CHAPTER 16

226 15 2
                                    

                      Sixteen

"Kelan pa ?" Tanong ko kay Greg

"Ewan ko, nung anniversary ng papa mo ata, sabay sila umuwi nun diba ?" pagpapaalala nya sakin

"Ah.." Kunyare naalala pero wala talaga akong Idea ang alam ko lang pagkatapos ko maligo nun eh dumeretso na ako sa kwarto.

"Ay di mo pala alam ! Basta nung kinaumagahan, tinawagan ko si Jon para sya nag magsundo sayo kasi, si daddy pinadaan nya ako sa office nila muna ng ganun kaaga ! Badtrip nga nun eh..." Kwento nya habang namimili kung anong flavor ng mani ang bibilhin nya

"Yan ng sweet and spicy para both...tapos anong sabi ni Jon ?" tanong ko

"Ah oo nga..ayun parang high! Yes ng yes ! Edi hinulaan ko pero super wild guess lang talaga yun sabi ko, kayo na ni Rica ? Sagot naman sya kagad Oo bro !" Kwento nya with paiba ibang boses.

"Ahhh... Naalala ko na kinabukasan sabi ni Rica sa akin kiniss daw sya ni Jon ! Inasar ko pa nga sya nun eh, pero di na namin napagusapan uli eh kasi diba yun din yung araw na..." Sabi ko sa kanya

"Ay oo yung nakipag away ka at nakipaglandian kay Rocky.." pangiti ngiti nyang sagot

"Aba !" Tangi kong nasabi

grabe ! Landian talaga ?

"Oh yan na ba yung sainyo ?" tanong ni Rica na nasa counter.

"Anong endearment nyo?" Tanong ko

"Huh? Pinagsasabi mo ?" Tanong nya

Ngiti naman ako kay Jon na nilalantakan na yung Buko Pie kahit mainit pa.

"Ah ganun !" sabi ni Rica sabay tingin kay Greg.

"Nagtanong sya... Alangan namang hindi ko sagutin." Sagot naman ni Greg

"Nakanang ! Pumapagibig na ang bruha!" Pangaasar ko.

"Haay ! Matatapos na din kalbaryo ko!" Sabi ni Jon sabay akbay kay Rica

Kinilig naman ako sa ginawa ni Jon kay Rica. Omaygeeed ! :"">

" Yeah right.. Ah ingget ang iyang !" Sabay asar sa akin ni Rica

"Ah ganun !" sabay hablot sa braso ni Greg

"Aba ! Gawin ba akong reserba ? Bakit kasi di mo sinama boyfriend mo?" tanong sa akin ni Greg

"Eh may gagawin daw sya.." Sagot ko naman

Lagi na lang busy yung taong yun ewan ko ba kung ano pinagkakabusyhan, akala ko sa training pero sabi kanina ni Greg di naman ganun ka busy sila ngayon, eh ano dahilan nya ngayon ? Haay. Nakakapagduda na ah.

"Uy ! Ano dinadrama mo jan ?" tanong ni Greg

"Wala ! tara na !" Sabay tanggal ng braso kong nakapulupot sa braso nya.

Nauna na akong sumakay sa sasakyan.Umupo na ako sa harapan para magkatabi na yung mag syota. Ayoko man gawin yun kasi for sure mangiinggit lang si Rica, eh wala eh ! kaibigan ko silang parehas they deserve it ! Diba?

Super ngata na lang ako sa nga cornick at mani na binili namin ! Haay.

"Uso mamigay.." bulong ni Greg

"Ay oh!" Sabay subo sa kanya ng Mani

"Dahandahan.." Sabi niya

"Sorry naman, malapit na tayo?" Tanong ko

"Yup!" Sagot nya sabay turo dun sa arko nakalagay kung anong pangalan nung lugar.

"Sosyal." Sabi ko

The Top Spot ( TAGALOG )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon