Chapter 33

79 1 1
                                    

Iyang's (Diana) PoV

"Akyat muna ako." Paalam ko kay Ate Kaye

Lumipat na sila sa may pool area dahil napagkatuwaan nilang magbasaan at nauwi sa swimming ang party nila, wala pa namang lasing pero nagkakaroon na sila ng tama lumalakas ang boses at madalas na ang tawanan.

"Si Kaye?" Tanong ng isang lalaking may kasamang buntis na nakasalubong ko sa may sala.
"Sa may pool area sa likod." Monotone kong sagot
"Dun?" Medyo naiilang na sinabi nung lalaking habang nakaturo sa lanai.
Tumango lang ako.
At naglakad na ang mga ito papunta sa lanai, nakasalubong naman nila si Mama na pinadaan muna sa dining area para kumain.

Dumeretso na ako sa kwarto para makapagbihis.
Pagkatapos ko mag shower at magbihis narinig ko ang pagkatok ni Mama sa kwarto.

Punagbuksan ko sya at inabot ang hairbrush ko, sinimulan naman nya kagad ang pagsuklay ng basa kong buhok.

"Tinakot mo naman yung dalawang bisita kanina, sabi nga nung buntis maganda ka daw sana kaso nakasimangot ka...paglilihian ka nga daw nya eh." Kwento ni Mama
"Baka maging isang malaking tanga ,engot at uto uto ang magiging anak nya wag na lang." Sagot ko
"Grabe ka naman anak! Hindi ka naman ganun eh minsan lang...tsaka natuto ka naman na diba?" Malambing na sabi ni Mama
"Sana" sagot ko

"Matutulog ka na ba ?" Tanong nya
"Hindi po, baka magalit sina Rica." Sagot ko
"Buti naman, osya ako matutulog na, bago ka bumalik dun timplahan mo muna ako ng tsaa dalhin mo sa kwarto ko ha. Sige mauna na ako sainyo, maaga pa ako bukas." Bilin sa akin ni Mama

Iniwan na nya ako sa kwarto ko, napansin kong ang nasuot kong damit ay pantulog na kaya nagpalit ako ng jersey at shorts short, matagal ko ng hindi nasusuot ang shortshorts na ito dahil sa pagiging malaman ko pero ewan ko at biglang nagkasya, kung may isang positibong nangyare sa akin ngayon dahil sa insedenteng yun? Siguro eto na yun. Pero anlaki talaga ng pwet ko, iba lahi nina Mama talaga.
Nagdalawang isip pa ako, pero nasa bahay naman ako at mahaba haba naman tong jersey na suot ko.

"Kay greg pala ito." Sabi ko sa sarili ko sa salamin ng makita ko ang apelyido ni Greg sa likod ng football jersey na suot ko.

Bumababa na ako at gumawa ng tsaa ni Mama, habang naghihintay na kumulo ang tsaa ni Mama tumambay muna ako sa dinner table at kumain, hindi kasi ako masyadong nakakain kanina dahil sa daming taong nakatitig sa akin, sayang puro paborito ko pa naman ang nakahain.

Walang arte kong kinain ng nakakamay ang mga pagkain.

"Hindi ka naman gutom bes?"tanong ni Rica na nahuli akong nakataas ang isa kong paa sa upuan at kagat kagat ang hita ng paa habang nakahawak sa paa nito ang nagmamantika kong kamay.
I just rolled my eyes to her,
"What do you want?" Pagtataray ko
"Aw ! Sorry maam ! Kumukulo na kasi yung tsaa mo! Ang ingay" Maarte nyang sagot
"Pinatay ko na, nanghinge yung buntis, okay lang naman diba? Kanino ba yun? Para kay Tita?" Tanong nya
Tumango ako at tumayo para ihanda ang tsaa ni Mama.

"Akyat ko lang to. Walang mangengealam ng pagkain jan!" Babala ko sabay pinandilatan ko si Rica na akmang kukurot sa Crispy pata ko.
"Daya naman" sabi nya

Pagkatapos kong ihatid ang tsaa ni Mama, tinapos ko na din ang pagkain ko para makasama na ako sa inuman. Tahimik lang ako sa isang tabi katabi si Greg na naiinis dahil sa suot ko
"Okay na sana eh, kaso ang iksi masyado ng short mo" bulong nya
"Puros may asawa na ang mga tao dito, ano bang kinababahala mo, bahay ko naman to" sagot ko
"Hindi lang ako sanay,pasensya" bulong nya
"Cheers?" Pagkampai ko sa kanya

"Kanino yung sulat galing?" Tanong nya
"Kay Fheiy "sagot ko
"Kung gusto mo samahan kita,habang binabasa mo" pagoffer nya
"Di na, kaya ko to" sagot ko
"Sabi mo eh, basta dito lang ako" sabi nya sabay hawak nya sa kamay ko
Aalisin na sana nya ang kamay nya ng hinawakan ko ang kamay nya.
Ewan ko pero, nagustuhan ko ang pakiramdam na hawak hawak nya ang kamay ko.
Napangiti si Greg, inilayo ko naman ang paningin ko sa kanya buong gabi kaming magkahawak kamay, naglalayo lang ang kamay namin kapag pupunta ang isa sa amin sa CR, minsan pa nga nagsabay pa kami dahil sa lasing na kami.

The Top Spot ( TAGALOG )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon