Mae's PoV
*calling Rica*
"Uy Girl !!!" sagot ko sa tawag
"Tama bang iwanan ako dun sa bundok, porke may kasama kayo kaninang afam ah !" may tampong boses na sinabi ni Rica
"Hahaha sorry na te ! uy alam mo ba si Greg andito?!" Pag chichika ko
"Alam ko, teka asan ka ba ? sabi ni Tita sasama ka sa pag shopping bakit si rudie lang andito?" tanong nya
"kasama mo sila ? sumakit kasi tyan ko, sa dumpling na kinain ko ata kanina, kaya bumalik ako, naabutan ko pa nga yung dalawa dito! nakakangilo sa kasweetan, kadiri" nandidiri kong pagkwkwento
"malandi talaga yang dalawang yan eh, hahaha akala mo kung sinong mga teen ager, tara na ! pumunta ka na dito, diba sabi ko kanina bago tayo lumipad para sa sky diving eh may sasabihin ako, tungkol kay Greg yun at sa plano nya kay Diana mamaya." kwento nya
"eto na ! inaantay ko lang yung gamot ko na ideliver sa room, mamaya jan pa ako magkalat, sige sige susunod na ako jan byeeee" pagpaalam ko.
Diana's PoV
"San ba tayo pupunta ?" Tanong ko habang papasok kami sa sasakyan nya
"sa proposal ng first love mo?! diba sabi mo?" patuloy na pagsakay nya sa biro ko
"Loko, di nga seryoso na kasi..." sagot ko
"bakit di ba seryoso yung first love mo? o ikaw ang hindi talaga seryoso dun ?" pang aasar nya
"Hay nako, may anak na yung first love ko, asa naman akong bet pa nya ako" sagot ko naman
nagkaroon ng malaking question mark sa mukha nya sa sinabe ko
"oh ano ? feelingero ka kasi ! hahaha!" kantyaw ko
"di ko gets?! may anak ? sino? wala pa naman akong anak ah" Sabi naman nya
"diba nag adopt na sila ng kambal? ang cucute nga eh, ninang ako nung dalawang yun ! teka teka ? bakit ikaw ? ikaw ba first love ko?!" pang aasar ko
"di pa din makamove on ?" bawi naman nya sa akin
"ano ba ! im happy for them na kaya, but he'll always be my the one who got away" pag iinarte ko
nalungkot naman yung mukha nya sa sinabe ko"talaga..." mahina nyang sabi
"oo, nagugutom ako kain na tayo kagad ! di ako nakakain kanina ng maayos." pag rereklamo ko
"arte arte ka pa kaninang di mo ako kilala" sabi naman nya
"nagulat lang kasi ako, bigla bigla ka na lang kasing nagpapakita." sagot ko naman
"iyang..." pagtawag nya sabay sarado ng makina ng sasakyan
"sorry..." Seryoso nyang sabi
"Huh? sorry san ?" tanong ko naman
at bigla bigla nya akong piniringan.
"ano to ?! eto na nga bang sinasabe ko eh ! sa tagal ko ba namang nag inarte sayo siguro eto na ang bawi mo sa akin ? shet naman greg ! sorry na sa pagiging pabebe ko, nasaktan lang naman kasi talaga ako... greg di naman kailangan umabot tayo sa ganito, wag naman sana tayo maging marahas, pag usapan natin to greg... mahal pa rin naman kita eh... greeeg... huhuhuhu" pag dadrama ko at pag pupumiglas kong sinabe
"artista ka talaga eh no? piniringan ka lang ! di ba pwedeng may surprise lang sayo ? marahas kagad ? tingin mo sa akin ? serial killer ?" sagot naman nya
"Ay surprise ba... haha paranoid lang." sagot ko
"kakacomputer mo yan eh !" sabi naman nya
"Mama ? ikaw ba yan?" nakangiti kong sinabe"pero mahal mo ?...ano daw sinabe mo kanina teka... andrama kasi eh pero may narinig ako..." pagmamaang maangan nya
BINABASA MO ANG
The Top Spot ( TAGALOG )
RomanceThis isn't about boy meets girl. This is not your classic romantic love story, this is about how a girl get into the Top Spot, with her twisted life events and twisted love affairs. Ofcourse, there will be a boy, that will add up and give more spic...