Chapter 29

74 3 2
                                    


Rica's PoV

"Sina Rocky !!!" Hiyaw ni Maggie

Halatang Patang pata ang katawan ni Rocky, kahit basang basa sa ulan halata pa rin itong humahagulgol at umiiyak, kasunod niya si Red, na para bang sinakluban ng langit at lupa

"Rocky ?! Anong nangyare ?!"Tanong ni Maggie
"Si Diana asan ? Asan si Diana ? Kailangan kong magsorry..."sagot ni Rocky na umiiyak pa rin

"Bes ! Si Rocky ba ang may gawa nito sayo ?!" Tanong ko sa nakatulala kong kaibigan

At bigla nalang itong napatingin sa akin at humagulgol
Anak ng Lintek ! Sya nga !
Patakbo sa akong aambahan ng suntok si Rocky ng bigla na lang itong bumagsak sa harapan ko

Sinapak na pala ni Greg ang loko !
"Nangako kang hayop ka !"Sigaw ni Greg
Halata na sa katawan ni Greg ang pagod, pero agad uli nitong sinundan ng suntok si Rocky kaya ito ay napatumba uli

"TAMA NA !"Sigaw ni Maggie, sa labas na kasi tumilapon ang katawan ni Rocky, sabog na rin ang nguso nito inawat na ng mga katrabaho ni Kuya Nior si Greg

Nakatayo lang naman si Red sa labas nakayuko... Nanginginig ako sa galit, hindi ko kayang makita ang kaibigan ko na ganto kaya agad agad ko syang tinanong inalis ang kanyang dalawang palad sa kanyang mukha...

"Sabihin mong wakang kinalaman si Red dito ?! Iyang...sabihin mong wala.." Naiiyak kong sabi

Dahan dahan itong tumango at humagulgol uli
P&@%@%%na !

Dali dali na akong naglakad palabas papunta kay Red

"Rica!"Pigil sa akin ni Jon
Pumiglas naman ako at sinampal ng napakalakas si Red, napasubsob ito sa lupa

"Malandi ka ! Akala ko nagbago ka na ! Wala kang utang na loob !" Sigaw ko

Pigil na pigil naman sa akin si Jon
"Sorry, rica... Di ko sinasadya...ayoko syang masaktan !" Paghihingi ng tawad sa akin ni Red

Naghiyawan uli ang mga tao ng, sinapak uli si Rocky pero si Kuya Nior naman ngayon ang gumawa, wala ng nagtangkang awatin si Kuya

"ANONG GINAWA MO SA KAPATID KO HA ?!!!" singhal ni Kuya Nior, basang basa na kami sa ulan, habang nakatulalang lumuluha si Iyang, animoy nanood sa nangyayaring pag bubugbog kay Rocky

Sunod sunod na suntok ang inabot ni Rocky kay Kuya Nior lumabas na si Ate Kaye at nagpaulan para awatin si Kuya Nior

"Tama na ! Nior !!" Awat ni Ate

"Tama na..." Iyak ni Red
Sinuntok naman ito ni Jon
Nagulat ako sa ginawa niya, tinitigan naman ako nito

Duguan na ang mukha ni Rocky nang tuluyan ng maawat ni Ate Kaye at Mama ni Diana si Kuya Nior

Agad namang nilapitan ni Red ang katawan ni Rocky, pati na ang mga bruha lumapit na din, nagulat ang lahat nang tumayo si Iyang at lumapit sa duguan na si Rocky

Ang tanga talaga naman !

Parang wala sa sarili itong lumapit at aakmang pupunasan ng tuwalya ang duguang mukha ni Rocky bago pa naman nya maggawa hinili na sya ni Greg at binuhat papasok sa Hotel.

"Tara na mahal..."bulong sa akin ni Jon
"Kailangan na kailangan tayo ni Diana" sunod nyang sabi
Tumango na lang ako

May mga tuwalyang umakap sa amin ng kami ay makapasok na sa hotel, agad namang dineretso sa clinic ng hotek sina Red at Rocky
Duguan namang hawak hawak ni ate kaye ang sugat sugat na kamao ni Kuya Nior

The Top Spot ( TAGALOG )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon