Chapter 5
Bigla akong naalimpungatan at nagising.
" Asan si Greg ?" tanong ko
Ang nakita kong nakahiga sa tabi ko ay si Wako at stein.
" Ay pucha ! Nakalimutan kong i'lock yung kulungan ni Stein, magpapalit nanaman ako ng bed sheet nito eh." sabi ko
Anong oras na ba ?
4:00 am
Hala. Ang aga pa pala. Anong oras na ba ako nakatulog ? Tsaka bat ayos na ayos ako ?
Narinig ko ang pagbukas ng gate namin sa baba.
Sumilip ako sa bintana para tingnan kung sino yun.
Si Greg.
Sinitsitan ko sya, at tumingala naman sya at kumaway.
" Ingat" pabulong kong sigaw.
Tumango na lang sya.
Kaya siguro ako naalimpungatan dahil sa pag alis nya. Sya din siguro nagpapasok kay Stein.
Ano ba nangyare kagabi ?
Ahh... Oo nga pala naggawa ako ng essay pinaguusapan namin yung tungkol kay Rocky Baby ko. Napangiti naman ako ng maalala ko ang kwentuhan namin ni Greg, at kung ilang beses nya akong binatukan dahil sa kalandian at kaharutan ko.
" Grabe, natapos ko pala yung essay, nakanang !" sabi ko sa sarili ko
Nagsimula na akong mag ayos ng gamit at narinig ko na din ang paglabas ni mama sa kwarto nya, magsisimula na siguro mag handa ng almusal sya.
Lumabas naman ako para batiin sya ng goodmorning
" Ma ! Goodmorning ! " nakangiti kong bati
" Nakauwi na si Greg ?" sabi naman nya
" kakauwi lang..." sabi ko
" Ah, okay.. Nakapagalmusal naman na yun eh..iiwan daw muna nya ang motor dito... Baka daw pagdiskitahan ng mom nya eh" pagkkwento ni Mama
" Kanina pa kayo gising ?" tanong ko
" Oo naman alas tres ako nagigising diba ? Ayaw pa nga mag almusal nung loko, buti napilit ko." sagot ni mama
" mabuti yan at maaga kang nagising ngayon para hindi ka nagmamadali, nga pala.. Mukhang hindi ka mahahatid ng kuya mo narinig ko syang kausap yung katrabaho nya kanina, hindi daw makakapasok ang kuya mo, marami ba kayong nainom kagabi ?" tanong ni mama
" Sila po ! Edi alay-lakad ang peg ko ngayon, sabay na lang ako kay Rica. Sige 'Ma maghahanda na ako."
Pagpapaalam ko kay Mama
Pagpasok ko uli sa loob ng room, nakita ko yung mga sinulat sulat namin ni greg kagabi.
" ang panget at landi ni Iyang." nakangiti kong basa sa sulat ni Greg
" Ang baho ng utot ni Greg" Sunod kong basa sa sulat ko naman
Nagkalat sya sa loob ng kwarto ko kaya pinagpupulot ko muna at nilagay sa isang kahon, kung san dun namin nilalagay ang mga sulat namin sa isat isa. Nung unang beses naming ginawa yun eh mga seryoso ang mga nakalagay ginawa namin yung way para makapagmove one kami sa mga nangyari noon...pero habang tumatagal, puro kalokohan na lang ang nalalagay namin.
Pumasok na ako sa banyo para makapag ligo ng matagal tagal tutal maaga pa naman.
Pag labas ko ng banyo, nagsimula na akong patuyoin ang buhok ko, nakita ko bigla yung plantsa sa buhok ko at naalala ko ang sinabi ni Greg kagabi.
BINABASA MO ANG
The Top Spot ( TAGALOG )
RomanceThis isn't about boy meets girl. This is not your classic romantic love story, this is about how a girl get into the Top Spot, with her twisted life events and twisted love affairs. Ofcourse, there will be a boy, that will add up and give more spic...