Chapter 27

136 2 1
                                    

Diana's PoV

Naghihiyawan na kagad sila ? Bulomg ko sa sarili ko habang naglalakad papalapit sa venue.
Natanaw ko si Ate Kaye at Kuya Nior na magkatabi sa entablado na nakapiring.

Eto pala yung plano... bulong ko uli.

"Tagal magbihis !" Tapik sa akin ni Greg
"OY ! Ano nganga ka nanaman sa kagandahan ko ?" sagot ko
"Asa naman"pagmamaangmaangan nya
"Pero kanina..."paguudyok ko
"Nagwala ka daw kanina ?" Pag iiba nya ng topic
"Wala, sumabog na ko dahil sa mga bruhang yan !" Turo ko sa tatlong babaeng nakaupo sa bar.
"Sus, pagaksayahan ba ng oras ang mga yan?"sabi niya habang pailingiling

"Aba aba ! May pagganyan ganyan ka pa?!"kunwakunwari kong pagsasapak sa kanya
"Hoy nakakasakit ka na ah!" Saway nya
"Hahahaha, nga pala kamusta kagabi?" Tanong ko
Tumingin muna sya sakin ng maiigi
"Bakit?"Tanong ko
"Umupo ka"sabi niya, sabay pagpag sa mataas na upuan pumwesto kami dun sa bar na malapit sa pool
"Ano sayo?"tanong nya
"Juice lang muna"sabi ko
"Aba aba... teka"sabi nya sabay order sa bartender ng apple juice at ginandtonic
"Aga pa kaya"sabi ko
"So ano nga kamusta kagabi?" Tanong ko uli
"Kamusta kagabi o Kamusta si Rocky kagabi?"Paglilinaw nya
"alam mo naman pala eh! Sagutin mo na kasi"pagpipilit ko
"ayos lang, nag enjoy kami ng sobra, ang kukulit pala ng mga katrabaho ni Kuya Nior, alam mo ambait ng kuya mo, kahit di naman nya ganun katropa sina dennis at carlos pinasama nya pa rin... kaya ayun sobrang saya kagabi" kwento niya habang nakangiti sa akin ng nakakaloko

Takte to! Gusto ata talaga nito tanungin ko sa kanya ng literal! Haaay !Di ka pa rin nagbabago Greg, nambubuwiset ka pa din!

"Bakit?Nasagot ko naman tanong mo ah"ngiti ngiti nyang sagot
"Bahala ka nga jan sa buhay mo!" Tayo ko
Hinawakan naman nya agad braso ko at umupo uli ako
"Sya talaga ang may dahilan ng pag wawala mo diba? Sinabi sa akin ni Mama"Seryoso nyang pagsisimula
Tumango lang ako
"ano ba nangyare kasi kagabi"tanong ko
"Wala naman, nag inum lang kami sila ni red ang laging magkausap... pero parang ang lalim ng iniisip nya, tinatanong namin si red kung anong meron, di naman kumikibo si red, nabuwiset na nga si Jon eh minsan minsan na nga lang daw kami uli nagkasamasama ganun pa daw ginagawa nung dalawa"pagkukuwento nya
agad agad kong binuksan ang phone inbox ko at pinabasa sa kanya ang message ni rocky
Binasa naman nya, halatang halata ang pag iiba ng awra nya. Hindi ko alam kung ano tumatakbo sa isip nya pero pagkatapos nyang basahin napatingin kagad sya kay Maggie na nakatingin rin pala sa amin.

"Dinner muna tayo Yang." Seryosong aya nya at hinila nya ako sa lamesa ng mga pagkain.
"Pwede magshare" sabi ko
Binigyan niya naman ako ng roasted chicken.
"Hindi yan, kung ano yang nasa utak mo" sabi ko
"Ayaw mo ba nyan?"Tanong nya sabay tingin sa plato oo
"gusto ko, kuha ka pa ng extra ribs" sabi ko
"Takaw mo talaga"bulong nya

Bigla nanamang naghiyawan ang mga tao, tinanggal na pala ang mga piring nina ate, at kuya.
Kumaway naman kaming dalawa kina ate at kuya at parang nagtatanong kung alam ba daw namin, agad agad naman kaming napailing.
Hindi ko madescribe yung itsura ni ate at kuya, gulat na gulat silang parehas, parang natataeng naiihi sa saya o sa lungkot hahaha ewan.

"Ano ba kasi yun? Teka bakit kailangang nandito pa tayo kakain ? Hahanapin tayo dun" sabi ko sakanya habang sinusndan sya sa lamesang nasa may buhanginan na.
"Ganda ng moon."sabi niya
Ang abnormal nito. Nakakabwiset talaga
"Hanap mo si Rocky?"bigla nyang tanong
Ay oo nga pala si Rocky, asan na ba yun?
Lingon lingon ko.
"Kung ako sayo hayaan mo na yun"sabi nya
"Boyfriend ko yun, hahayaan ko?"sabi ko
Nagsimula na syang kumain kaya, nagsimula na rin ako, hindi ako gaano kagutom dahil late na rin naman yung naging lunch ko.
"Sorry yang ah..."bulong nya
"Sorry san?"sabi ko
Biglang dating naman nung bartender , dala ang dalawng basong beer at applejuice then dalawang basong tubig.
"Ikaw nag order?"tanong ko
Tumango lang sya sabay tingin sa dalampasigan
"teka, sorry san uli?" Tanong ko
Bakit ba ang ddrama ng mga tao ngayon? Una si Rocky tapos sya naman ngayon?!
"Sa lahat lahat, yung kay Papa..."sabay punas sa luha nya
"Oh, ano yan bakit umiiyak ka na?" Natataranta kong lapit sa kanya
Nakaluhod ako ngaun sa tabi niya habang pinupunasan ang sunod sunod na luha nya
"Ano ba! Alam mo namang napatawad na kita diba? Kaya nga bestfriend tayo diba? Aksidente yung nangyare, wala kang kasalanan."mahinahon kong sabi
Ano ba yan pati ako napapaiyak na din.

"Ha!"pagexhale nya
"Ano ba yan! Nasira na tuloy make up mo"sabi niya habang pinupunasan ang basa kong pisnge
"Ikaw kasi eh bigla bigla kang nagdadrama"sabi ko
"Ang ganda kasi ng moon"sabi niya
"Yung moon, oo nga pala, full moon din nun nung nagkabati tayo haay hanobayan! Kainis naman lakas makadrama ng moon na yan, atleast happy memory yun hahaha" pagtawa ko
"Iyang..."halos pabulong nyang sabi
"Ano?"paglingon ko uli sa kanya kaya aksidenteng nagtama ang dulo ng ilong namin sa isat isa.

Ito ba yung tinatawag nilang slow mo? Parang tumigil ang oras ng magtama ang dulo ng aming ilong. Ano to?

"Tayo ka na dyan, baka akalain ng mga tao nag propopose ka sa akin" bulong nya
Hindi pa ako agad nakapagreact sa bango ng hininga nya para bang matutunaw ako.

"Ay eh ! Eto na nga..."tayo ko agad, kaya tuloy nagkauntugan kami
"Ay sorry! Harang harang kasi!"sabi ko habang haplos haplos ko yung noo nya
"Haaay!" At bumalik na uli ako sa kinauupuan ko at nag patuloy ng kumain

Nakailang balik na rin yung bartender, nagsimula na rin kasi kaming mag inom ni Greg.
Nakita ko naman kasunod ng bartender si Rica at Jon na magkaakbay.
"bakit lovers?"tanong ko
"Kami? O kayo?" Tanong ni Rica
"Bro, ano ikaw na din? Solo solo na lang ang trip nating ngayon?"tanong na may halong tampo si Jon.
"Hindi niyo ba napapansin si Maggie? Kanina pa yun pabalik balik dito kaya nga pumunta kami dito, akala namin kung anong meron, yun pala kayo lang" kwento ni Rica na nakaupo na sa tabi ko
"Daming nakain ah"pagpansin nya sa mga platong nasa lamesa
"Oy di ako sya!"turo ko kay greg
"Nakakagutom ang byahe"rason ni Greg
"Kain construction kayong dalawa ni Jon eh no?"sabi ni Rica
"Gwapong construction naman to"pagyayabang ni Jon
"Napansin mo sya?"tanong ko kay Greg
"Sino? Si Mags?"tanong nya
Tumangotango ako sabay higop sa straw ng apple juice
"Oo, wala naman akong pake dun"sabi niya
"Parang hindi naging kayo..."pagtukso ko

Lumaki naman parehas ang mata ni Jon at Greg ng marinig nila ang sinabi ko
"Oo alam ko, halos isampal nga sa akin yun ni Maggie eh ansarap sabihin, na pakihanap ang pake ko"sabi ko
Napatingin naman sa akin si Rica ng napakameaningful, binagyan ko lang sya ng question mark face.

"Ehem"sabi ni Jon,
"Nga pala, nakita nyo na si Rocky?"tanong ko sa dalawa
"Malamang kasama ni Red yun"sabi ni Jon
"Si Red nanaman?"tanong ko
"Ewan ko ba dun sa dalawa kagabi pa yun silang magkasama"sabi ni Jon na may tampo pa rin
"Drama naman nito" pansin ni Rica
"May importante daw syang sasabihin eh"sabi ko

At pagkatapos kong sabihin yun, bigla bigla nalang tumayo si Greg at dali daling naglakad palayo sa amin.

"Anyare dun?"Tanong ni Rica
"Ewan ko jan! Ang abnormal lang"Sabi ko
"Teka lang, misis" paalam ni Jon kay Rica
"Misis?!" Pagulit ko
"Bakit? Kesa naman sa baby nyo ni Rocky"sabi ni Rica sa akin
Tumango sya kay Jon at nagbigay ng smack sa pisnge at patakbong sinundan ni Jon si Greg.

"GIRLS ?! anong ginagawa nyo jan?! Andito ang party diba? Tara na dito!!!" Sigaw ni Ian sa amin ang aming Godmother

"Tara"Aya ko kay Rica
Pairap naman syang tumayo at sumunod sa akin.

The Top Spot ( TAGALOG )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon