Chapter 17

505 3 0
                                    

Hi everyone... Hope you had fun reading my story.. hihi! Thank you so much for voting mwah!🌻

***

I took a deep breath as I fixed myself in front of the office of the principal. Naexplain ko na kay Ysabelle ang pagpasok ko sa school nila at sobrang saya niya ng malaman niyang magtuturo na ko sa school nila. Naihatid ko na rin siya sa classroom nila at ngayon ay balak kong kausapin ang principal para masimulan ko na rin ang pag intern ko dito sa school.

I sighed for the last time before knocking on the door and enter the office quietly. Pagkapasok ko pa lang sa loob ay sumalubong na agad sakin ang principal na mukhang abala sa pag pipirma ng ibang mga dokumento.

Tumikhim ako dahilan upang umangat ang kaniyang tingin sa akin. "Good morning Miss. How may I help you?" The principal asked.

"M-magandang araw po Ma'am.. ahh.. Ako nga po pala si Christine Hera Gomez, Educ. Student po ako sa UST. Gusto ko po sanang mag tanong kung pwede po akong mag intern dito sa school po?. Heto lang kasi yung convenient na lugar at dito din po nag aaral yung anak ko kaya gusto ko po sanang dito mag turo. Promise po ma'am! Pag iigihan ko ang pagtuturo ko sa mga bata." I answered.

Tumingin naman ang principal sa files na naka kalat sa kaniyang lamesa at sinuri ng mabuti ang maaaring bakanteng student teacher sa klase.

"Okay, do you have the requirements Ms. Gomez?" tanong uli ng principal.

Madali ko namang inilabas ang requirements na dala ko saka ibinigay ito sa principal. The principal nodded and stared at me happily.

"Congrats Ms. Gomez! You're hired. Kaunti lang ang nag apply na intern dito sa school namin kaya masaya ako na dito mo napiling mag turo. You can start doing your OJT tomorrow. I'll assign you as the student teacher in English Department. Just look for Mrs. Enriquez. Siya na ang bahala sayo." She said.

Nakaramdam naman ako ng tuwa at buong puso ko siyang pinasalamatan bago umalis ng kaniyang office. Masaya akong nagtungo sa English Department at hinanap si Mrs. Enriquez sa loob. Mabuti na lang ay hindi pa siya pumapasok sa kaniyang klase kaya naabutan ko pa siya dito sa department.

I knocked nervously and went inside when a teacher near the door open it.

"Ano po yun ma'am?" Said by the teacher who open the door for me. 

I smiled shyly and talked. "Good morning ma'am. Kakausapin ko po sana si Mrs. Enriquez." saad ko.

Tumango naman siya saka itinuro sakin ang pwesto ni Mrs. Enriquez. Lumapit naman ako sa table ni Mrs. Enriquez at kinakabahang huminga ng malalim saka siya binati at kinausap.

"Hi po Mrs. Enriquez. I am Christine Hera Gomez and I was assigned to be a student teacher po under your care." Magalang kong wika.

Mrs. Enriquez looks intimidating. She has this scary aura that anyone could be afraid of. She look at me from head to toe and fixed her eyeglasses before staring at me straight in the eyes.

"When are you gonna start Ms. Gomez?" she asked.

I gulped hard. "T-tommorrow po Mrs. Enriquez." I answered nervously. .

She raised her eyebrows and nod slowly. "I want you to come early in the morning tomorrow. 7 A.M is the start of the class so be here before 7. I don't like interns who are late and not competent. Do you understand me Ms. Gomez?!."

"Yes po." Kinakabahan kong saad sakaniya.

Pagkatapos ng pag uusap namin ni Mrs. Enriquez ay parang lantang gulay akong lumabas ng department. Nakaka intimidate talaga si Mrs. Enriquez at halos makita ko ang simpatya ng ibang mga guro at student teachers katulad ko. Iwinaksi ko na lang sa aking isipan ang nangyari at pinatatag ang sarili saka tuluyang umalis ng school.

Crime Of Love (Crime Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon