(Diana) Iyang's PoV
"Iwan ko na lang dito ito ah..." Malambing na mahinang bilin sa akin ni Mama bago sya umalis ng kwarto
Nakatayo ako ngayon sa balcony ng bahay
3 days na ang nakakalipas, wala pa rin akong maramdaman bukod sa sakit. Galit ? Oo siguro pero hindi naman ako galit sa kanila, kundi sa sarili ko.
Galit ako sa sarili ko dahil bakit ko hinayaang mangyari ito sa akin ? Bakit ako nagbulagbulagan at bingebingihan sa lahat ng nakikita at napapansin ko?
Bakit hindi ko pinakinggan sina Mama at Kuya ? Pati mga kaibigan kong pinagkakatiwalaan ?
Ganun ako katanga ?! Ganun ako kamanhid ? Ganun ako ka bobo sa lahat ng nangyare at ginawa nila sa akin?!3 araw ng sina Mama at Kuya Nior at Ate Kaye lang ang kinakausap ko.
Hiyang hiya ako na makipagusap kina Rica, pati na rin kay Greg kahit na araw araw akong dinadalaw dito ni Greg.
Ilang beses naman na ako tinatawagan ni Rica, pero di ko maggawang sagutin dahil hindi ko alam kung sapat na ba yung lakas ko para kausapin ang kaibigan kog minsan ko ng pinagisipan ng hindi maganda dahil lang sa kabaliwan ko.
Ilang araw na ding nagpapadala ng kung ano ano si Rocky, pati na rin si Red pero narinig ko kagabi, ngayon daw ang flight nito pabalik sa states.Wala pa rin akong maramdaman para sa kanilang dalawa, walang galit, walang kahit ano...puro katanungan; BAKIT? PAANO?
"Iyaang?" Mahinang tawag ni Ate Kaye mula sa loob
"Ate Kaye..," wala akong emosyong sinabi"May dala ako ditong paborito mo, sharksfin at chinese fried noodles, o' lantakan mo na !" Nakangiti nyang sabi
"Salamat po" wala pa rin akong emosyong sinabi, gusto kong ngumiti pero hindi ko maggawa kaya lalo akong naawa at nahihiya sa pamilya ko dahil alam kong apektadong apektado na sila sa nangyari sa akin.
Lalong lalo na sina Ate Kaye, hindi nila maggawang magfocus sa kanilang kasal dahil sa akin, muntik na nila itong i-urong dahil sa akin. Pero nagpumilit akong ituloy nila dahil naischedule na ang lahat, at halata namang handang handa na sila bakit pa ito ipagliliban ? Sinigurado ko sa kanila na ayos lang ako, kaya din napilitan akong bumangin sa aking kama para maipakita sa kanila na ayos lang ako.Kasabay nun, ay ang paghinge ko sa kanila ng pabor na katulad ng ginawa ko dati nang mawala si Tatay, ang pagbili ng pagkain, movie CD's, at pagpunta sa mga event event sa labas. Ayoko mang lumabas at mag saya dahil alam kong hindi naman ako sasaya, pinipilit ko na lang para sa kanila, para makita nilang, ayos ako. Gustong gusto ko magmukmok pero ayokong makita silang makitang nasasaktan dahil sa akin, kailangan kong lumaban para sa kanila. Dahil lahat lahat ginagawa nila para sa akin, hindi na masyadong umaalis si Mama sa bahay kahit na maraming inaayos sa negosyo at Restaurant namin, sinisigurado nilang lahat na nasa bahay na sila before mag 6pm para sabay sabay kaming manunood ng daily local evening news at salo salong mag dinner.
Pangatlong araw pa lang, pero dama kong kakayanin kong malagpasan to dahil sa kanila. Para sa kanila, lalaban ako.
"Masarap." Bati ko
"Buti nagustuhan mo, nako magluluto ang Mama mamaya ng masarap..." Sabi niya habang hinahalungkat ang ref..."...,gusto mo akong samahan na bumili ng comforter, matress at kung ano anong pwedeng mabili sa home depot ? Hindi daw makakasama si Mama dadaan daw siya sa resto eh, si Kuya Nior mo naman dun na lang daw tayo magkikita." Aya sa akin ni Ate kaye na ngayo'y katabi ko na sa balcony"Pasok tayo ang inet inet dito," aya nya sa akin
"Bakit ang aga mo ngayon umuwi ?"Tanong ko
"Nagfile na ako ng leave, syempre para may makasama ka na dito sa bahay!" Masaya nyang sabi napataas naman ang kaliwa kong kilay
"At ! Para maayos ko na ang kasal ! Hahaha o, kalma lang baby girl !" Hawak nya sa kamay ko habang nakangiti
"Bukas ang dating ng mama mo diba?" Tanong ko
"Yes, pero mamaga dadating na yung lil brother ko." Sagot nya habang kumakain ng noodles
"Masarap po yung sharksfin, try nyo po" abot ko ng sharksfin
"Ay grabe, baby girl, nung makita ko to nang dumaan ako dun sa binibilhan natin dati ng kwek kwek ay nako ! Agad kitang naisip, bumili na kagad ako ! Pinilit ko pa nga si Manang na mag balot pa ng sharksfin kasi khit hindi pa luto bibilhin ko ! May pangpulutan na kayo mamaya !" Kwento nya
"Pulutan ?" Tanong ko
"Nandito na din kasi ang lil bro ko at pupunta ang mga pinsan kong boys, gusto nilang makilala si Kuya mo, dahil nga sa hindi sila nakasama nung nag bachelor party, yung mga pinsan ko din at ibang kaklase ko noon, pupunta dito kaya magkakaroon ng salo salo." Pageexplain nya
"Magluluto po ako" sabi ko
"Ay dinga ? Sige ! Alam ko naman kung ano iluluto mo ! Tara magbihis ka na antayin na lang kita sa garahe, papa alam na din kita kay Mama." Sabi nya sabay tayo at kuha sa pinagkainan namin.

BINABASA MO ANG
The Top Spot ( TAGALOG )
RomantizmThis isn't about boy meets girl. This is not your classic romantic love story, this is about how a girl get into the Top Spot, with her twisted life events and twisted love affairs. Ofcourse, there will be a boy, that will add up and give more spic...