Chapter Ten
Rocky's POV
Sa hospital...
"Asan sya anak ?" Tanong sa akin ng mama nya
Medyo nakokonsensya na ako sa nangyari, hindi ako nakasagot agad buti na lang andun si maggie
" Tita, nasa emergency room na po sya, andun din po si Greg.. " sagot ni Maggie
Agad namang dumeretso ang Mama ni Diana sa ER
"Uy ! Umayos ka nga ! Anong nangyayari sayo ?!" tanong ni Maggie
" Wala wala... Syempre naman Mags, kailangang makita ng nanay nya na nagaalala talaga ako." Sabi ko
"Sabi mo.yan ah..tara ! Dapat ikaw yung nasa tabi ni Diana eh ! Imbes na yung Greg." Hila sa akin ni Maggie
At nakita namin na tapos na pala ang mga doctor sa pagbibigay ng paunang lunas kay Diana. Kinakausap naman ni Greg at Mama nito yung Doctor.
"Tara na dito !" bulong ni Maggie
"hawakan mo yung kamay !" utos nya uli.
Hinawakan ko naman.
"After a few minutes, mawawala na din ang mga pantal pantal nya, pero kailangan pa din nya ng respirator para tulungan syang huminga..." Sabi ng doctor
Ako ba yung kinakausap ?! Nakatingin sa akin eh..
Siniko ako ni Mags.
Kaya napatango tango ako sa Doctor.
"Pero doc, pwede na sya umuwi diba ?" Tanong ni Greg na halatang nag aalala ng sobra
"Actually Oo, tutal may respirator naman sila sa bahay nila, at bumibili naman na yung Mom nya ng mga nireseta ko, so wala na akong rason para ipa-stay sya dito overnight. As soon as magising sya at kayanin nyang tumayo eh pwede na syang umuwi." Pag eexplain ng doctor.
"Salamat po.." pasasalamat ni Greg
"Thank you po doc" Sabi ko naman
Tiningnan muna kami ni Greg, hindi ko alam kung yung tingin nya na ba yun ay masama, or papatayin kami eh. Ewan.
"Gre...gre...greg ?" bulong na tawag ni Diana na nagsisimula ng magising
Bigla namang sugod sa tabi ni Diana si Greg.
Napatayo tuloy ako sa kinauupuan ko. Ang bango nya.
"Yang ?...." mahinang sagot ni Greg
"Sorry..." Sagot naman ni Diana
Hindi masyadong maintindihan ang sinasabi ni Diana dahil na din sa naka respirator sya.
"Shhh... Sabi ni Doc, pwede ka daw na umuwi, nahihilo ka pa ba ?" malambing na tanong ni Greg
Tumango lang si Diana, halatang hilo at nanghihina pa ito.
Siniko naman ako ni Mags.
At nginuso na pumunta ako sa tabi ni Diana.
"Diana.. Baby..." mahinang kong tawag.
Mabagal na lumingon si Diana sa akin.
Ngumiti naman sya...
Seryoso, Maganda si Diana... Hindi lang pansinin dahil sa natabunan na ng pangaasar sa kanya bilang loser at lahat ng attention ay nakina Fheiy, Mags at sa iba pa.
"baby.." mahina nyang sagot
Tumayo naman si Greg at umalis.
Bakit sya umalis... Dito ka lang.
BINABASA MO ANG
The Top Spot ( TAGALOG )
RomansThis isn't about boy meets girl. This is not your classic romantic love story, this is about how a girl get into the Top Spot, with her twisted life events and twisted love affairs. Ofcourse, there will be a boy, that will add up and give more spic...