Diana's PoV
Humahagulgol akong nagdrive sa madilim at masukal na daanan, san ba ako papunta ? Basta kailangan kong makalayo sa kanila. Ansakit sobrang sakit, nagbalik nanaman lahat ng sakit na nararamdaman ko, hindi naman ito naalis namanhid lang ako pero ngayon lahat lahat ng sakit nararamdaman ko.
"Mahal kita, mahal kita Diana..."
Paulit ulit na tumatakbo sa isip ko ang mga sinabe ni Greg kanina, dahil sa pagmamahal na iyon, kaya ko naranasan lahat ng pasakit na iyon. Bakit ako pa ?
Sana hindi na lang kami nagkakilala...
Sana hindi ko na lang siya kinaibigan...
Sana hindi na lang sya naging parte ng buhay ko...Dahil ang sakit...
Ang sakit sakit...
Lalo pang sumasakit dahil alam ko...
Alam kong...Mahal ko na din siya...
Mahal ko si Greg
Mahal na mahal...
Someone's PoV
"Pare, kanina pa yan nakatitig sa beer nya, hindi naman iniinom."
Sabi ni Joemar"Baka pinagaaralan yung label nung beer." Sabi naman ni Archie
"Tigilan nyo nga yan baka akalain pa tayong manyakol nyan." Sabi naman ni Anthony
"Oo nga hayaan nyo na sya, mukhang may pinagdadaanan si Miss Beautiful." Singit naman ni Jay"Type mo ano?" Tanong sa akin ni Ron
"Hindi ah, nacucurious lang ako, ano bang nakakaiyak sa redhorse?" Sagot ko
Sabay sabay naman kaming nagtawananMaya maya pa'y ako na ang nakatoka para umorder ng dalawa pang bucket na beer.
"Lakas nyo makatawa ah." Sabi ni Miss Beautiful
"Po? Ano po yun?" Tanong ko
"PO ? MUKHA BA AKONG MATANDA SAYO?" Taas kilay na sabi niya
Ang ganda pala talaga nya, medyo haggard lang dahil sa kakaiyak pero ang ganda pa din.
"ANO NATULALA KA NA JAN?Yung order mo o!" Mataray pa din nyang sabi
"Jeff nga pala," pagpapakilala ko
"Tapos?" Sabi niya
"Tapos kukunin ko na to ng order na ito at lalayas na pasensya na sa pagtawa namin kanina, iniisip kasi namin kung anong nakakaiyak sa redhorse kaya nga eto o, yun na ang inorder namin, para maiyak naman kami, kanina pa kasi kami tawa ng tawa eh. Sge miss beautiful, nice to meet you." At nagmadali na akong bumalik sa pwesto.Nagulat naman ako sa reaksyon ng tropa pagkabalik ko, para bang nakakita ng multo o kung ano man.
" ano, napogian nanaman kayo sa akin, oo na sagot ko na to !" Pagbibiro ko
Lumapit naman si Anthony sa akin at tinapik ako sabay sabing, "iba ka talaga" habang pangisi ngisi
Dahan dahan akong lumingon sa aking likuran at nakita ko si Miss Beautiful, sumunod pala sya sa akin."Gusto ko tumawa katulad ng pagtawa nyo kanina." Sabi niya
" ah eh..." Sabi ko
" ah eh??? San ba ako uupo?" Tanong nya
" dito miss beautiful !" Pagtayo ni Jay"Marie." Pagpapakilala nya
" chie or archie," pag sisimula ni Archie mag pakilala
"Jay. At your service"
"Anthony, ang alamat ng barkada. Biro lang tataytayan ng barkada"
"James reid. Este Joemar."
"Rudie" sabi ni Ron
"Ron" sabibnaman ni Ruddy"Pagpalitin nyo pa." Sabi ni Marie
"Nagbibironlang eh diba gusto mo tumawa?" Sabi ni Ruddy
"Hindi nakakatawa." Supladang sagot ni Marie"Parang ang hirap mo naman patawanin." Sabi ko
"Hayaan nyo lang ako dito, pag patuloy nyo lang usapan nyo, makikinig lang ako," kalmado na nyang sagot
Napangiti naman kaming lahat dahil sa pagbago ng awra nya.
Nagkatitigan muna kami bago binasag ni Archie ang katahimikan."TUMINGIIIIIIN SA KING MATAAA !" Pagkanta ni Archie sabay tawanan kami
Wala namang reaksyon si Marie
Nagsimula na kaming magkwentuhan ng mga bagay na walang kwenta, napapangiti na rin namin si Marie kahit papano lalo na kapag nag jojoke si Joemar ng waley.
Mas gumaganda sya kapag nangingiti, mas lalo tuloy kaming na curious kung ano yung iniiyakan nya yung redhorse ba talaga ay nakakaiyak pero yun na yung iniinom namin eh di naman kami nag dadrama, napahagikhik tuloy ako sa kapilosopohan ko.
BINABASA MO ANG
The Top Spot ( TAGALOG )
RomanceThis isn't about boy meets girl. This is not your classic romantic love story, this is about how a girl get into the Top Spot, with her twisted life events and twisted love affairs. Ofcourse, there will be a boy, that will add up and give more spic...