Chapter 35

78 1 0
                                        

Airport...

Greg's PoV

Pinadala ako ni Kuya Nior para sunduin si Diana , kahit na sinabi nitong wag na magpadala ng kung sino man, pero naisipan namin ni Kuya na kailangan pa rin na may magsundo sa kanya dahil last minute ay binago ang venue, at nakalimutang ibigay ni Mama Norma yung map kay Diana kaninang umaga pagpunta nito sa apartment nito.

Ilang minutes lang lalapag na ang eroplano kaya nag abang na ako sa mismong harapan ng airport, napansin ko naman ang itim na hammer sa may gilid na nakapark, ang gara naman nito, naisip ko.

Maya maya pa'y naglabasan na ang mga pasahero na bagong baba pala ng plane, malayo pa lang napansin ko na ang babaeng bihis na bihis, pinagtitinginan ito ng mga tao, may kumukuha pa nga ng litrato nito, inaakala sigurong artista pero alam ko kung sino ang babaeng yun sa lakad palang kilalang kilala ko na.

"Diana..." Lapit ko
Napatingin naman ang mga tao ng makita nila akong papalapit, napatigil naman si Diana sa paglalakad at hinubad ang oversized glasses nya
"Greg? Bakit ka andito? Nagsabi na ako kay Kuya na..." Sunod sunod nyang sabi
Napangiti naman ako ng tuluyan ko ng makita ang buong itsura nya ngayon, lalo syang gumanda, bumaba na ang kulay ng buhok nya, napansin ko din na parang iba na ang dating nya, nakikita ko sya sa school, pero lagi naman syang nakayuko o kaya naman natakbo, o kaya tulog sa klase kaya hindi ko sya nakakausap.
"Tara na, sa daan ko na sasagutin ang lahat ng yan!" Nakangiti kong hawak sa kamay nya sabay kuha ng medium sized bag na hawak nya.

"Ay ang gwapo din ng boyfriend nya..." Bulong ng isang babae na nakapalibot sa amin
"Artista yan eh, napanood ko na yan sa ano.." Sabi naman nung isa
"Hindi, model yan! Pati yung lalaki, nakita ko na yan sa isang magazine" sabi nung isang teenager
"Eh bakit nakaislander na tsinelas?" Tanong ng isang matandang na sa may likuran nung dalawang naguusap na babae

Napatingin naman ako sa paa ni Diana at napaimpit ng tawa, kinurot naman nya ako sa tagiliran.

Nagulat ako ng lumapit ang isang naka polong lalaki kay Diana, muntikan ko na ngang bakuran dahil parang ang hangin ng dating nung lalaki.

"Diana ! Sakto lang pala talaga, i was just here few minutes ago, so here's the key !" Medyo maarte pero malalim na sabi nung lalaki
"Joe, thank you ha! Hiramin ko muna yung baby mo, kasama mo naman kasi si Babe Mike mamaya diba? So hindi mo naman mamimiss itong hammer mo!" Nakangiting sabi ni Diana

Shit. Bading pala ang loko, haay, muntik na akong magselos dun ah.

Pagkatapos nilang mag tawanan at magyakapan sabay beso eh nagpaalam na sila sa isa't isa. Pinakilala din naman ako ni Diana, sabay tingin ng malagkit nung lalaki sabay sabi " so ikaw yung Greg...no wonder..." Tinapik ni Diana si Joe kaya hindi na nito naituloy ang sasabihin pa nito.

Ang akala ko ako ang ipapadrive ni Diana pero, dumeretso sya sa driver seat, nilabas nya muna ang kanyang heels at sinuot sabay upo sa driver seat, binusinahan pa nya ako, dahil para akong tuod na natulala sa nakita ko.
"Akala mo ikaw mag dadrive ?"nakangiti nyang sabi
"Hammer kaya to ! Haha " patawa tawa nyang sabi
Patango tango na lang ako sumagot
Binato naman nya ako ng neck pillow nya.

"So, bakit nga pinadala ka pa ni Kuya, alam ko naman papunta dun." Sabi niya habang nagmamaniobra ng sasakyan papuntang highway.

"Nagiba ng venue, hindi sa iyo naibigay ni Mama Norma yung map papunta sa bagong place." Sagot ko habang inaayos ang nagulo kong bow tie

"We look like gay couple" sabi niya
"Hindi ka pa nagpapagupit?" Tanong niya

Medyo mahaba na din kasi ang buhok ko pero sa top lang, nakashave ang ilalim na part, ginawa kasi akong model ng pinsan ko para sa competition nila sa hairstyling.

The Top Spot ( TAGALOG )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon