"I'll be watching you Ms. Gomez. Mauna ka na sa klase at may meeting pa ko. Goodluck on your first day." Mrs. Enriquez said before leaving me in the office.I sighed and get my bag before going to my class. Maaga akong pumasok katulad ng sabi ni Mrs. Enriquez dahil gusto kong mag iwan ng magandang impression sakaniya at sa mga estudyante ko. Pagkatapos kong maihatid si Ysabelle sa kaniyang classroom ay agad na kong dumiretso dito sa office subalit hindi pa ko nagtatagal sa loob ay pinapauna na ko ni Mrs. Enriquez sa kaniyang klase.
Huminga ako ng malalim habang nakatayo sa gilid malapit sa classroom ng unang klase ko ngayong araw. Pumikit ako ng mariin at bumitaw ng malalim na hininga saka ako pumasok sa loob ng classroom.
"Good morning Class?!." I said smilingly.
"Good morning ma'am!." the students said in unison.
Lumapit ako sa unahang mesa at inilapag doon ang mga gamit bago humarap sa mga estudyante.
"I'm sure you already know me right?. So, I am your student teacher in this subject and half of your performance in class will be rated by me so I hope we get along together okay?." I said.
"Yes ma'am!." they shouted together.
Nag check muna ako ng attendance nila saka nagsimulang magturo. Sa una ay masyado pa silang stiff siguro dahil nasanay sila na strikto ang guro nila sa subject na to kaya nangangapa pa sila saakin lalo na't baguhan din ako. Kaya naisipan kong magpalaro sa kanila at mag biro sa harap ng klase upang maging panatag sila sa akin.
Ganun din ang ginawa ko sa sunod kong klase at sobra akong natutuwa na mas nashe share na nila ang idea nila tungkol sa mga bagay na itinuro ko.
Abala ako sa pagtuturo sa huli kong klase ngayong umaga ng biglang pumasok si Mrs. Enriquez sa classroom. Nagsitayuan ang mga estudyante at magalang na bumati sakaniya saka sila bumalik sa pagkakaupo. Ngumiti naman ako ng tipid kay Mrs. Enriquez saka pinagpatuloy ang pagtuturo.
"A noun is a name of person, things, animals, places and etc. In other words, noun is a name of everything. Understood?." pagtuturo ko sa mga bata.
"Yes po!." they answered.
Napalunok naman ako saka pasimpleng sinilip si Mrs Enriquez sa dulong bahagi ng classroom. Tumikhim ako saka ipinaliwanag ng mabuti sa mga bata ang iba't ibang uri ng nouns. Nagpagawa din ako ng mga activities para sa kanila upang hindi sila mabored sa klase.
Hindi ko alam pero ng magsimula nang maglaro ang mga bata at ng makita ko ang ngiti sa kanilang mga labi ay tuluyan ko ng nakalimutan si Mrs. Enriquez sa likod. Masaya kaming nag games ng mga bata at mas lalong naging attentive sila sa pag rerecite at pagsagot sa mga tanong ko.
"That's all for the day class, you may now eat your lunch. Goodbye class?." pagtatapos ko sa aming klase.
Tumayo naman si Mrs. Enriquez at agad kong kinuha ang mga dala niyang gamit upang madala sa faculty. Hindi niya naman ako pinansin at hinayaan na lang hanggang sa makarating na kami sa faculty room. Inilapag ko naman ang mga gamit niya sa mesa saka nagpaalam upang mag lunch sa canteen.
"Ms. Gomez!"
"Yes po ma'am?!." I immediately response.
She smiled a little. "You did great awhile ago. That's all, you may now eat your lunch. Be early later, you have class at exactly 1:00 pm. Ikaw na muna ang magturo sa mga bata ngayon at madami pa kong kailangang gawin." She muttered
"Noted po ma'am. Thank you po." I said and leave the place.
Kinikilig naman akong dumiretso sa canteen dahil sa papuri ni Mrs. Enriquez. Sayang nga lang at hindi ko kasama si Thalia dito dahil sa ibang school siya nag apply para sa OJT niya. Namimiss ko na nga ang kakulitan ng babaeng yon. Siya lang naman kasi ang nag iisa kong kaibigan kaya hindi lang ako masyadong sanay na hindi siya kasama.
BINABASA MO ANG
Crime Of Love (Crime Series #1)
General FictionChristine Hera Gomez became a mother at such a young age. She was just 22 years old when her best friend die and leave the custody of his child under her name. She was the only family left and since she is also living alone now, she decided to accep...