Chapter Eight
Greg's POV
San kaya pumunta sina Diana at Rocky kanina ? Bat kasama din nila si Maggie ? Ambilis ng mga pangyayari, ako ba dapat ang sisihin dito?, dahil sa sinama ko si Diana sa lunch ng team ?, gusto ko lang naman na nandoon sya para mag celebrate... Kahit na hindi nya alam yung i'se-celebrate. Anong meron kasi yung Rocky na yun na wala...
" Hey sailor ?!" Biglang bati ng pamilyar na boses
Si Maggie
" Ano?" bored kong tanong
" May lovelife na ang besfriend mo ! Ikaw ? Kelan ka mag kakaroon?" tanong nya halatang nagaasar lang
" Di ko kailangan ng Syota." Sagot ko
" Suuus. Bitter ka lang eh !" Pang aasar nya
" Maggie Shane Remuza, gusto kong maglakad at umuwi ng mapayapa kaya please lang kung pwede?!" sabay senyas na umalis sya
" Alam kong gusto mong malaman kung san sila nag punta.." nantutuksong sagot ni Maggie
" Wala akong pake sa kanila pwede ba ? Tsupe !!" pang bubugaw ko sa kanya
" Well, nag date lang naman sila sa puntod ng papa ni diana ! Hahahayy well mukhang meeting the parents na ang drama nung dalawa, actually na meet na pala ng mama at kuya ni Diana si Rocky kagabi, kasi hinatid ni Rocky si Diana kasi walang payong si girl, syempre y'know naman si Rocky gentleman kaya ayun !" Pagkkwento nya
" Hindi mo ba talaga ako lulubayan ?!" ginamit ko na ang nakakatakot kong boses sa kanya para malaman nya kung ano ang pwede nyang abutin sa akin.
"Asan ba kotse mo ?" tanong nya hindi pinapansin ang galit na pinapakita ko sa kanya
" Okay ! Eto na nga ! Lulubyan ka na ! See you next time Honey Bunch !" sabay halik sa pisngi ko at sumakay na sya sa kanina pang sumusunod na kotse sa amin
"BWISET !" sigaw ko
Naghalo halo na ang kabwisetan na nararamdaman ko ! Kay Maggie pati na din kay Diana at Rocky !
Maari kayang, hindi nakita ni diana kaninang umaga yung dala kong flowers at balloons para sa kanya dahil hindi pinakita nina kuya at Mama sa kanya dahil sa nameet na nila kagabi si Rocky at mas gusto na nito siya ?!
At bakit dinala ni Diana si Rocky agad sa puntod ni Papa ?! Di ba may usapan kami ? Ang tanging ipapakilala lang kay Papa ay yung sigurado na talagang sya na talaga ?!
" ARRRRGHHHH!!!!!" sabay suntok sa salamin na nadaanan ko
*crack*
*crash*
"Aww..." Nasabi ko habang tinitingnan ang dugong dumadaloy sa braso ko dahil sa sugat na nasa kamao ko.
"Greg ! Pare !" Sigaw ni Jon
"Jon, Si rocky na at Diana..." Sabi ko kay Jon
" Ay tang ina naman tol ! Kakapaggawa lang nitong salamin ni tita eh ! Patay ka nanaman dun kaka wasak mo lang nito kahapon eh !" sabi ni Jon
" Salamin pa inalala mo ! Tamo dumugo tong kamao ko oh !" sabay abot ng kamay kong dumudugo
" Mukha ka ng shunga tol ! Isang kamay na may benda ay ayos na para sa image na bad boy pero dalawa magkabilaan ? Manny paquiao na ang bagsak mo !" patawa tawang sagot ni Jon
" Tangina mo pre ! Gagamutin mo ba yan oh ano ? Gusto mo.ikaw isunod ko sa salamin nyo ?!" hamon ko sa kanya
" Eto na nga eh ! Tara sa bahay !" Akay nya sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/24218260-288-k315943.jpg)
BINABASA MO ANG
The Top Spot ( TAGALOG )
عاطفيةThis isn't about boy meets girl. This is not your classic romantic love story, this is about how a girl get into the Top Spot, with her twisted life events and twisted love affairs. Ofcourse, there will be a boy, that will add up and give more spic...