Chapter 42

26 1 0
                                        

Greg's PoV

"Ma ? anjan pa din ba sya ?"

Tanong ko sa Mama ni Iyang.

"puntahan mo na lang sa kwarto nya, aalis muna kami ni Mae mag sa-shopping! Ikaw na bahala sa anak ko ah, pagbalik ko dapat may apo na ako" pag biro ni Mama

"Grabe naman ka naman mother !" pagpuna ni Mae

"Hayaan muna natin sya Ma, magkikita't magkikita pa rin naman kami nyan" lakas loob kong sinabe

"Wow, iba din ang confidence natin tol ah" sabi ni Rudie

"Kung sainyo nga nangyare, ba't sa amin hindi?" nakangiti kong sabi.

"Gawing basehan ba yung sa amin? hello? kasal na kami eh kayo? tsaka magjowa muna kami bago naghiwalay eh kayo?" pang aasar ni Mae

"Grabe ka naman love, malay mo naman diba?" sabi naman ni Rudie

"hay, pasalamat ka di pa nakakamove on ang lola mo ! may chance ka pa." sabi naman ni Mae

"Talaga ba?" tanong ko naman

"Haaay! dalian mo na kasi, baka may mag aya nanaman sa kanya mag pakasal nako, baka pumayag na yun !" pagbabanta ni Mae

natigilan naman ako sa sinabe ni Mae. Oo, muntikan ng magpakasal si Diana, nasa ibang bansa ako nun nung nalaman ko, agad agad ako umuwi ng pinas, hindi ko alam kung anong mangyayare sa buhay ko kung maikasal si Diana sa iba, sya lang ang natatangi kong mahal, sya na yung babaeng nakatadhana sa akin. Hindi pwedeng maikasal sya sa iba dahil akin sya, akin lang.

Flashback...

*ding*

<1 new email>
From: noir.executives@gmail.con
Subject:!!!!!!!!!!!

GREG!
IKAKASAL NA SI DIANA, ASAN KA NA BA ? BAT DI KA PA UMUUWI NG PINAS, AKALA KO BA IKAW NA MAGIGING BAYAW KO?
HINDI KO ALAM KUNG PAANO, KAILAN PERO PUMUNTA DITO YUNG LALAKE AT SINABE SA AMIN NA ENGAGE NA SILA NI IYANG!.

ps.Sorry, kakaalam ko lang din ng balita, as in ngayon lang bro, reply ka asap.

----end of email----

"Si iyang Ikakasal na?!" sabi ni Mom, nasa likod ko pala

"Mom!" napasigaw ako

"Sorry I didnt mean to, but son...calm down" pagapasensya ni Mom

"Kailangan ko umuwi ng Pinas." Agad kong sabi

"I'll contact out secretary. she will meet you at the airport" Agad agad ng tinawagan ni Mom ang executive assistant nya.

"Thank you Mom, Sorry, I yelled at you..." Sabay beso ko sa kanya
niyakap naman nya ako at tinapik sa likod.

agad agad na akong pumunta sa airport, madaming tao, peak season dahil summer na, maraming umuuwing OFW para sa reunions, and bakasyon with family.

"Sir, Im sorry pero wala na pong executive flights to manila, but I can call our private pilot to fly you there." Pagbati sa akin ng secretary namin

"Tina, diba nasa bakasyon sya ? okay na ako sa economy, meron ba ?" tanong ko

"Sir, sure kayo ? meron po eto ibobook ko na po" sunod sunod na sabi nya

The Top Spot ( TAGALOG )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon