Chapter 25

93 2 2
                                        

Klauds PoV

"Papunta na ba sila ?" Tanong ko sa isang coordinator
"On the road na po" sagot nung pandak na coordinator
"Noted"sabi naman nung maiksing buhok na babae sa tabi niya

"Make sure na hindi sila magkikita ng kapatid ko, pag nangyari yun sira ang plano."seryosong sabi ko
Sabay namang tumango ang dalawa

"Sige na, back to work... habang nasa spa kami ni Kaye"Utos ko
"Ano ate ? Tara, kasama ko na si Mama" Aya sa akin ni Kaye
"Tara," Aya ko

Sa spa....

"Anong tingin mo sa boyfriend ni Iyang ate ?" Tanong ni kaye sa akin

"Bakit?" Tanong ko
"De kasi, parang there's something fishy" Sagot nya
"Anong klaseng fishy? Lagi ko datong nakikita yan kasama si Maggie, pero dati diba tropa yan nina Greg?" Sagot ko
"Oo nga ate eh, pero parang awkward sila sa isat isa" Pansin ni Kaye
"Pero alam mo ate, mas bet ko si Greg kay Iyang, alam mo yung silang dalawa yung unlikely to be bestfriend pero look at them now, akala ko nga unti na lang popormahan na ni greg si Iyang,tapos biglang naging rocky-iyang na" Pagkukwento ni Kaye
"popormahan ni Greg si Iyang ko?"sabat ni Tita
"Ay mama gising pala kayo..."sabi ni Kaye
"Bet ni greg si Iyang ? Anyare?"Tanong ko
"ayun na nga, sobrang infatuated ni Iyang kay Rocky, di na nya napansin ang pagpapansin ni Greg sa kanya"Kwento ni Kaye
"May chismis daw dati kay Rocky eh narinig ko kay Maggie diba mag kakaschoolmates sila nung highschool..."pagsheshare ko naman
"Baka yun ang fishy, anong chismax ate ?"excited na tanong ni Kaye
"Ano ka ba ! Wag mo na nga intindihan yung mga lovelife ng mga bata...echusera ka din eh"Saway ko

Ayokong sabihin kay Kaye kung ano ang nalalaman ko dahil alam kong masstress lang siya, at hindi nya mapipigilan sarili nya na mainvolve sa kaguluhan ng mga bata. Alam ko ang lahat lahat. Isang dakilang echusera rin kaya ako. Hehehehehe

------------------------------------------------
Iyang's PoV
"Rica !"tawag ko kay Rica na naliligo pa rin
"Bakit?"ahon nya
"puntahan na natin sina Mama, hirap na ako makipag plastikan dito." Sabay lingon ko sa likod ko kung nasan nakatambay at kumakain ang mga bruha
"sabi ko kasi sayo samahan mo ako maligo" sabi ni Rica
"te yung wedding, ayokong maging ulikba at ayokong masira ng chlorine itong hairlaloo ko"sabi ko
"Sorry na, ikaw na chix, Tara... san ba sila?" Tanong nya habang nagtatapis
"nasa spa daw yun ang sabi nya sa text"sabi ko habang nag sscroll ng text ni Rocky
"Ay nga pala te, kanina pa tawag ng tawag si Jon sayo" sabay abot ko ng phone nya
"Hayaan mo siya, papamiss muna ako, char akin na!" Sagot nya sabay hablot ng phone nya
"landi..."sabi ko

From: Baby

Diana, may sasabihin ako sayo importante kapag nagkita na tayo okay.

--

From: Baby

Diana, Ngayon palang nagsosorry na ako sayo, patawarin mo ako, napakabait mo para gawin ko to sayo. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at pinasok ko tong kabaliwan na ito, at ang kabaliwan na yon ay hindi itong napakandang relasyon natin, patawarin mo talaga ako.

--

From: Baby

Baby, papunta kami ngayon kung saan man, hindi sinasabi kung san kami pupunta eh surprise daw, tawag ako mamaya.
--

"Beh"pansin sa akin ni Rica, nahalata nya siguro ang pag iba ng mukha ko
"Ay wala to saglit lang tawagan ko si Rocky" natataranta kong sagot

Ano tong sinasabi ni Rocky? At talagang by firstname na nya akong tawagin, anong nangyayare? Bakit ganto ang kaba ko, I mean nakakaba naman talaga kung mabasa mo yung mga message na ganun pero bakit si Greg at yung mga sinasabi ni Maggie at seatmate ang nasa utak ko. Kailangan kong makausap agad agad si Rocky, ano ba tong sinasabi nya.

"Beh, andito na tayo sa spa, andun na pala sila tita oh" turo ni Rica sa coffeeshop sa tabi ng spa
" saglit lang bes, kinokontak ko si Rocky eh hindi sumasagot , patay ang phone" Sagot ko

Nakailang dial na ako ah... Rocky ano ba ?!

"Huy kalma naman sa pag pindot jan, baka mabasag yan" sabat ni Maggie na nakangisi

"Manahimik ka jan ah, wala akong panahon sa mga ganyan mo!"pasinghal kong sabi
"Aba aba ! Kayo na nga tong nangiwan sa amin ganyan pa iiaasal nyo !" Sabat naman ni Fheiy

"AT BAKIT?! KAILANGAN BA MAGPAALAM MUNA KAMI SAINYO ? ANO KAYO BOSS NAMIN? EH ANG KAPAL NAMAN PALA NG MGA MUKHA NYO EH ! SIGURO NAABSORB NA NG MUKHA MO YANG MAKAPAL NA FOUNDATION SA MUKHA MO!" Pasigaw ko ng sagot

"Diana" Tawag sa akin ni Rica
" Anong nangyayari dito?" Tanong ni Ate Kaye
"Etong si Diana kasi, ang init ng ulo" sumbong ni Gigi
" SINO NAMANG HINDI IINIT SA MGA PAGMUMUKHA AT UGALI NG MGA TO?! ATE KAYE BAKIT NGA BA SILA ANDITO? NI HINDI NGA NILA ALAM KUNG SINO ANG IKAKASAL, AT TSAKA ATE , KILALA MO BA TONG MGA BRUHANG ITO ?! KUNG MAKAASTA AKALA MO KUNG SINO!" Tuloy tuloy kong pagwawala
"Iyang...tama na yan"saway sa akin ni Mama
" Bakit Ma ? TAMA NAMAN AKO DIBA ? DI HAMAK NA MGA PARTY CRASHERS LANG ANG MGA ITO! " Pasigaw kong sabi kay Mama
"Iyang.,." pigil sa akin ni Ate kaye

At dun ko narealize na nakatingin na ang lahat ng mga tao sa paligid, at nasigawan ko na pala ang mahal kong ina. Sa sobrang hiya ko napatakbo na lang ako sa isang madilim na parte ng resort.

Nakita kong pinigilan ni Mama si Rica sa pagsunod sa akin.

Shit ano ba itong nangyayari sa akin? Ano ba to? At hindi ko na napigilan ang sarili kong humagulgol.

-----------------------------------------

Ate Kaye's PoV

"Rica anong nangyare?"Tanong ko kay Ricang nanginginig halatang apektado sa nangyare"
"Girls, bumalik muna kayo sa mga kwarto nyo"utos naman ni Ate Klaud sa tropa ni Maggie
"Ewan ko eh, maayos naman sya kanina pero nagbago yung aura nya nung nagbabasa sya ng mga text tapos biglang sabi niya sa akin, tatawagan nya daw si Rocky, at mukhang hindi sinasagot ni Rocky , nakapatay daw ang phone tapos biglang dumating sina maggie tapos ayun na" nauutal at natatarantang kwento ni Rica
"Dahil kay Rocky?"tanong ni Mama
"Sabi ko na nga ba eh there is really something fishy jan sa rocky na yan"sabi ko
" hayaan muna natin si Diana na magisa, mukhang kailangan nya yun" sabi ni Ate Klaud
tumango naman kami ni Rica
"Hindi, susundan ko ang Iyang ko"sagot ni Mama
"Sige po Mama" sabi ko

Napansin ko na parang may malalim na iniisip si ate Klaud, may alam ba sya sa mga nangyayare? Parehas sila ng mukha ni Maggie ng magwala si Iyang eh.

-----------------
Rocky's PoV

"San daw tayo pupunta pre?"Tanong ko kay Jon
"Sa isang resort, hindi sinasabi kung san eh" tipid na sagot ni Jon
"Ah okay"tipid ko ding sagot

Simula nung maging kami ni Diana ganto na turing sa akin ni Jon, huling naging ganto sya sa akin ay nung highschool pa kami, sign na talaga to, pero hindi pa ako ganun kahanda... pero kagabi, napagdesisyunan ko ng sabihin kay Diana ang lahat lahat, napakabuti nilang dalawa ni Greg para gawin to sa kanila, ang hirap lang kasi...

Mahal ko na si Diana...

At Mahal ko pa rin si Greg...

Pano na to...

The Top Spot ( TAGALOG )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon