Seventeen
"Shot pa !" Sigaw ni Ate Klaud sa bartender
Tapos na ang rehearsal dinner, umakyat na ang mga gurang sa kani kanilang kwarto, si Mama, sina kuya at ate kaye, sina tita, tito basta yung mga gurang nasa taas na.
Yung mga ibang mga bisita naman ay umuwi na.
"Brunch naman bukas diba?" tanong ko
"Oo, kaya pwede tayong mag party all-night till the sunliiiight!" hiyaw ni Ate Klaud
Palibhasa wala pang anak tong si Ate Klaud, Si Kuya Neil naman ay tamang inom lang sa tabi, hindi naman sya yung tipong nag ttake-advantage, takot lang nya sa monster nyang asawa. Hahaha
Medyo may tama na kami ng makasama na naming lubusan si Greg, panay tawag kasi sa kanya yung nga bruhang modelo ! Ewan ko nga kung nakakain yun ng maayos.
"Girls ! Hinay hinay, mauunahan nyo kami nyan eh.." Sabi niya
"Dami mo kasi inaatupag" dabog kong sagot
"Ayan ! Nagseselos na ang inday." pangasar ni Rica.
" Numero !" Sabay patong ng isang pink na calling card ni Jon
"Eh pano ito?" Sabay abot ng tatlong table napkin na may numero si Rica kay Jon
"Legit ba to?" tanong ni Jon
Tinuro ko naman yung isang grupo ng mga lalaking modelo kay Jon.
Halatang nakadama ng selos ang loko, hinalikan ba naman si Rica habang nakatingin dun sa mga lalaki.
"Possessive!" sabi ko
Napatawa naman si Kuya Neil.
"Ate klaud asan na ? Ubos na ako." Sabi ko sabay pakita ng baso kong wala ng laman.
"Nakakarami ka na ata ah.." bulong sa akin ni Greg na nasa tabi ko nanaman
"Ikaw din ah! Mukhang nakakarami ka na ah ! Di ka pa ba nakakakota?" taas kilay kong tanong.
"Maam?" sabi nung bartender sabay bigay ng tatlong shot ng tequila, tapos isang baso uling skotch.
Ininum ko ng sunod sunod yung tatlong shot ng tequila, sa pagaakala na sa akin lahat ng yun, sa akin kasi tinapat lahat ni Kuyang bartender.
"Woah !!" Palakpakan naman sina ate klaud, Rica, kuya Neil at Jon pati rin yung bartender. Pero si greg nakasimangot.
"Galing.." Bulong nya
"Eh akala ko.akin lahat eh edi ininom ko.." sagot ko
"tapos meron pang ganto?" sabay hawak sa baso ng skotch ko
"Wag mong subuka--"
At ayun ! Bottoms up !
"Palitan mo...yan!" Medyo naramdaman ko yung tatlong shots ng tequila biglang sumipa.
"Ano kaya pa ?" nakangisi nyang tanong
"Kaya mo pang lumandi?!" di ko napagilang nasabi.
Buti na lang may kanya kanya ng business sina ate klaud at kuya neil, pinaguusapan kung san magandang mag paaral ng anak, si rica at Jon, kalandian as usual.
"So nagseselos ka nga?" nakangisi pa din nyang tanong
"Dun ka na sa mga bruhang modelssssss mo !" Sagot ko sabay tayo
"Kuya ! Wine naman ! Hehe" tawa tawa kong order
"Kay ate Klaud pa din ah !" sabay kindat ko kay ate Klaud.
BINABASA MO ANG
The Top Spot ( TAGALOG )
عاطفيةThis isn't about boy meets girl. This is not your classic romantic love story, this is about how a girl get into the Top Spot, with her twisted life events and twisted love affairs. Ofcourse, there will be a boy, that will add up and give more spic...