Twenty Two
"Pano nya nalaman na ngayon ang bridal shower ?" bulyaw ni Ate Klaud sa telepono
"Akala ko ba ang alam nya eh kahapon ? Kahapon nya ako tinawagan eh ! Pinaalala sa akin ni Tina kanina nung papunta kami dito sa Venue ! Sinabi mo ba ?" Bulyaw uli ni Ate Klaud sa kausap nya sa phone.
"Ay nalintikan na ! Akala ko makakatakas na ako eh, natuwa na ako nang sinabi ni Tina sa akin yung pagtawag ni Mags sa kanya kahapon. Osya osya ! Pag novena mo na lang ako, ay nandyan ka pala sa bachelor ni Bayaw ! Hahaha osya ! Babay na ! Love you Hon ! Mwuah ! Behave !" Pagtatapos ni Ate Klaud sa tawag.
" O, Diana andito ka pala, bakit ? May kailangan ka ?" Tanong sa akin ni Ate Klaud.
"Ah, wala na po, itatanong ko lang po kasi kung alam nyo pong andito sina Mags at yung mga kaibigan nya..." mahina kong sabi
" mga kaibigan nya ? Bakit di mo ba friends yun ?" Tanong nya
" Ah, hindi eh' sila may gawa nito..." sabay turo sa pusaw na peklat sa mukha ko
"Ayy yun ba yung mga bruha ! Yun nga ang inaalala ko eh ! Haay hawak kamay na lang tayong magdasal na sana hindi nila magulo itong napakagandang send off party ! Nga pala ! Anjan na pala si Mother mo ! Puntahan na natin !" Aya nya sa akin
Friday kasi dapat ng gabi ang sendoff party, sa kadahilanan na merong appointment ang couple sa kung sino man nung friday naimove ng sabado ng gabi, bale, sa monday na ng gabi kami makakauwi ng manila. Buti na lang wala akong klase tuwing monday I mean may klase ako pero kay Maam Gonzaga yun, at school paper works lang ang paggawa nun sa akin tuwing monday, eh kasama naman namin sya dito sa bridal shower ni Ate Kaye walang problema, si Rica lang ang nangailangan ng katakot takot na excuse letter puro major kasi ang subject nya tuwing monday.
"Ang akala ni Mags kahapon yung bridal shower eh," bulong ni Ate Klaud
"Hay... Hayaan na nga yan !" pagpapatuloy nya mukhang stress na stress sya sa presensya ni Maggie sa party na plinano nya, mas lalo tuloy akong nabother.
"Oh ? Anung meron ?" Tanong ni Mama na nakatingin sa itsura naming dalawa ni Ate Klaud
"Ah wala ! Ang lakas lang ng music.." Pagdadahilan ko
Tumango tango naman si Ate Klaud.
"Sasama ka na ba Ma ?" Paupo kong tanong sa tabi ni Mama
"Ay nako Iyang ! Mahihindian ko ba ang bride ?! Ayoko mang iwan ang bahay, at ang talipapa natin, pero si Ate Kaye mo iyan eh ! Mahirap na magtampo ang ikakasal !" Sagot ni Mama
"Sino maiiwan sa Talipapa ... Mamaya magkaproblema tayo nyan sa kita nun ah !" Pagpapaalala ko
"Aysus ! 2 araw lang naman tayo mawawala...Andun si Poying at Merla sila na bahala dun, malaki utang na loob ni Merla sa amin ng Papa mo, kaya malabong gagawa yun ng kung ano man ! Tsaka takot ang mga tao dun dating adik yun diba ?!" pagpapaalala sa akin ni Mama
"Ay Oo nga ! Si Ate Merla ata magpapabayad kay Tisay sa rentang panghabangbuhay na hindi na nabayaran hahaha ! " tumatawa kong sagot
" O kain na kayo ! Anong meron jan sa babaeng yan ? Parang di mapakali ?" Turo ni Mama kay Rica na palingalinga
"Bruha ! Tigilan mo nga yan... Napapansin ka na ni Mama eh !" Bulong ko kay Rica
"Tinitingnan ko lang ang paligid, kisame, bintana at kung ano ano pa, baka may makita akong kakaiba'..." Sagot sa akin ni Rica na nakatingin sa kisame.
"Malinis bruha ! Di yan gagawa ng mga napanood na natin sa TV, mauutak yang mga loka loka na iyan ! Pakiramdaman na.lang natin pero hindi obvious hirap na... Maghinala etong mga kasama natin eh..." Bulong ko sa kanya

BINABASA MO ANG
The Top Spot ( TAGALOG )
RomanceThis isn't about boy meets girl. This is not your classic romantic love story, this is about how a girl get into the Top Spot, with her twisted life events and twisted love affairs. Ofcourse, there will be a boy, that will add up and give more spic...