Chapter Seven
Washday.
Buti na lang mamaya pang hapon klase ko. Kaya ayos lang magbagal.
Grabe, hindi talaga nagpaparamdam si Greg ah. Haay... Pero goodvibes ang lola nyo ngayon ! Eh kasi naman yung nangyare kahapom dibaaa ?!!! Kilig kilig to the max ! :""">
*ring*
*ring*
"uhm hello?" sagot ko ng tawag
<"Be! Punta ka ng school !"> Sabi ni Rica na halatang halatang may something na nangyayare
" Bakit anong meron ?" kalmado kong tanong
<"basta! Hirap sabihin sa phone ! Pumasok ka na lang! ge bye."> at binababa na nya yung tawag
Pagtingin ko ng orasan. 9:00 am
Oh ang aga pa ah. Ano kayang nangyare.
Tamang tama kakaligo ko lang. Magbihis na nga aketch !
Washday ngayon kaya, naka pang civilian kami, isang malaking fashion show nanaman ang peg ng school ngayon haay, well papahuli ba ako ?!
Pagkatapos ng ilang outfits na trinay ko, I end up sa simpleng white tshirt na medjo maluwag sa akin with matching floral blazers yung pang vintage actually ke Mama to eh at leggings , at yung sapatos na pang ROTC ni kuya dati. Ang astig ng design nung sapatos eh, nanapak ! Pak Na Pak !
Matapos kong mag make up at kulutin ang dulo ng hairlaloo ko, bumaba na ako sa baba para kumain ng almusal.
" Grabe ! Nakagat ba yang labi mo ng mga hantik ?" biro ni kuya
" minsan lang mag red lipstick !" sagot ko naman
" Aga mo naman ngayon Iyang, papasok ka na ?" tanong ni Mama
"Ah Opo ma, pinapasok ako ni Rica eh...speaking of that bruha...uh hello ?!" sagot ko sa phone ko
<"san ka na ? On the way ka na ba ?!">
"kumakain pa ako eh !" sagot ko naman
<"ay leche, wag ka na kumain ! Rekta ka na dito ! May baon ako yun na lang kainin mo ! Dali ! Ge Bye!">
At binabaan nanaman ako.
" Ge Ma , kya ! Una na po ako! Di makapaghintay si Rica eh ! Baboo!" Paalam ko
Hindi ko na rinig ang sinabi ni kuya dahil nasa labas na ako ng bahay at nagsisigaw dun sa trike na dumaan.
" Special na kuya, pwede po ba diretso na natin sa university ito?" tanong ko kay Manong
" Sige maam ! Padagdag na lang po" Sagot nya
" Okay po."
Tinext ko naman kagad si Rica na On the Way na ako.
Ang reply naman sa akin ng bruha ay, siguraduhin ko lang daw, baka naliligo pa lang ako. Hahaha baliw talaga to itulad ba ako sa kanya !
Pagkatapos ng mga ilang humps, nakarating na din kami ni manong sa school.
Bingyan ko si kuya ng 50, doble dahil ang special ay 25, dinoble ko na dahil doble din naman ang layo eh.
Nakangiti namang tinanggap yon ni Manong
Patakbo akong pumasok sa school.
" Neng ! Yung pisngi mo.dumudugo.." pansin nung guard.
Agad ko namang hinawakan yung pisnge ko.
BINABASA MO ANG
The Top Spot ( TAGALOG )
RomantizmThis isn't about boy meets girl. This is not your classic romantic love story, this is about how a girl get into the Top Spot, with her twisted life events and twisted love affairs. Ofcourse, there will be a boy, that will add up and give more spic...