CHAPTER 15

169 13 2
                                    

-Fifteen-

Diana's POV

Wednesday

4:00 pm

Rehearsal Dinner nina Kuya Nior at Ate Kaye

"Ma..." mahina kong katok sa kwarto ni Mama

Nagkaayos na kami ni Mama, katakot takot na sorry ang ginawa ko, syempre sinermunan muna din nya ako, talak kung talak ! Kuda ! Kung Kuda ! La eh, kasalanan ko talaga. Pero katulad ng kay kuya, hindi tanggap ni Mama si Rocky, kaya sana daw alam ko tong pinapasukan ko.

Basta ! Magkaayos na kami wala ng problema.

"Ma ?" katok ko uli

Nakarinig ako ng hikbi sa loob, nang sinubukan kong buksan ang pinto sa pag aakalang nakalock ito, pero hindi kaya dahan dahan kong binuksan at pumasok. At dun nakita ko si Mama na hawak hawak ang picture ni Papa.

"Ma..." mahina kong tawag habang papalapit sa kanya

Umiiyak si Mama pero nakangiti ito.

"Haay, Yang.. Panigurado ko tuwang tuwa ang papa mo ngayon..." nakangiti nyang sabi

Napansin namin nina kuya ang pagiging emosyonal ni Mama, habang papalapit ng papalapit ang kasal nina Kuya, hindi lang si kuya nag iniiyakan nya si ate Kaye din. Sinabihan pa nga ni Mama si ate kaye na kung magbabackout daw si Ate ay hindi daw sya magtataka, nakaka-offend kay kuya pero parang anak na din kasi ang turing ni Mama kay ate kaye kaya ganun na lang sya magbiro dito.

"haay nako, ma ! For sure ang feeling nun nasa heaven sya ! Actually redundant na , nasa heaven na sya eh, tapos feeling nasa heaven pa sya ?" Tangatangahan kong sabi

Binatukan naman ako ng nanay ko sa sinabi ko.

"Puro ka kalokohan, Osya ! Tara na ! Hindi pa tayo nag di'dinner, baka tayo makaubos ng mga pagkain na i-ffood taste dun hahaha" hikbing tawa ni Mama

"La eh, angkan ng mga matatakaw !" dagdag ko naman.

"Ka Norma ! Tara na.." Tawag ni Manong Poying. Ang driver namin.

Hindi pa kasi ako pinapayagan ni Mama na mag drive kahit marunong na ako, baka daw kung anong mangyari, pag wala si kuya at kailangan kong gumamit ng sasakyan, either gagambalain nya si Greg o ipapatawag nya itong si Manong Poying. Ang care taker ng haunted house sa kabilang street. Medyo creepy ang itsura ni Manong Poying pero keri naman, sya madalas kainuman dati ni Papa kaya nasanay na rin kami sa presence nya.

Pagkababa namin, naabutan namin si Jon , Greg at Rica. Pinagpaalam nila ako kung pwede sa kanila na lang ako sumabay kay Mama, pumayag naman si Mama. Nga pala grounded pa din ako, para daw magtanda talaga ako sabi ni Mama, bale isang buwan ang pagiging grounded ko... At duda akong may kinalaman dito si Lola Citti, nakita ko kasi silang magkausap nung isang umaga, haay. Laki ng problema sa kin ni Lola Citti.

"Huy !" Pansin sa akin ni Rica

"Di ka papasok ?" tanong nya

"eto na !" sagot ko sabay pasok sa kotse ni Greg

"Lets go Tagaytay !" sigaw ni Jon

"Tagaytay mo mukha mo !" Sabi ko

"di ka nainform bruha ? Sa tagaytay ang rehearsal dinner!" Pagpapaalala sa akin ni Rica

Ay Oo nga pala ! Kasi andun nag babakasyon ngayon ang mga magulang ni Ate kaye, eh tinanong ako ni Ate kaye kung nakapunta na ba ako sa tagaytay sabi ko hindi pa, kaya sabi nya, kakausapin nya daw sina Ian at Katrina na i-excuse ako tutal kasama naman sila, bale ang alam sa school ay may seminar kaming pupuntahan ni Maam Gonzaga (Katrina). Super duper short vacay daw namin sabi ni ate kaye.

Alanganin, pero fully booked na kasi abg araw nina Ate kaye. Sa Friday simula na ng Bridal Shower ni Ate Kaye, at wala pa kaming Ideya kung san ito gaganapin, yung kapatid nya kasi ang nag aayos nun at ang nanay ni Greg na mukhang sasama rin sa amin. Oo kasama kami ni Rica, hello hindi naman na kami teenager ni Rica, kung baga sa lalaki ay binata na... 21 yrs old na ako pati si Rica, graduating kaming parehas, at parehas na late, la eh ! :) mukhang magiging masaya at wild ang peg ng bridal shower ni Ate Kaye, na-e'excite tuloy kami ni Rica.

"Huy ! Lagi ka na lang nag sspace out ! Nga pala kamusta na kayo ni Rocky ?" tanong ni Rica

"Ah.. Ayos lang naman. Magsyota pa din." Sagot ko

"Parang di ka masaya ah !" Tanong nya

" Hindi naman sa hindi masaya, nitong mga nakaraang araw kasi ang weird ng mga kinikilos ni Rocky, laging hindi mapakali." Kwento ko

"Ayos lang naman sya tuwing practice namin.." pakikisali ni Greg

"Hindi ko sya napapansin sa school." pakikisali din ni Jon

"Pano mo makikita eh lagi kang nakakulong sa HQ nyo!" Sagot naman ni Rica kay Jon

"#HUGOT!" sabay naming sinabi ni Greg

Natawa tuloy kami pareparehas.

"baka naman napaparanoid ka bruha, dahil ba to sa sinabi ni Ian ? Kasi napaisip din ako dun eh, pero sabi ng girlfriend nya wag daw maniwala sa baklang yun..gulo nila mag syota." nakakunot na noo ni Ricang sinabi.

"Si Maam Gonzaga ba tsaka Si Sir Ian Pio ?" tanong ng tanga tangahang si Jon

"Kahit mag-asawa na ata sila ?" sagot ko kay Jon.

Natawa naman si Rica at greg sa naging sagot ko.

"Hindi ba kayo marunong sumagot ng maayos ?" inis nyabg tanong

"Marunong ka bang hindi magtanong ng mga tanong na pangtanga or nakakatanga ?" sagot naman ni Greg

"Ayan ! Pagtulungan ba naman ako ?" Sagot naman ng damuho

"back to Rocky !" sabi ni Rica

"Ah ayos naman, medyo di lang kami nag kakasama kasi diba ? Training ?" kwento ko

"Sabi ni Rocky sa akin eh lagi kang busy sa school paper kaya hindi kayo nagkakasama.." Kwento naman ni Greg

Huh? Busy sa school paper ? Eh lastweek pa tapos ang gawain ko dun eh hindi ako busy sa school paper..

"Di naman ako busy sa school paper eh.." Sagot ko

"Baka kasi lagi kang nasa HQ kaya akala nya eh busy ka lagi." Sabi naman ni Jon

"Oo nga bruha ! Wala na bang ibang tambayan ?" tanong ni Rica

Siguro nga, may aircon kasi sa HQ eh.

"Oo na ! Hindi na masyadong magtitinambay dun !" Sabi ko

Bago kami umabot sa tagaytay, nagstop over muna kami sa bilihan ng Buko Pie. NagCrave kasi kami ni Rica.

"Libre nyo boys ah !" sabay naming sinabi ni Rica

"Aba !" sabi ni Jon

"Ay may reklamo ka ?" taas kilay na tanong ni Rica

Napatikom naman si Jon at umiling. Nauna ng naglakad papasok sa shop si Rica at Jon.

"Sila na ba ?" Tanong ko kay Greg

"Oo, di mo alam ?" nagtatakang tanong ni Greg

"Luh? Di ko alam.." Sagot ko

Sila na pala ?

The Top Spot ( TAGALOG )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon