Chapter Twelve
Ian's POV
"Maam, nagtext sayo si Rica ?" tanong ko kay Katrina
Kahit na alam ng buong school na magkarelasyon kami bibihira naming gamitin ang endearment namin sa school, Maam ang tawag ko sa kanya, sya madalas Bakla, ganun lang ang set-up kaya hindi din awkward sa mga estudyante ang lagay namin.
"Ay Oo, bakla ! Mukhang may problema ang bata..." sagot sa akin ni Katrina na wiling wili sa paglalaro ng tablet.
"Ge ! Pupuntahan ko muna ang babaita, Anong oras ka ba uuwi ? Sa labas ba tayo mag ddinner o magluluto na lang ako sa bahay ?" Tanong ko habang nag-aapply ng foundation, ang oily na ng aking fes.
"Luto ka na lang.." Sagot niya
"Osya mauna na ako ! Kiss ko." sabay lapit sa kanya at.ngumuso.
"mwah !" sabay ngiti sa akin
"Ingat ka bakla ! Chikahan mo ako mamaya ah !" Pasigaw nya iyong sinabi dahil nasa labas na ako ng HQ
*dialing*
*calling...RICA*
*ring*
*ring*
"Ano yun day?" Tanong ko
<"sir ! Nakakainis si Iyang!"> umiiyak na sumbong ni Rica
"Asan ka ?" nagaalala kong tanong
Parang fairy god mother na kasi ako ng mga batang to ! Highschool pa lang kami, parang ate na ang role ko sa kanila, akala ko matitigil na ang pag atungal nila sa akin nang grumaduate kami ni Kristina ng highschool... After 2 years, sundan ba kami.dito sa University ?
Haaay...
<"Asa bahay.."> pahikbi pa rin nyang sagot
"ge puntahan kita jan." Sagot ko
Sumakay na ako.ng kotse at dumeretso na sa baler ni Rica. Namatayan ba ng aso ang bruha ?
Hindi naman kalayuan ang village nina Rica, Greg, Jon at Diana sa school kaya agad na akong nakarating kina Rica.
Madalas kaming makikain kina Ka Norma ang nanay ni Diana, ansarap kasi magluto.
"Rica.." tawag ko
Lumabas naman ang katulong nito.
Pinapasok ako, naabutan ko na nakasalampak sa sopa ang bruha.
"Sino nakipagbreak ?" biro kong tanong
"SIYA !" pasigaw nyang sabi sabay hagulgol
May syota si Rica ?!
"Brinake ka ni Jon ?!" hula kong tanong, eh pero mukhang maayos naman ang awra ni Jon kanina sa school ah.
"Gaga ! Ni Iyang ! FO NA DAW KAMI !" Hagulgol uli ang bruha
"FO ? FRIENDSHIP OVER NA KAGAAAAD?!" gulat kong tanong
"PANO NANGYARI?" pahabol komg tanong.
"Kaninang umaga kasi, sinabihan ako ni Greg kung pwede samahan ko daw si Iyang, mukhang nabobored na eh... Bawal pa kasi sya mag ggalaw galaw nanghihina pa sya, eh aalis si Ka Norma kaninang umaga para bumili ng baking supplies kaya ako daw muna ang mag bantay..." hikbing kwento ni Rica
"O tapos.." sabi ko habang pinupunasan ang kanyang mga luha
"nagulat ako pag ka pasok ko sa kwarto niya eh nagbibihis na ! Kaya tinanong ko sya kung san sya pupunta ! Magkikita daw sila ni Rocky !" Nanlalaki nyang matang kwento
BINABASA MO ANG
The Top Spot ( TAGALOG )
RomanceThis isn't about boy meets girl. This is not your classic romantic love story, this is about how a girl get into the Top Spot, with her twisted life events and twisted love affairs. Ofcourse, there will be a boy, that will add up and give more spic...