Iyang's PoV
"Diana ! Eto nga pala si Kevin...lil brother ko" pagpapakilala sa akin ni Ate Kaye sa kapatid nya
Kinamayan ko naman ito pero hindi ako nakangiti. Halatang nailang ang binatilyo sa ginawa ko, sinenyasan na lang ni Ate Kaye si Kevin.
"Tinakot mo naman yung bata" bulong sa akin ni Rica
"Sa ganda kong to" walang gana kong sinabe
"Alam mo kanina pa ako natatakot sayo, jan ka na nga !" Pagdadabog palayo ni Rica pero agad agad din tong lumapit uli at niyakap ako
"Labyubes !" Lambing nya
"K" sagot koPumasok muna ako sa loob, titingnan ko kung tapos na bang maghiwa ng sibuyas si Greg kanina pa yun dun eh.
"*sniff**sniff* huhuhuhu...." Pagluha ni Greg
"Yung sipon mo baka maging marinade ng mga sibuyas." Kumuha ako ng kitchen tissue at sinalampak sa ilong nyang maga na.
"Dahan dahan naman !" Reklamo nya
"Okay na to, yung mga sili naman." Utos ko
"Teka lang ha ! Mukhang inaalila mo na ako dito ah ! Bakit si Jon at Rica di mo tinatawag para tumulong dito?" Reklamo nya habang pasinghot singot at punas sa kanyang magang ata, gusto kong matawa sa nakikita ko pero wala akong nadadamang pagtawa."Pinaalis mo diba?" Tipid kong sagot sabay kuha ng kutsilyo at sangkalan
Magsisimula na dapat akong maghiwa ng sili ng hawakan nya kamay ko.
"Sige na, ako na dito." Bulong nya"Boyfriend mo?"tanong ng isang estrangherong bigla na lang pumasok sa kusina
"Sino ka?" Tanong ni Greg
Nang makita ko kung sino ang may ari ng boses agad kong sinabe
"Kevin, bunsong kapatid ni Ate Kaye" blanko kong sabi
"Anong niluluto niyo ate ?" Tanong nya
"Ate?"paguulit ni Greg
"Disisyete pa lang sya." Sagot ko
"Ahh.."patango tangong sabi ni Greg
"Bakit? Magseselos ka na dapat ano?" Kantyaw ni Kevin
"Anong sabi mo?" Malakas na sabi ni Greg sabay tarak ng kutsilyo sa sangkalan
"Yung sangkalan." Blanko kong sabi
"Pasensya. Pagsabihan mo nga yang batang yan di marunong makipagusap sa mga matatanda." Sagot ni Greg
Tiningnan ko lang si Kevin at agad naman itong humingi ng dispensa."Gaano na kayo katagal?" Tanong nya
"Matagal na." Sagot ko
Napatingin naman sa akin si Greg pero tuloy tuloy lang ako sa paghihiwa ng tenga ng baboy.
"Aaah, kilala nyo na siguro ang isa't isa ano?" Tanong ni Kevin uli
"Oo naman." Si Greg naman ang sumagot
"Kumain ka na ba?" Tanong ko kay Kevin
Tumango ito
"Mag girlfriend boyfriend ba yung dalawang makulit sa labas?"Tanong nya
"Bored ka na ba?" Tanong ko
"Halata ba?" Pangiti ngiti nyang sagot
"Ikaw ba yung nasa Cebu?" Tanong ni Greg
"Opo, lumuwas na po ako para mag college." Sagot nya
"Anong kurso mo?"Tanong ni Greg
"Hindi ko pa alam." Sagot nya
"Pagisipan mong mabuti" Sabi ko habang binubuksan ang kalan
"Magsisimula ka ng magluto?" Tanong ni Greg
"Hindi" sarkastiko kong sagot habang hawak ang malaking sandok
"Sabi ko nga" bulong nya"Ang cute nyo tingnan, ate at kuya. Di kayo katulad nina Ate Kaye at Kuya Nior pati kina Ate Klaud at Marvin." Pagpansin ni Kevin
"Sobrang clingy nina Ate Kaye, parang aso't pusa naman sina Ate Klaud, kayo sakto lang Tama lang , kailan kayo naging 'kayo' ?" Tanong nya
Napatingin naman si Greg sa akin, tiningnan ko din sya.
"Kami? Walang kami." Nakayukong sabi ni Greg habang pinagpapatuloy ang paghihiwa ng sili.
"Akala ko matagal na?" Tanong ni Kevin habang ngumunguya ng karne ng baboy.
"Magkaibigan." Sagot ko
"Aww. Friendzone ka pala kuya?" Kantyaw ni Kevin kay Greg Tingnan naman ito ng seryoso ni Greg
"Paki abot nyan, mukhang mauubos mo pa." Utos ko kay Kevin
"Eto yung tokwa" paglalapit sa akin ni Greg ng isang mangkok na tokwa.
"Anghangan ko ng todo?" Tanong ko
Tumango lang ito.
"Awkward." Sabat ni Kevin
"Ikaw ba?" Tanong ko
"Anong ako Ate?" Sagot nya
"May syota ka na?" Tanong ko
"Wala pa, nagkaroon pero, ayoko muna...marami pa akong isipin sa susunod na lang yang lovelife." Sagot nyaNilapitan ko sya sobrang lapit na napaatras sya.
"Yung totoo." Habang nakatutuko sa kanya ang sandok ko
Nakangiti namang nanunood si Greg.
"Oo na po ! Yun na nga po, meron po pero may problema lang" sagot nya
"Ok." Sagot ko sabay balik ko sa niluluto ko
BINABASA MO ANG
The Top Spot ( TAGALOG )
RomanceThis isn't about boy meets girl. This is not your classic romantic love story, this is about how a girl get into the Top Spot, with her twisted life events and twisted love affairs. Ofcourse, there will be a boy, that will add up and give more spic...