Chapter 8

518 7 0
                                    


Mabilis na lumipas ang araw at nextweek na gaganapin ang Foundation Day ng school. Isang linggo ko na rin hindi nakikita si Gray at mabuti na din yun dahil kahit papaano ay walang asungot na nang gugulo sakin dito sa school.

"Hera! Saan ka ba nag punta? kanina pa kita hinahanap." Hingal na saad ni Thalia.

"Galing ako sa library, naghanap ng reference para sa report. Bakit? May problema ba?" taka kong tanong pabalik.

Umiling naman siya at inakbayan ako habang naglalakad kami pabalik sa classroom. Pagkarating namin sa room ay nagkakagulo ang iba kong kaklase at ang iba naman ay abala sa pakikipagusap sa katabi.

Umupo kaming dalawa ni Thalia at nagtataka akong tumingin sa aming paligid.

"Di pa ba papasok yung prof natin?" I asked.

"Girl! yun nga ang sasabihin ko sana sayo! Hindi papasok ngayon yung prof. Natin kaya magkakaroon raw tayo ng meeting ngayon tungkol sa gagawin natin nextweek sa Foundation Day." sagot ni thalia saka kinuha ang liptint sa bag at naglagay sa kaniyang labi.

I nodded and fixed my things. Mabuti na lang ay wala na kaming susunod na subject kaya maaga kaming makakauwi. Andami ko pa kasing reports na kailangan tapusin saka dagdag pa yung mga lesson plan na kailangan na ring ipasa pagkatapos ng event.

"Guys! Listen up!" Pagtawag ng atensyon samin ni Lian. Ang class president ng aming klase.

"Since nextweek na ang Foundation Day, pwede na kayong mag suggest kung anong pagkain ang ititinda natin sa ating store. Remember, lahat dapat tayo ay may participation sa event na to dahil dito rin nakasalalay ang grades natin sa ibang subject." Ani pa niya sabay hagod ng tingin sa buong klase.

Nagtaas naman ng kamay ang isa ko pang kaklase na si Mariel. "How about more on merienda na lang ang itinda natin like Turon tyaka banana cue. I'm sure magugustuhan yun ng lahat since hanggang hapon naman ang event diba?" 

Nagsibulungan naman ang lahat at bahagyang tumango sa naging suhestyon ni Mariel ngunit agad din ito inilingan ni Lian.

"Hindi na pwede ang Turon at Banana cue dahil yun din ang ititinda ng kabilang section. Ang sabi sakin ni Ma'am ay kailangan raw hindi magkakapareho ang ititinda para naman hindi maumay yung ibang estudyanteng kakain." Lian said that we almost agree.

"Eh pres! Ano na lang ba ang available?" Pagtatanong ni Jake.

"Ang sabi... sa dessert na lang ang wala saka sa snacks." Ani niya.

"Lian! Ano kaya kung Salad na kang ibenta natin. Buko salad na lang favourite ko yon eh!" Suhestyon ni ronel na agad namang kinatawa ng karamihan.

Nag isip ako ng pwedeng gawing dessert na papatok sa panlasa ng mga mamimili at higit sa lahat makakatipid pa kami sa ingredients.

Itinaas ko ang aking kamay upang mag suggest. Nginitian naman ako ni Lian saka hinayaang magsalita.

"Ahm... What if we sell coffee jelly? I mean, mura lang ang gulaman ngayon at bukod pa sa mura ang mga ingredients masarap ding dessert ang coffee jelly." I smiled sheepishly

Nagsitinginan sila at sabay sabay na tumango. Ngumiti naman sakin si Thalia at nag thumbs up pa bago ako bumalik sa pagkakaupo.

"Tama si Hera. Maganda kung coffee jelly na lang ang ititinda natin since marami din sa mga estudyante ang gusto ng mga kape and besides madali lang ito magawa kaya agree ako sa suggestion ni hera. How about you guys?"

Crime Of Love (Crime Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon