CHAPTER 20

146 12 2
                                    

                      Twenty

Rocky's POV

Papunta dapat ako ngayon sa HQ nina Diana, ihahatid ko kasi sya sa kanila, bridal shower kasi ng Ate Kaye nya ngayon. Pero eto ako, kasama si Maggie, at mukhang wala sa mood, halos mapipi na nya yung hawak nyang phone.

"Okay ka lang Bes?" Tanong ko

"Mukha ba akong OKAY?!!!"Sigaw nyang sagot

Halos matumba naman ako sa kinauupuan ko sa pagsigaw nya, nagsiliparan nga din ang mga kalapati sa harapan namin, andito kasi kami ngayon sa plaza ng school, madalas tambayan ng mga kalapati dahil, may naglulunch na mga estudyante. Pa-hapon na, medyo mataas pa rin ang araw, pero eto kami ni Maggie nasa ilalim ng init ng araw. Mainit ang ulo ng bruha! Mas dumagdag pa ang init ng panahon.

"Bes, pwede bang lumipat tayo? Tirik na tirik ang araw dito oh! Dun tayo sa silong!" Pagsa'suggest ko

" ANDAMI MONG ARTE ! PORKET NAGUGLUTA KA !" Singhal nya

Aba! Idamay ba ang mga Beauty Regimen ko? Ehem. I mean kailangan ko yun para gwapo ako lagi sa mata ni Diana,pati na kay... Basta, kainis tong babaeng to ah, maiwanan nga. Patayo na ako nang hilain nya ako uli na umupo at may inabot na papel.

*"The Top Spot"*

Ah Oo nga pala, ang listahan ng mga estudyantend sikat, at outsanding kung san sang bagay, kumbaga Deans list, kung sa Dean's List eh academic ang basehan, sa The Top Spot List, pati extracurricular, academics, attitude, personality mo, sinu-survey ito sa buong campus. Pag nasa pinakaunang spot ka malamang sikat ka, di lang sa mga estudyante pati sa professor ng school. Kung baga influential kang tao kaya ka nailagay sa List. Madugo tong listahan na iyan, marami ng nasuspend, naexpell dahil jan kahit teacher nasisante dahil sa pangingialam sa listahan na iyan. Maraming pagkakaibigan ang nasira, marami rin namang nabuo dahil dito, kinonduct ang The Top Spot List para maging isang inspiration at motivation ng mga estudyante, naisip ito ng dating presidente ng school, para magka'chance din ang mga estudyante na ipakita ang kanilang gilas, hindi lang sa pang academics, it was started 9 years ago, pang 10th year na ngayon, at narinig ko sa mga estudyanteng nagbubulungan, espesyal daw to ngayon dahil babalik ang mga naging kasama sa listahan, para parangalan ang mga nakasama ngayon. Buwan buwan, may list na nilalabas, bale preliminary list iyon, at sa dulo ng taon may isang malawakang survey at pagtatally ng mga votes at matindihang deliberation para sa pinaka final na List. Sa mga panahong ito, halos di na magkaugaga ang mga presidente ng mga orgs pati ang advisers, deans, department Head. Sila kasi ang mga magjujudge at magtatally ng votes. Nagaganap na ang mga suhulan, padulasan, paandar ng mga estudyanteng nominado. Ako pangalawa taon ko last year na nakasali sa The Top Spot List, una nung bagong lipat ako, bagong mukha kasi, last year naman, dahil nakasali ako sa team ng football at nakastrike sa championship. Nasa pangalawang pwesto ako. Di ko kilala yung Una, graduate naman na eh, pangatlo si Maggie, sunod si Greg at panghuli si Fheiy.

Naging issue pa iyon dahil dapat si Claire ang nasa listahan at hindi si Fheiy. Eh may ginawang kagagahan si Maggie para mapasok ang kanyang ex-classmate na si Fheiy at tanggalin si Claire na dati nyang bestie. Mga babae talaga ! Nakakaloka. Buti pa sina Diana, walang pake sa mga ganyan.

*"The Top Spot"*

1. Diana Marie DelaVega

"Wow ! Top 1 si Girlfriend !" Patalon kong nasabi

Nasabunutan naman ako ni Maggie dahil dun.

"Gaga ! Hanapin mo pangalan ko jan ?!!! Walaaa !!! " Sigaw ala-impakta ni Maggie

Tiningnan ko uli, nandun ako.. Si Rica, si Claire at Papa Greg este Greg. Wala nga ang lola mo. Patay tayo jan !

"Ngayong buwan palang naman to bes, may dalawang buwan pa. January pa lang ngayon...kalma" pagaalo ko sa bruha.

"Impossible !!! Pero hindi ! Tama ka ! May dalawang buwan pa ako para masira ang pangalan ni Claire kung naggawa kong sirain pangalan nya dati, madali na lang para sa akin ngayon ito .. At ng pesteng nagmamagandang iyang si Diana ! Rocky sana naman nasa akin pa rin ang loyalty mo! Alam mo kung ano pwede kong gawin !! " nanlalaking mata na pagbabanta sa akin ni Maggie sabay dramatic walk out ang bruha.

Shems! Pano to ? Kung kelan naman natutuwa na ako kay Diana ? Simula nung umuwi si Diana kahapon, mas lalo ko na syang nakilala hindi sya yung klaseng babaeng naikwento sa akin ni Maggie. Talagang bitter lang ang gaga dahil sa pakikipagbreak ni Greg sa kanya noon eh sya naman yung nauna dahil akala mo kung sinong nagmamaganda ! Haay ! Kung hindi nya lang alam talaga kung ano ako. Siguro hindi ako parang asong ulol na susunod sunod sa kanya. Actually ngayon ang plano ko para magtapat kay Diana about sa plano ni Maggie, kainis !

Nakakastress! Magkakawrinkles nanaman ako nito eh !

Paalis na ako ng plaza ng marinig ko ang pamilyar na boses mula sa likuran ko.

"cupcake?"

*dug*dug*dug*dug*dug*

"cup..cake?" bulong ko...

Ang boses na sobra kong namiss, ang boses na aking minsang sinumpa, ang boses na sobra kong minahal, ang boses na nagpapasaya sa akin...

"Red..." banggit ko nang makita ko kung sino ang taong nasa likod ko

Bago pa uli ako makasalita... Naikulong na nya ako sa mahigpit na yakap...

-



Ano?Confuse o Confirmed???

Whoooooooooooo!!!!!!!

Share ko lang ang soundtrip ko habang ginagawa ko yung last scene ay " walang hanggan" ni wency cornejo whooooo!! Kilig much ba ? Charing.

Ayun nga ! Sobra po talagang thankyouuuu! At umabot po kayo dito ^_^ more support pa po ! Hehehe pero seryoso Thankyou po talaga ng madaming madami !  sa mga critics nyo po thankyouuuuuuuuu :* sobra nyo po akong tinutulungan !!

Ayun na nga po? Ano po ? Plug ko lang po yung new book ko " TORN" werewolf series po sya ^_^

Sana po try nyo hehe yun lang po ^_^

Ano kaya mangyayari sa Bridal shower? At kamusta naman na ang tambalang Rocky-Diana or RoIana? (Ansabeeee?!!!) Magtatapat na ba si Papa Greg ? Cupcake? Anong meron sa Cupcake? Abangan natin ang mga susunod na chapters !

<3iamyieeeeeeeee

The Top Spot ( TAGALOG )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon