Kinabukasan ay maaga akong nagising upang pumasok sa iskwelahan. Nakahanda na si Ysabelle at abala ako sa paglalagay ng kaniyang baon sa loob ng kaniyang bag."Ysabelle anak!! Bilisan mo na diyan baka nag hihintay na ang lola sonya mo." Wika ko sakaniya.
Lumabas naman si Ysabelle at lumapit sakin. Kinuha ko naman ang bag niya at isinukbit sa kaniyang likod saka kami umalis ng bahay. Maaga kasi ang pasok namin ngayon dahil may orientation pa raw na gaganapin sa university kaya nirerequire kami na pumasok ng maaga.
Paglabas namin ng bahay ay bumungad samin si Aling Sonya kasama ang kaniyang apo na si Tomas. Si Aling Sonya muna kasi ang maghahatid kay Ysabelle dahil sa kailangan kong pumasok ng maaga ngayon sa school.
Yumuko ako at pinantayan siya ng tingin. "Ysabelle si lola Sonya muna maghahatid sayo ha. Katulad ng bilin ko huwag kang maging makulit at huwag sasama sa kung kani-kanino. Okay?. Si lola Sonya ulit ang mag susundo sayo pauwi kaya hintayin mo si lola Sonya ah!"
Tumango si Ysabelle at hinalikan ang aking pisngi bago humawak sa kamay ni Aling Sonya. Ngumiti naman sakin ang matanda at niyakap ako bago sila sumakay ng tricycle patungo sa paaralan.
I took a deep breath before riding a jeep. Ilang minuto lang naman ang layo ng UST sa apartment na tinutuluyan ko kaya madali lang akong nakarating sa school.
Pagkababa ko ng sasakyan ay dumiretso na ko sa loob. Madami na agad ang tao sa field, may mga estudyanteng nagmamadali at ang iba naman ay casual lang na naglalakad.
Hinanap ko sa paligid si Thalia. Ang sabi niya kasi sa chat ay nandito na raw siya. Patuloy lang ako sa pag iikot ng biglang may bumangga sa aking likod.
"Hala miss, sorry. Okay ka lang?" Wika ng pamilyar na boses.
Tinaliman ko siya ng tingin at nakita ko ang pagkakagulat sa kaniyang mata ng makilala ako.
"Mukha ba kong okay!" Pabalya kong saad. Inirapan ko siya at nilagpasan para hanapin si Thalia ng maramdaman ko ang pagkakahawak niya sa aking kamay.
"Uyy Hera sorry na. May masakit ba sayo?" Nag aalala niyang tanong habang iginagala ang tingin sa aking katawan.
I rolled my eyes before speaking. "Walang masakit sakin okay,! mauuna na ko." I said.
"H-huh? Hindi ka ba aatend ng orientation? Importante attendance gurll!" Maarte niya pang sagot.
"Bakla ka ba?!" Kunot noo kong tanong.
Umawang ang labi niya at humawak sa kaniyang dibdib na para bang nasasaktan. "Beh hindi ako bakla. Sa gwapo kong to mukha ba kong bakla. Halikan kita diyan eh." Saad niya.
My forehead creased when I didn't hear the last word he said. "Anong sabi mo?"
Ngumuso siya at nagpipigil ng ngiting tumingin sakin. "Sabi ko hindi ako bakla." Ani niya.
"Not that one. Yung last word na sinabi mo hindi ko na rinig, ano yun?"
"Hala ka beh, heto naman chismosa..
Wala yun no" pag iinarte niya pa."Baka siguro hindi mo sakin sinasabi kasi mura yun ha!" Matalim kong tingin sakaniya.
He chuckled, "Ako? Nagmumura? Hindi kaya, masama raw yun sabi ni lord.."
I sighed and shake my head because of frustration. Kahit kailan talaga walang kwenta tong kausap. Aalis na sana ako para hanapin si Thalia nang maramdaman kong may umakbay sakin.
"Friend! Andito ka lang pala kanina pa kita hinahanap.." ngiting wika ni Thalia.
"Hi!" Pagpa papansin ni Gray.
BINABASA MO ANG
Crime Of Love (Crime Series #1)
General FictionChristine Hera Gomez became a mother at such a young age. She was just 22 years old when her best friend die and leave the custody of his child under her name. She was the only family left and since she is also living alone now, she decided to accep...