Chapter 6

569 8 1
                                    


I took a deep breath before I entered the university. Dumiretso ako agad sa classroom namin at nang makarating ay umupo ako sa dating pwesto.

Sa totoo lang hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang nag aaral ulit ako at hindi ko sasayangin ang chance na to para matupad ang mga pangarap ko.

"Hera!! Ang aga mo ah!" Thalia said and sit beside me.

"Napa aga lang, may pasok din kasi yung anak ko kaya maaga ko siyang inasikaso." Pagsasagot ko sakaniya.

Nag usap pa kami tungkol sa mga bagay bagay nang biglang pumasok na ang aming professor.


"Good morning Class! We'll going to have a quiz. So, prepare 1/4 sheet of paper and answer the following." Seryosong saad ng prof. Namin

Huminga ako ng malalim at kumuha ng papel sa loob ng bag. Buti na lang nakapag review ako kahapon kaya sa tingin ko ay makakasagot naman ako kahit papaano.


Tumingin ako sa blackboard at nagsimula ng sagutan ang mga tanong na nakasulat doon. Lahat ng detalyeng sagot na alam ko ay inilagay ko rin sa papel at nang matapos ay ipinasa ko ito sa aming prof.

Sumunod naman sakin si Thalia at nakipag apir pa dahil kami ang naunang makapag pasa ng sagot.

"Nakuu.. good influence ka talaga hera.. mabuti na lang pinaalala mo sakin na baka mag quiz tayo ngayon kaya prepared ako kay sir." Tawa niya na ikinagisi ko.

Ilang minuto lang ay pinakuha na ni sir ang mga sagot namin. Nagbigay lang siya ng mga handouts tungkol sa pag aaralan namin next meeting saka umalis.

"Hera! Anong ulam mo? May dala rin akong lunchbox, kain tayo sa field mamaya mapresko don." Suhestyon ni Thalia

"Field? Kung saan ginanap  yung orientation? May mauupuan ba don?" Ani ko.

"Oo naman, may mga mesa at upuan doon saka hindi naman tayo sa mismong gitna ng field eh. Madaming mga kiosk o tambayan sa field malapit sa engineering department. Doon madalas mag aral ang mga Eng. Students." Wika pa ni Thalia


Tumango na lang ako at nagpaubaya sa kaniyang plano. Maya maya lang ay dumating na ang prof namin at nagsimula na siyang mag turo.

Ilang oras rin ang tinagal ng aming instructor bago magpaalam at umalis na ng klase. Kinuha ko naman ang bag ko at nagmamadali akong hinatak palabas ni Thalia.

"Sandali lang Thalia! Bat ba tayo nagmamadali? Paunahan ba don!" Taka kong tanong.

Umiling lang siya saka patuloy na hinatak ang kamay ko. Tuluyan niya na rin akong binitawan nang makarating na kami sa field. Tama nga siya, madaming estudyante ang nasa kiosk at sa tingin ko ay puro mga engineering students ang naririto sa kiosk dahil na rin sa kulay ng id lace nila.

"Hera! Tara doon tayo, umalis na yung mga asungot dali!" Natawa ako sa sinabi ni Thalia at mahina siyang tinampal sa braso. Dumiretso na kami sa kiosk na nakita niya at umupo na kami sa naka bakanteng upuan.

Inilabas na ni Thalia ang dalang lunchbox at nagulat ako sa dami ng kaniyang binaong ulam.

"That's too much Thalia? Did you cook that?" I asked.

She just chuckled and place the three tupperwares that contains different dishes.

"Ano ka ba, nagpaluto ako kay mama ng madaming ulam kasi sabi ko hahatian ko yung kaibigan ko sa school. Kaya dinamihan niya para raw mabusog tayo." She said while wiggling her eyebrows.

Crime Of Love (Crime Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon