CHAPTER 4

351 23 23
                                    

                           Chapter 4

Sa sementeryo...

" mukhang dumaan na dito si kuya at mama.." bulong ko nang makita ko na may dalawang pot ng bulaklak sa puntod ni papa at isang basong beer at isang bote ng beer.

" oh.." bigay sa akin ng pot ng flower at kandila, yun pala laman ng bag nya.

"Thank you.." mahina kong sabi

Lumuhod ako papalapit sa puntod ni papa, nag pray saglit at nagsimula na akong kausapin sya.

" Pa, 3 years na po... Kamusta kayo jan ? Walang beer jan pa. Kamusta pagiging alcohol free ?! 3 taon na po tayong hindi nakakapaginuman, yaan mo susunod ako jan para makapag inuman tayo..." bigla naman akong siniko ni Greg na nasa tabi ko

" Ay joke lang pa.. Nga pala sorry po.. Muntik ko na pong makalimutan tong araw na ito... Sorry pa... Pa, alam ko nandyan lang kayo sa tabi namin palagi, mahal na mahal po kita at miss na miss na kita Pa, chill lang kayo jan pa ah, keri naman na po namin eh..." lumuluha kong sabi, napatingin naman ako kay greg na nagsisimula na ding maging emosyonal

Napangiti naman ako sa nakita ko

" Ay pa ! Paki sabihan naman tong si Greg oh ! Masyadong pasaway at bwiset sa buhay ko ! Lagi akong inaaway pa ! Magpakita ka nga dito, mga tipong bago sya matulog Pa.." Pangiti ngiti kong sabi habang nagpupunas ng luha sa pisnge

Binigyan naman ako ng nakamamatay na tingin ni Greg

" Pa ! Wag ka maniwala jan kay Iyang ! Ang landi po kasi eh !" binelat naman nya ako

" Hala ! Di yon totoo papa ! Baliw to ! Mamaya mag paramdam talaga yan si Papa, ginugulo nanaman natin sya eh..." Sabi ko naman

"Tara na ?" aya nya

" Hindi, dito muna tayo... Samahan natin si papa..." sagot ko naman

Humiga ako katabi ang puntod ni papa.

" pano kaya kung andito pa si papa, siguro sya ang kasama ko dito at ikaw ang nasa lugar nya..." sabi ko

" Oo nga... At for sure, kayo lang ang magtya'tyagang dalawin ako...asa naman sa mga magulang ko" sabi naman nya na nakahiga na din sa kabilang side ni Papa

" Pang teleserye kasi kwento ng buhay mo ! Kamusta na pala dad mo ?" tanong ko naman

" Ah ayun, kahit pinagbawalan, gumora pa din sa france, may mahalagang deal kasi sila dun... Nangako naman sya kay Mom na pagkatapos nun eh mag babakasyon daw sya for a month or two, di ko lang alam kung matutuloy yun... Kung matutuloy man... Si Mom ang magmamanage." kwento nya

" Eh pano yung business ng mama mo ?" sagot ko naman

" Superwoman sya eh ewan ko sa kanila, problema nila yun !" sagot naman nya

" nagsasabay pa ba kayong kumain almusal or dinner ?" tanong ko

" almusal ? Agad akong umaalis, dinner ? Di ko na naabutan." sagot naman nya

" Pang teleserye talaga!" pagbibiro ko

Ngumiti naman sya sa sinabe ko

Bumangon naman ako at nagsimula ng magayos.

" Tara ! Sama ka sa akin sa bahay, for sure nag handa ngayon si mama, kaya din siguro aligaga yun kaninang umaga. Tara !"

Aya ko sa kanya.

" Okay.." bumangon naman sya

" text mo mama mo di ka makakauwi ngayon." utos ko naman habang naglalakad kami papunta sa motor nya

The Top Spot ( TAGALOG )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon