Chapter 37

106 4 2
                                    

Greg's PoV

Aaminin ko medyo napaluha ako sa speech ni Diana, hindi ko maiwasang maisip lahat ng pinagdaanan nya. Napakatatag nya talagang Babae, iba sya sa lahat. Isang malaking pagkakamali talaga ang ginawa ni Rocky sa kanya, at hanggang ngayon iniisip ko pa din na gantihan si Rocky pero para san pa? Nangyare na ang lahat. Nasaktan na si Diana, at kung naging mabuting kaibigan lang ako edi sana naprotektahan ko si Diana, pero savi ko nga sa kanya nangyare na nga ang lahat, ang tangi ko lang maggagawa ko ngayon ay ang maging isang kaibigan na susuporta kay Diana ngayon sa kanyan tabi. Hindi ko muna iisipin ang nararamdaman ko para sa kanya, bilang isang lalaki kailangan kong respetuhin siya at ang oras nya. Isasantabi ko muna ang pagmamahal ko para sa kanya, sabi nga ni Kuya Nior sa akin, nang ipinagtapat ko sa kanya ang nararamdaman ko kay Diana, "pwede mo pa rin naman ipadama ang pagmamahal mo sa kanya, sa paraan ng pagiging kaibigan muna ngayon, tutal hindi ka naman mahihirapan eh, ginagawa mo naman yan eh simula nung magkakilala kayo diba?" Sabi ni Kuya Nior. Tama sya, wala ng hirap to, pero kasi ngayon inamin ko na talaga sa sarili ko na mahal ko na talaga sya kaya alam kong mahihirapan akong itago ito mula sa kanya dahil alam ni Diana kung paano ako magmahal, at ang kinakatakot ko ay pag nalaman nya...

"Huy!" Tapik sa akin ni Diana
"O?!" Gulat kong lingon sa kanya
"Ang lalim naman nyan." Nakangiti nyang sabi
"Cheers?" Pagbigay ko sa kanya ng baso ng champagne
"Pass. Byahe p ako mamaya" Pagtanggi nya

"Wow! Seryoso?" Tanong ko
"May byahe pa nga ako mamaya, tsaka hindi na ako nainom," sagot nya
"Totoo?" Tanong ko uli

"Alam mo kanina ka pa, lakas mo mantitig at para bang gulat na gulat ka sa lahat ?" medyo naiinis nyang tanong

"Ah...eh... sino ba namang hindi magugulat anlaki na ng pinagbago mo." sagot ko

"Sino ba namang hindi magbabago sa lahat ng nangyari? kahit ayoko magbago, wala eh may mga bagay talagang nakakapagpabago ng lahat ng ganun ganun lang kasi kailangan, kasi dapat."Sagot nya sabay tingin sa akin ng makahulugan.

"Ang tao hindi nagbabago...people don't change, but if they're dying they do. Iyang, hindi ka naman mamamatay diba?"tanong ko

"HAHAHAHA ! Hindi no!" sagot nya

"ikaw ang may sabi nyan sa akin dati eh."sagot ko

"Well, siguro nga hindi ako nagbago, baka eto talaga ako, eto yung totoong ako, maybe I got tired of having this sweet innocent personality because hindi naman talaga yung ako. Gets mo ako bro?"sabi nya sabay tapik sa akin.

"siguro nga may mga bagay na hindi nagbabago, dahil yun ang totoo."paghawak ko sa kamay nya

"hindi rin." pagbawi nya sa kamay nya tumayo sya at ako'y tinalikuran lumapit sya sa lamesa ng bride at groom.

Bumulong sya sa dalawa at tinawag ang wedding singer at ang DJ. Eto na ba ang tamang panahon para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko?

Flashback...

"Sure ka kuya... sa tingin mo eto na yun?" tanong ko kay kuya Nior

"Ano pa bang hinihintay natin? ano ba greg... eto na yun! kapag pinalagpas pa natin eto baka hindi mo na masabi sa kanya ang nararamdaman mo. Masyado ng nasaktan ang kapatid ko, at dahil dun sa sakit na nararamdaman nya ibang lungkot ang nararamdaman nun ngayon, at sa tingin ko ay ikaw...ikaw lang ang magpapasaya sa kanya.Bilang kapatid nya, gusto kong sumaya ang kapatid ko dahil she deserve it, you guys deserve it !" pagkukumbinsi sa akin ni Kuya

The Top Spot ( TAGALOG )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon