CHAPTER 13

229 14 2
                                    

                Chapter Thirteen

Diana's (IYANG) POV

*stomachgrowl*

Shit. Di pa pala ako kumakain.

Tingin sa Mini fridge.

Aww ! Pucha naman, kakaubos lang pala ng supply ko dito ! Mapipilitan akong bumaba nito eh, pero nasa baba sina mama for sure nag babake sila eh, amoy na amoy ko ang mga cupcakes :( mas lalo tuloy nag wala yung tyan ko.

Haay ! Ewan baba na ako ! Di ko kayang matulog ng gutom habang may mga naamoy na mabangong pagkain. Ang hirap nun !

Paglabas ko ng kwarto nakasalubong ko si Ate Kaye

"Ate.." mahina kong bati

"Lagyan mo na ng mga icing yung mga yun, umakyat na si Mama... Trabaho mo daw yun eh. Sige." paalam ni ate kaye at dumeretso na sa guest room.

"Oh no, pati si ate kaye ?" bulong ko

Pagbaba ko sa may dining, nag hehello na sa akin ang nga cupcakes, chocolate... Redvelvet... At vanilla. Ang dami naman. Haay mapupuyat ata ako nito.

Pagkatapos kong kumain ng aking late dinner like super late nagsimula na akong gumawa ng icing, kukulangin kasi yung nagawa na nila. Andaming nasayang mukhang nagpractice si ate Kaye pero mukhang hindi nagwork.

"akina cellphone mo. Eto ang allowance mo bukas. Ihahatid at isusundo ka ni kuya mo. Tinawagan ko na si Greg, kung wala ang kuya mo sya ang maghahatid sundo sayo." blankong sabi sa akin ni Mama

"Akina. Yung laptop mo ibigay mo rin." Dag dag ni Mama

"eto yung cellphone ko. Pero yung laptop ma.." Bigay ko ng phone ko

"ibabalik ko sayo uli, may aayusin lang ako dun." Hinge nya uli

Shet. I-bban na nya ako sa lahat ng social networking site ? My gosh.

Wala akong naggawa. Binigay ko.

Umakyat na din sya sa kwarto nya pagkatapos nyang kunin ang lahat sa akin . Grabe Against All Odds ang peg namin ?

*ring*

*ring*

May tumatawag ?

"Hello?" Sagot ko sa telepono

"Yang. " Sagot ng nasa kabilang linya si Rica.

"Bakit..kung sesermunan mo nanaman ako.." bago ko pa matapos ang sasabihin ko nagsalita na si Rica

"Kamusta ? May allergy ka pa rin ba? Pinagalitan ka daw ni Ka Norma, ayos ka na ba ?" nagaalala nyang tanong

Naiyak tuloy ako nang marinig ko ang nag aalalang boses nya. Naalala ko kung pano ko sya sigawan kaninang umaga :( pero kailangan ko talagang makausap si Rocky dalawang araw na kasi kaming di nagkikita miss ko na sya ng sobra sobra.

"yang?" tanong uli ni Rica

"Ayos naman na ako, grounded nga pla ako kaya bale ang cellphone ko ay hindi gumagana ngayon." sagot ko pinipilit na hindi ipahalata na naiyak ako

"Ah okay.. See you when I see you" at binaba na nya ang tawag

May tampo pa din sya. Oo alam ko mali ang ginawa ko, pero bakut hindi nila maggawang magtiwala sa akin at suportahan ang mga ginagawa ko ? Hindi ba nila nakikita na masaya ako ? Alam din naman nila na sobrang pinapangarap ko si Rocky at ngayon nasa akin na sya. Tsaka nag sisimula palang naman kami eh, bakit ganun ? Ano ba ang mali ?

The Top Spot ( TAGALOG )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon