ang pinayagang mag conduct at mag sell ng products sa lahat.

Crime Of Love (Crime Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon