Chapter 27

495 5 1
                                    

🌻: Hi sunniess!! Thank you for supporting my story... Have fun reading~~~

***

Magalang kong inabot ang bayad sa taxi driver saka bumaba ng sasakyan. Matamlay akong naglakad papasok sa bahay ng marinig ko ang boses ni Lola Sonya at Bernard sa tapat ng bahay nila Lola.

Napalunok ako ng makitang hawak hawak ni Bernard si Ysabelle. Nagmamadali akong tumungo sa pwesto nila at walang pagaalinlangan kong kinuha si Ysabelle sa kamay ni Bernard.

"Anong ginagawa mo dito?! Umalis ka na Bernard!." Sigaw ko sakaniya.

"Hindi ako aalis dito hanggat hindi ko nakukuha ang anak ko Christine." Matapang na saad ni Bernard.

Malakas ko siyang tinulak ng tangkain niyang hawakan si Ysabelle ulit. Agad kong pinapasok si Ysabelle sa loob ng bahay nila Lola Sonya saka madilim na hinarap si Bernard.

"Umalis ka na!. Diba iniwan mo ang kaibigan ko. Kaya wala ka ng babalikan dito Bernard!. Umalis ka na!." pagtataboy ko.

He cried. He bit his lower lip hard and closed his fist hardly. "Wala na si Isabella. Ayokong pati ang anak namin ay mawala sakin. Anak ko siya Christine. Oo naging duwag ako noon pero nagbago na ko. Hayaan mo kong makasama ang anak ko please.." aniya.

I hissed. "Wow! Mabuti naman at alam mong gago ka na dahil sayo kaya namatay ang kaibigan ko. Alam mo Bernard, naging kaibigan din kita pero hindi ko akalain na magagawa mo to kay Isabella. Iniwan mo siya sa pamilya mo na walang ginawa kundi imaltrato lang siya. Ako ang nag-alaga sa kanila at ako na ang umako ng custody ni Ysabelle. Kaya umalis ka na dahil hindi ka namin kailangan dito!." sigaw ko.

He nodded weakly. Akala ko ay aalis na siya pero nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Hinawakan niya ang kamay ko saka patuloy na nagmamakaawa sa aking harapan.

"C-christine please.. h-hindi ko naman siya kukunin sayo e, g-gusto ko lang bumawi sa anak ko please.. hayaan mo naman akong itama ang lahat ng pagkakamali ko. N-nagsisisi na ko sa mga nagawa ko kay Isabella, hindi ko alam na ganito ang nangyari sakaniya. Please Christine.. m-maawa ka naman sakin. Please..." Hagulhol niya ng malakas.

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa aking mga mata saka nag-iwas ng tingin. Malakas ko siyang itinulak dahilan para mapaupo siya sa sahig, aalis na sana ako ng biglang nagtatakbong lumapit si Ysabelle kay Bernard.

"P-papa?! P-papa ko?." iyak na wika ni Ysabelle.

Agad akong lumapit sa kanila at hinatak si Ysabelle papalayo sa kaniyang ama. "Huwag kang lumapit sakaniya Ysabelle. Masama siyang tao!." sigaw ko sakaniya.

"Y-ysabelle anak!" Ani Bernard.

"Mama si papa ko po. Papa ko po siya Mama." pagpupumiglas ni Ysabelle.

Mahigpit kong hinawakan si Ysabelle sa braso saka inilayo siya kay Bernard. Napaiyak naman si Ysabelle ng higpitan ko ang pagkakahawak sa kaniyang kamay dahilan upang hawakan ni Bernard ang kamay ko.

"C-christine nasasaktan yung anak ko!.." ani Bernard.

"Hera.. dahan dahan lang nasasaktan yung bata." saad ni Lola Sonya.

Bahagya kong niluwagan ang pagkakahawak ko kay Ysabelle dahilan para tumakbo siya papalapit kay Bernard. Akmang kukunin ko ulit si Ysabelle ng hawakan ako ni Lola Sonya sa braso saka inilingan.

"P-papa! K-kayo po ang totoo kong papa?"  Iyak ni Ysabelle.

"Yes baby?. I'm your real father... Hey, hey don't cry princess.." ngiting saad ni Bernard habang pinupunasan ang luha ng anak ko.

"P-papa ko. H-hindi po ako galit sainyo papa.. kukunin niyo na po ba ako? Ayoko pong iwan si mama ko po papa." Sambit ni Ysabelle.

I cried. Nagpumiglas ako kay Lola Sonya saka hinawakan si Ysabelle sa kamay.

Crime Of Love (Crime Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon